Friendship

10 1 3
                                    



Dwight's POV

Habang nag lalakad ako palabas ng mall ay naalala ko nanaman ang babae kanina.

She is so beautiful. With those brown sparkly eyes, naturally pink lips, pointed nose, long lashes, small angelic face, and a sexy body that men would die for.

Hindi pa naman talaga ako dapat aalis pero nakalimutan kong mag hahanap pa pala ako ng mauupahan.

Then after how many hours of searching, nakahanap din ako. Maliit lang sya pang isang tao lang, pero ok nato at least mura.

I jumped to the bed. Habang ako'y nakahiga the image of the girl's face flashed on my mind. Na nakapag pa bangon sa akin.

"argh! Dwight will you stop thinking about that girl. Kailangan mo ng matulog maaga pa ang trabaho mo bukas. At isa pa ni hindi mo nga kilala ang babaeng yun."

I said to myself with full of irritation, dahil sa hindi ako maka tulog sa kakaisip sa babae kanina sa mall.

After a while, nakaramdam na rin ako ng antok. But before I totally closed my eyes

"Sana pagtagpuin ulit tayo ng mundo aking anghel" ang huling nasambit ng aking mga labi bago tuloyang nakatulog.

Abby's POV

"pwede bang ayosin n'yo ang trabaho ninyo. Kaya ko nga kayo pinapa sweldohan ng malaki para gawin nyong tama ang mga trabaho n'yo at hindi para mag basag ng mga gamit dito sa bar ko."

Inis na inis kong sabi sa mga taohan ko sa bar.

Bago ko maka limutan, ako nga pala si Abby Santos, I'm 23 years old kaka graduate lang namin ng mga kaibigan ko last year. I took up Hotel and Restaurant Management. I am independent, that's why pagka graduate ko palang ay nagpa tayo na agad ako ng bar. Ayaw ko kasing maging dependent ako sa parents ko kaya bumili na rin ako ng sarili kong condo unit para masanay akong hindi umaasa sa magulang ko.

"chill sissy. Ba't ba ang high blood mo? Meron ka noh??"

Sabi ng bagong dating na si mae na may halong pang uuyam.

"ka inis kasi tong mga taohan ko" naka busangot kong sabi

"at na inis ka lang talaga sa lagay na yun? HAHAHA akala ko nga e puputok kana sa galit."

"tse!! Ba't kaba kasi nandito? Pumunta ka lang ba dito para bwesetin ako!"

"Partly Yes. wala kasi akong photo shoot ngayon kaya pumunta nalang ako dito para mag palipas oras, Uminom at ang bwesetin ka HAHAHA.

Tatawa tawang sabi ni mae

"Oh? Talaga? If I know nalalaos kana kasi wala kanang projects, at my darling mae kung nandito kalang para bwesetin ako, well!! it's ok, basta ba babayaran mo ang mga oorderin mo dito sa bar ko, kung ayaw mong ipadampot kita sa mga bouncers ko."

Sabi ko sa kaibigan ko habang nka smirk.

"ito naman ang high blood. Wag ka ngang ganyan bestie, alam mo bang nakaka pangit ang pagiging negga."

Sabi ng bruhilda kong best friend habang naka pulupot ang kamay nya sa braso ko at naka beautiful eyes pa ang gaga.

"ok fine. If I know ayaw mo lang mag bayad ng order mo. tsk"

"HAHAHA. What are friends are for nga diba!"

"yeah whatever!!"

*beeeep*

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nang buksan ko ang text na natanggap ay bigla nalang akong napangiti.

"uy! Sino yung nag text? Bat ka nakangiti? Para kang timang.

Tanong sakin ni mae habang pilit na tumitingin sa screen ng phone ko.

"Ewan ko sayo! Kainin mo nangalang yang order mo"

"tsk! May pa secret secret kanang nalalaman ngayon ah. Susumbong kita kila Nana at France, tingnan lang natin kong di kapa maka amin."

May halong pag babantang sabi ni mae sa akin.

"Kaw bahala."

Nakangiti kong sabi habang naka tingin parin sa cellphone ko at nag tetext. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang pakiramdam ng pinag halong saya, kilig at takot na nararamdaman ko ngayon.

Diyos ko sana wag na maulit ang nangyari noon. It would be my greatest down fall.

France's POV

"shit!!!!"

Nasa harap ako ng salamin sa loob ng office ko dito sa hospital. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin.

Ilang araw na rin akong walang tulog at palaging wala sa iksaktong oras kumain. Mukha na akong zombie na malnourished tignan. Naging busy kasi ngayon ang hospital kung saan ako nag tatrabaho at ako rin mismo ang may-ari.

well, hindi lang ako kundi ang pamilya namin ang may-ari.

Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang powder at lipstick. Mukha na kasi akong lusyang. bakas sa mukha ko ang pagod, stress, kakulangan sa tulog at kain. Ang hirap maging doctor.

"argh!! Gusto ko ng matulog, gutom na rin ako."

Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko sa loob ng office nang biglang.

"HOY!!!! Doktorang haggard." Naka pamiwang na saad ni mae na kasama rin sila nana at abby.

"Oh?? Anong kailangan nyo?"

"aba! Ang gaga!! Bat ang sunget mo ngayon? At ang haggard mo pa. alam mo daig mo pa ang na gang bang sa itsura mo ngayon." Tatawa tawang saad ni nana.

"ewan ko sa inyo! Mag silayas na nga lang kayo kung guguluhin nyo lang ako."

Iritadong saad ko sa kanila.

"ai ganun! Oh ede sige! Kami nalang kakain nitong chocolate cake, French fries, ice cream, at pizza na dala namin." Nang uuyam na sabi ni abby.

"WAITTTT!! Dito nalang pala kayo. Bigla ko kasi kayong na miss." Nag papa cute kong saad sa kanila.

"asus!! If I know ang pag kain lang naming dala ang pakay mo at hindi kami."

Sabi naman ni nana habang ni lalapag at inaayos ang mga pagkain sa table.

"oo na! gutom na gutom na kasi ako. Di rin ako nakapag almusal kanina. Teka nga pala, bat kayo napa dalaw?"

"alam kasi namin na pag na bubusy ka nakakalimutan mong kumain at mag pahinga"_abby

"kaya dinalaw ka namin para tingnan kung buhay ka paba.HAHA"_Mae

"mananatili akong buhay!! Paano nalang ang lahi ng magaganda at dyosa. Alam ko kasing apat nalang tayong natitirang dyosa, paano nalang kung mawawala pa ako."_ saad ko sa kanila with all the drama and gestures.

"TAMA!!!!!" sabay namang sabi ng mga bruha.

Natapos ang araw namin na masayang nag kukwentohan at kumakain. Iba talaga pag may mga totoo kang kaibigan na masasandalan.

 Iba talaga pag may mga totoo kang kaibigan na masasandalan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon