0807

3 0 0
                                    

August 7

First day sa school— new school 'ko'

So yun. Naging literal na tahimik ako kasi new new new new new new new. Hays. Pero later on...... Wala pa rin 😢 haha char😂 luckily meron naman nang nakadaldalan. Buti naman. Pero as in seryoso nakakapanibago yung katahimikan ko unlike yung sa dati kong nakasanayan sa former school ko. Malamang kung kasama ko don mga kaibigan ko pwede na nila akong sambahin sa sobrang nakakabinging katahimikan ko. Huhuhu! Naaawa na nga ako sa phone ko kanina e. Wala akong mapagtripan kung ano ano na nakalikot ko sa phone ko.

Pero bago yun. Nung papasok pa lang ako may nakasakayan pa ko sa Jeep. Kaharap ko pa ha, nagmamatamisang magjowa. Di ba? Ang aga aga.

Tapos nung lunch time. Mag isa akong kumain, tapos sa gilid ko may mag jowa ulit. Sabay kumakain.

Mag isa ako e. Tapos may mag jowa akong maiencounter?!

Di lang magjowa. Isama mo na yung magfifriends, fam. Basta yung mga masasayang magkakasamang parang pinamumukha talaga sayo na. Ayy mag isa kawawa. 😢

Tapos nung uwian na. Nagpahintay ako sa friend ko at para samahan niya naman ako. Kasi mag isa ako, para kunin yung Uni ko. Sabi ko sa SM kami magkita tapos maya maya nagtext na sa gantong place na lang daw kami magkita. Ako na lang daw manguha ng uni ko. Edi mag isa na naman ako. Tapos nung biglang may pumara bumaba na din ako tapos medyo malayo pa pala yung SM. Siguro naglakad pa ko ng 110 steps before SM. Jusko. Parang nafefeel ko talagang ang lonely lonely at hopeless hopeless ko that time.

Tapos nung nakuha ko na yung Uni ko. Ayun! Ang lakas lang maka senti (?) (Di ko alam spelling) ng ulan. Tapos may nadaanan akong mag isang kuya na parang pinapatila yung ulan. Alamo yun parang gusto ko siyang alukin na sukob na kuya. Mag isa ako, mag isa ka. Ano pang hinihintay mo?Tara na! Di ba? Ang lakas lang, parang nag iinvite lang ang dating nun. 😂😂 Pero wala, saglit lang dahan dahan na siyang tumakbo sa gitna ng ulan. Pero okay lang siguro yun. Wala rin naman akong lakas ng loob na pasukubin siya. Hahaha

So ito na. May naencounter na naman akong magjowang magkasukob sa payong with matching akbay pa. At nang magkaroon ako ng chance makadaan sa gilid nila, nag overtake na ko sa kanila.

Tapos tumatawag yung friend ko, yung kanina. Sabi ko sa sakayan ng UV kami magkita. Since sabay naman kami uuwi. Tapos hindi pala kami sasakay ng UV! Naglakad kami hanggang makarating kami doon sa pupuntahan namin. E ayun, kasama pala parents niya with friends. Nakakainis di niya sinabi. Reason niya, alam niya daw kasing tatanggi akong sumama pag sinabi niyang kasama niya parents niya.

Pero sa totoo lang sa buong maghapon. Naging okay dahil doon. Libreng dinner, with parents niya nga lang at 2 friends at additional libreng hatid sa bahay ng sasakyan nilang pang artista. Hahaha char. Pano ba naman kasi, pwede na yatang magparty party don sa laki. Haha jk.

Hahahaha So yun, late na ko nakauwi today. Tonight?! Haha.

—❤Elay😘

Me, Myself & I Where stories live. Discover now