Filipino_Poem#1 : MANHID

46 2 1
                                    

Length: Long

Genre: Friendship

Wrote with: No one

Wrote for: Filipino Poem Project

Inspired by: Neutral

.

MANHID

1|

Kitang-kita kang masayang nakangiti,

Walang salitang lumabas sa aking labi.

Kailan kaya ako ay mapapansin,

Kung sa iba naman ika'y nakatingin.

2|

Hindi man lang napansin aking ginawa,

Upang sa daan ay hindi ka mawala.

Ika'y di nakinig sa aking sinabi,

Kaya ngayon ay wala ka sa'king tabi.

3|

Ngayon, ikaw ay sobrang nalilito,

Tama at mali ay hindi maituro.

Iyong puso ay nasaktan at nasira,

Nang malaman mo na kami ay wala na.

4|

Puso at utak mo ay sana matuto,

Iyong meron ka ay pahalagaan mo.

Hindi hanggankailan andito ako,

Hindi matagalang gagabay sa'yo.

5|

Patawad kung meron man akong nagawa,

Na naging dahilan ng 'yong pagkawala,

Ng iyong paglayo at pagluha,

Ang lahat ng kasalanan isisi na.

6|

Nagkulang ba ko ng importanteng bagay,

Nang patuloy mahawakan ang 'yong kamay.

Paano patunayan ito ay tunay,

Mananatili ako sa'yong buhay.

7|

Ako ay nandito pa para sa iyo,

Sana naman ay mapansin mo rin ako.

Ano pa ba ang kailangang gawin ko,

Nang manatili ka sa buhay kong ito.

8|

Makasarili ba ang aking ginawa,

O iyon ba'y sa'yo ipinaniwala.

Hindi mapakali sa'yong kalagayan,

Wag sana'y masyadong pagkatiwalaan.

9|

Sana ay wag maulit ang nakaraan,

Wag ibalik ang sakit na naramdaman.

Tila ba ay sinaksak ang aking puso,

Nang bigla ka na lang sa akin'y lumayo.

10|

Akala'y ikaw ang magliligtas sa akin,

Ikaw rin pala ang hindi mamamansin.

Ang nararamdaman mo ay inilingid,

Sa iyong ginawa, ika'y naging manhid.

.

So yeah, sana maintindihan niyo ito... At nga pala, kaya inspired sa Neutral to kasi eto yung Filipino version niya...

For those who loves anime, please read and comment on my FanFic, PixelPerfect Online, it's like Sword Art Online and Log Horizon combined.... I'm holding a contest so comment your character there!

Thank you so much!

-Epic_PrincessD

Confessions (Poetries) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon