ljh - eighteen ; mission status

1.8K 104 293
                                    

"Hold up po 'to. Wag mo pong subukang kumilos ng masama. Ibigay mo po sakin wallet mo"

"Ahehehe~ *hik* P-paano ba kumilosh ng m-mabuti? hehehehe"

"Ibigay mo nalang po wallet mo para hindi ka na po masaktan. Wag na pong maraming satsat!"

Pota naman! Excited?!

"Hehehe ~ hold up 'to diba?"

"Opo"

"Hehehehe *hik* Anggalang m-mo ahehehe"

"Thankyou po. Tinuran po kasi ako ni Mama ng goodmanners. Pero amina na po wallet nyo.."

"A-anggalang naman ng mga *hik* holdaper ditoooo ~ Hehe. G-gushto *hik* ko shanang ibigay shayo w-wallet ko.. k-kaso na-hold-up na 'ko kanina.. naunahan k-ka ~ Kasing tangkad mo rin s-sya hehehe.. magkakashingtangkad tayo ~ nakakatuwa naman *hik*"

"Wag mo po 'kong pinaglololoko. Mas matangkad po ako say—"

"Kung gusto m-mo *hik* ako nalaaaang ~ Tutal *hik* pinagtatabuyan a-ako ni Shoonyoung"

"Takte naman—"

Humarap ako sakanya at hinawakan sya sa damit nya. Huhu naiiyak parin ako (_)

"Sabihin mooo nga *hik* b-bakit ayaw nya shakin!?"

"Ano po?"

"B-bakit ayaw nya sakin?! Huhuhu"

😭😭😭

"K-kuya bitawan mo damit ko.."

"SAGUTIN MO 'KO!"

"Kuya baka hinahanap na po 'ko ni Mama!!" Sabi nya habang pilit na tinatanggal yung pagkakahawak ko sakanya. Bakas ang takot sa mukha nya. Tsk.

"H-hindi naman kita shashaktan. Sagutin mo lang tanong ko tangina naman! Bakit ayaw nya shakin!?"

"Sino po ba?"

"Shi Shoonyoung nga!"

"Hindi ko po alam. Hindi ko naman po kayo kilala"

"Pero.. ano bang *hik* mali sakin?! Sabihin mo nga!"

"Uhm.. ilang taon na ba kayo?"

"21 years old"

"Ah.. siguro po yung height nyo— Joke lang!"

Babatukan ko talaga 'to eh 😤

"Baka naman po may problema sa ugali nyo?"

"M-mabait ako sakanya huhuhu"

"Oh edi yung height nyo nga po"

"Isa pa talaga!"

"Yung height— ARAY!!"

Napakamot sya sa ulo nya matapos ko syang batukan.

"Uuwi na po ako! Hinahanap na 'ko ni mama!"

"Shatap! Hindi pa 'ko taposh sayo!"

"Natatakot n-na po ako—"

"Ibibigay ko sayo 'tong phone ko oh. Dito ka na muna"

"Okay po.."

"Shagutin mo na 'ko! Bakit nga hindi nya 'ko—"

"Baka po may mahal na iba?"

Natahimik ako. Bahagya akong nanlumo sa sinabi nya.

"Kung may mahal na po kasi syang iba, hindi ka talaga nya magugustuhan. Kahit naman po kasi ako. Kahit gaano ka pa kabait o ka-cute, hindi kita magugutuhan kung may gusto po akong iba. Yan po yung loyalty. Hehe"

SEDUCING KWON SOONYOUNG √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon