Chapter 2: Mahal Kita

337 3 1
                                    

Madali akong naka punta sa bahay ni Jean kasi nasa kabilang block lang ang bahay nila. Mayaman talaga sila Jean dahil may apat na palapag silang bahay at tatlong pick up.

Hindi ako mayaman at hindi din naman mahirap. Nasa middle class lang kami simula nong iniwan kami ni papa para sa ibang babae. Isa kami sa mga mayayaman sa panahong yun, pero nung magka hiwalay si mama at papa, nag iba lahat.

Nag iisang anak lang ako kaya naman ang swerte swerte ko nung makilala ko si Jean. Bagong lipat sila noon kaya naman nilapitan ko siya at nakipag kaibigan. Si Ana Jean Santiago ay bunso sa tatlong magkakapatid.

Di kagaya sa amin ay kumpleto ang pamilya nila at masaya sila. 7 pa lamang ako nung maging magkaibigan kami. Simula non ay wala nang iwanan ang motto namin. Kahit pa ngayon na 18 na kami ay hindi parin kami nagbabago.

"JEEEEEEAAAAAAAAAAAAN!" sigaw ko pagka pasok sa bahay nila.

"NAKITA KO ULIT SI ANDREEE!" dagdag ko.

Wala pang sampung segundo ay naka rinig na ako ng ingay galing sa kwarto niya. Bumaba siya at tumakbo papunta sa akin. "Woah! talaga?!! let me guess, nagtago ka na naman noh? Hay naku Fern kung gan-"

"Nag usap kami ok?!" pag irap ko sa kanya. "weh! di nga!" sagot niya

"Naiinis na ako ha! Sabi nang totoo yun eh! kaso lang hindi maganda unang pag uusap namin." namula naman ako sa naisip. "bakit teh?"

Nakakahiya mang sabihin pero sige na nga! "Uhm... ka-kasi ano nakita ko siya na nasa labas ng internet cafe na may kasamang mga kaibigan kaya ayun..... uhm medyo bumagal lakad ko at tsaka hindi ko namalayan na may poste na pala sa harapan ko kaya ayun, natumba ako." Tinapos ko na sana doon pero talaga naman tong si Jean...

"oh. tapos ano pa? bilis!" pagpipilit niya sa akin.

hanubayaaaan. mapipilitan ako nito. hahay. " tsaka a-ano..." pagpapaliwanag ko sana nang pinutol niya sasabihin ko.

"WAAAA! TINULUNGAN KA NIYA NOH?! TAPOS NAGKATINGINAN KAYO TAPOS NAGKALAPIT MGA LABI NINYO TAPO-"

"Tumingil ka ngang babae ka! walang nangyari! wala! hindi niya ako tinulungan. Imbes na tulungan niya ako eh tinawanan pa ako ng mahal ko. bwiset lang talaga! tangina!" pagkaklaro ko sa kanya.

"pfffffffffffffffft" tiningnan ko naman siya ng napaka sama.

Nagpatuloy ang pagdakdak ko nang sama ng loob ko kay Andre hanggang sa hindi namin namalayang alas diyes na pala ng gabi. hahayyy. uwian time na!

"oy jean, alis na ako alas diyes na pala eh" paalam ko sa kanya.

"geh."

wow ha. sweet niya talaga. maka alis na nga lang dito. -_-

-kinaumagahan-

"Ma naman kasi! ayoko nang mag aral dito sa school nato! gusto ko nang lumipat sa University!" pagmamakaawa ko kay mama.

Eh pano ba naman, dun nag aaral si Andre koooo. Kung dati hinayaan ko siyang mapalayo sa akin, pwes ngayon hinding hindi na talaga! Gagawa't gagawa ako ng paraan mapalapit lang sa kanya. Woooooo!

"Ang panget doon! Ang baho ng c.r, ang pangit ng facilities, hindi magaling mga teachers tsaka grabe ang favoritism dun maaaa! ayoko na dun! maraming nang bubully sa akin! *iyak effect*" pagdadrama ko ulit.

"Hoy babae! wag mong malait lait yang alma mater ko ha! dahil sa skwelahang yun, umangat buhay natin! tsaka sino ba nambubully sayo nang ma reklamo natin yan sa guidance?"

Anak ng teteng naman talaga oh! Pano ko ba malulusutan si mama nito? Isip isip Fern. Hmmmm. Kung gumawa kaya ako ng masama sa school para ma kick out nalang? Tsk. erase erase. Eh kung magpa bagsak nalang kaya ako? Naaaaah! di parin. erase erase. Eh kung gawin ko nalang yung unang naisip ko? Hmmmmm. SIGE! Mwahahahahaha!

"Wag nalang ma. Kakayanin ko nalang dun kahit mahirap" malungkot na sabi ko kay mama.

Dahil nga summer pa, naisipan kong tawagan ang landline nila Andre ko. Watta bright idea! Pumunta ako sa sala at kinuha ang phone directory namin. Pleaseee sana siya unang maka sagot. hihihi. Hanap hanap din tayo ng telephone number nila pag may time! ^_^

Wala pang dalawang minuto, nakita ko na number nila. Kaya eto na! Dial ko na. Nakaka kaba siya ha.

*Dialling*

-Ringing-

"Hello?" ay! babae ang sumagot. walanjo!

"Ahm hello, andiyan po ba si Andre?" tanong ko.

"OO andito nga. Anong kailangan nila?"

"Ah kasi may sasabihin sana ako sa kanya eh. importante lang ho." rason ko naman.

"ganun ba? teka sandali lang ha. tatawagin ko lang si sir." ayy ganun? katulong pala nila. kinabahan pa ako. pssssh! -_-

Mga ilang sanadali lang ay may sumagot na. "Hello? anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Andre.

Woah. halatang bagong gising lang ah. ang sexy ng boses! yiiieee! nakaka kiliiiiiiig! pota!

Matagal tagal din bago ako nakasagot kaya naman nainip na siya. "Hello! Ano nga! distorbo ka sa tulog ko tapos wala lang pala?!" Hala lagot na! galit na! Ok. -breath in, breath out-

"HOY MAHAL KITA MATAGAL NA! LETCHE!!!!!!" sigaw ko sa kanya. Woaaaaaaaaah! di kaya nabingi siya?!!

Pagkasabi ko nun, wala akong narining. Tahimik lang siya na tila nag iisip. Pero di nagtagal nagsalita na siya. "Wala akong pake"

"WALA DIN AKONG PAKIALAM KUNG WALA KANG PAKI! BASTA MAHAL KITA PERIOD! ILOVEYOU! ILOVEYOU! ILOVEYOU!!!!" sigaw ko ulit. Kaya naman binabaan niya na ako. Pfffft. HAHAHAHA!

Mabuti nalang talaga di niya alam kung sino ang tumawag.

I Want You All to MyselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon