ljh - twelve ; promoted?

1.8K 99 184
                                    

"Putangina Jihoon.."

"Bakit?"

"Natatakot ako.." Sinabi nya yun habang nagmamasid-masid sa paligid. Parang iiyak na ang kanyang mga mata. Simula pagpasok ni Seokmin, kakaiba na ang mga kinikilos nya. Parang may pinagtataguan? Takot sya.

"Maaari mong sabihin saakin ang iyong problema, kaibigan"

"Taena mo talaga bakit ganyan ka! Naiiyak ako sayo eh"

"Ano nga ang iyong problema?"

"Ikaw talaga ang problema ko Jihoon. Bakit nakapangsakristan ka? Tangna mo ba"

Imbis na umirap, nginitian ko nalang sya at mas pinilng tumahimik.

"Jihoon. Tandaan mong kahit 62 days palang tayong magkaibigan, tandaan mong mahal kita at masaya ako na nakilala kita. Ikaw ang pinakamatino kong nakilala!"

"Ano ang iyong nais ipabatid kaibigan?" Kanina pa sya ganito. Naguguluhan na rin ako.

"May nagpapadala sakin ng death treats!"

"Death treats? Ililibre ka ng kamatayan?"

"GAgo! Death treats! Yung pinagbabantaan ako? Duh.. ang bobo mo talaga"

"Tangna mo kapatid. Isa kang lapastangan. Mas mahina ang iyong utak. Death threats ang tamang pagbaybay sa salitang iyong inilahad. Mangmang"

"Sakit ah.." Napairap sya. "Halikana't umakyat muli sa taas upang tayo ay makapag-umpisa na sa ating mga gagawin.."

"Hindi talaga ako sanay na ganyan ka. May sanib ka ba? Hoy Jose Rizal! Lumabas ka sa katawan ng kaibigan ko!"

Tbh, kanina pa 'ko nagtitimpi na batukan 'to eh.

/Kami rin Ji. Nagtitimpi lang sayo simula chapter 1/

"Mamaya na! Natatakot ako! What if bigla nalang akong dambahin dyan sa hagdanan? O kaya naman sa elevator?! Jusme. Ang bata ko pa para sa ganito!"

"Jihoon please.. tulungan mo 'ko!! May nagbabanta sa buhay ko! Papatayin nya raw ako! Hindi nya sinabi kung anong klaseng pagpatay. Sana may details diba? You know. Kung papatayin nya 'ko sa sarap, di nya na kailangan manakot ng ganon. Huhu. Willing naman ako eh"

Napairap ako sakanya. "Makamundo ka kapatid. Halika't inumin mo ito"

"Ano yan?"

"Holy watah"

"GAGO! Jihoon ano ba? Bumalik ka na sa dati. Di ako sanay na ganito ka"

Sabi nya. Hindi ko alam kung inis sya o ano eh.

"Ipagpaumanhin mo, ngunit hindi na ako babalik sa dating ako" Malumanay na sabi ko. Hinawakan ko ang kamay nya at inalalayan sya papunta sa taas.

Kasalukuya kasi kaming nasa basement ni Seokmin dahil may pinapahanap yung manager namin sakanya. Nagpasama lang sya sakin dahil natatakot sya.

Kahit kelan talaga, maaasahan ako. Tsk.

"Pa'no ka nga pala nakapasok dito sa building?"

Tinignan ko naman sya. Nangangahulugang naguguluhan ako sa tanong nya. "I mean, nakaganyan kang damit. Pang-sakristan. Hehe"

-

"Kuya!! Sige na!!"

"Bata. Bawal ka nga dito"

"Hindi na 'ko bata! Gr! Nandito ako dahil pinapabless ni Jisoo Hong ang kumpanya nyo"

SEDUCING KWON SOONYOUNG √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon