Chapter1

2.7K 20 7
                                    

     Sunday sept 27, 1998

Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong kamay. Naninigas, hindi ko maibaba. Sa panaginip ko , may malaking babae, nakasuot ng it im pero hindi kita  yung mukha, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko malingon ang aking ulo. Madiin at masakit ang pagkahawak niya sa akin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, gray ang kulay ng balat. Nakakatakot. Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo.

Monday, sept. 28, 1998

Shit! Hindi kona alam gagawin ko.! Ganoon nalang ba yon? Matapos ang isang taon at pitong buwan naming pagsasama, bakit bigla nya na lang akong iniwasan? Ganoon b talaga nagagawa ng mga tao ng maambisyon sa buhay? Hindi ko rin siya masisi dahil pamilya niya yun........... Pero.......... Talagang hindi ko matanggap....

Wednesday, sept. 30, 1998

"Im not going there to die. "Im going to find out if im really alive. "-Spike Spiegel.

Isang quote na bigla ko lang naala kanina habang kumakain..... naalala ko siya...... biglang bumigat pakiramdam ko..... Nawala gana ko sa pagkain..... bumalik sa sakit....ang sikip sa dibdib.... hindi ako makahinga... gusto kong magwala! Bakit ganto?! Bakit ang sakit! Aaagh!!! P*tah!!! Mahal na mahal ko siya!!!!!!!!

Wala na akong maisulat....
Ang boring ng discussion ni maam... Kaantok si maam....
Haaaaay...

Kahit ano na nga lang
G-J-K-k
H-h-h-
H-G-H-G

-fade-

Friday, oct. 2_1998

Absent si Animales. Sayang lang nagmadali pa ko kanina magbihis at kumain ng sinigang dahil may quiz daw, pangapat n tao pa (kong sa jeep). Potek. Pero okay lang, hindi naman ako nakapagreview sa Gensci kagabi!!!

Nagubos lang ako ng oras sa library kakabasa ng dyaryo. Nasita na naman ni Maam  Hilda library card ko. Isinisigaw pa talaga buo kong pangalan:Gilberto P. Manansalaaaah!!! Diko ma alam gagawin sa bahay ko.... Haaaay.. Joke lang. Sabi ko nga pala magpapakatino ako sa college. To too na to!!..

Sunday, oct. 4, 1998

Ayun!  Wala nang kwenta mga entry KO, di pako nakapagsulat kahapon. Busy kasi e... Hehe.....  Actually naglalaba pa ako ngayon, pero naka washing machine  naman ako....  Ganoon narin yun....
     Wala parin ako magawang matino...... 
5araw ,18oras at 45na minuto. Na kaming hindi nagkikita .....kahit telepone wala.....!!!!
Pero bakit ganon? Hindi kona to"gusto....
Hindi na maganda nangyayari sa amin....
Pag hindi ko nahabol to"baka hindi na kami umabot sa birthday niya.....
Pero wala naman akong magagawa....
Haaaay.....
Sana magising na ako sa bangungungot na to"......
(98Degrees sa radyo :"you're the cure against my fear and my pain ....cause I'm losing my mind when you're not around .its all.....its all...its all.... becauseof you.....")

Monday oct 5,1998

Nag page ako sa kanya kanina;no reaction.Magtatampo ba ako sa kanya,magagalit,o none of the above dahil ako na lang naman yata ang umaasa at matagal na akong wala sa mundo para sa kanya?Ah,ewan....

Pinagdeposit na naman ako ni Tiya Auring kanina.Haba ng pila sa Far East Bank,POTEK.Pinulikat yata ako kakatayo.Nagbasa na lang ako ng Bandera habang nakapila.May manananggal na naman daw ulit sa Metro Manila .(ulit?)Naalala ko tuloy yung nakaitim na babae sa panaginip ko.Sana makalimuntan nya na ako..

Ang mga kaibigan ni Mama SusanWhere stories live. Discover now