Me in Watty 0702

11 2 0
                                    


As a Wattpad Reader and kinemeng Writer here. Totoo ang dami dami kung ano ano ano anong nangyari sa akin. Syempre part ata talaga yun.

Dito ko talaga natutunan. Pramis. Yung magbabasa magdamag sa gabi then aabot na lang ng madaling araw or should I say mismong umaga na nga talaga.

Yung magpapaka-Adik sa pagbabasa. Tapos matutulog ng madaling araw tapos mukhang Zombie kinaumagahan.

Yung laging nagtatalo yung isip at puso mo na parang.....

Isip: Hoy! Tama ka na nga dyan. Matulog ka na!
Puso: Wait. Last chapter na. Promise.

Tapos next scene syempre di papatalo yung mata mo. Dahil gusto niya pang mabasa yung next scene na pwedeng mangyari dun sa Fave Char. mo. Huhu. Hanggang abutin ka na naman nang isang oras sa pagbabasa, hanggang next pagmulat mo ng mata mo sumisilip na yung araw dahil nakatulugan mo na pala yung binabasa mo.

Na-experienced ko na din yung iyakan yung isang Character na namatay, Character na umaasa pa din sa ex niya, Character na Broken, Character na sobrang inaaway at kinakawawa nung Kontrabida, Character na nadisgrasya sa isang aksidente na akala ko di na makakasurvive sa story. Ang OA 'no? Parang tanga lang? 😂

Pero syemperd patago lang ang pag iyak mga bessy. E tutal magaling naman ako doon e. Yung feelings ko nga sa kanya naitago ko sa matagal na panahon. Yung feelings ko pa kaya na 'yon sa mga oras lang na 'yon? Hahahaha. Char.😂

Yung mainis kasi dapat di niya yun ginawa or dapat kasi ganito ganyan ginawa niya.

Yung matawa mag-isa habang nakatutok sa cellphone ko dahil sa kacornihan nung guy sa mga banat niya.

Yung pigil na tumili dahil nakakakilig yung mga lines at magpa-ikot ikot habang nakahiga sa kama o sa sofa sa sala.

Yung i-feel na ikaw yung nagdedeliver nung mga salita nung bida. With feelings. Hahahaha. Pero in mind lang naman.😂

Tapos kapag nag-warning yung phone mo na 15% na lang bat. mo tapos need to charge na. Dagli dali kang tatakbo sa chargeran. Para di mamatay kasi, ang tagal magbukas ng phone mo once na namatay. Wala e. Abnormal phone e. Parang yung may-ari. Haha. Char. Ulit. 😂

Eto pa yung matindi. Yung mahulog yung phone mo sa mukha mo dahil sa sobrang gulat kasi sinipag sa kalagitnaan ng  gabi yung Mama mo para silipin kung tulog ka na ba. At gulatin ka sa isang maikling sermon na "Hoy! Anong oras na?! Tutok ka pa din sa Cellphone mo! Maawa ka naman dyan sa mata mo!" Aww. Ang sweet di ba? Hmm. Si Mama talaga.

Dahil din sa pagwaWattpad......

Yung feeling na alamoyon yung dumadating sa point na kinakausap mo yung sarili mo in pabulong way. Ewan ko na lang kung anong nagiging interpretation ng mga nakakahuli. Pero sa lagay ko, mukhang wala pa naman nakakapansin sa gawain kong ganun. Hehe.

Yung panghuhula mo sa mga pwedeng mangyari sa mga nangyayari sayo. Ang gulo di ba?

Yung ganto kunware yung sinasabi ng isip mo     'alam ko na yung next na mangyayari dito e, yung magiging close kami nito tapos habang patagal ng patagal mahuhulog  ako sa kanya  tapos dadating yung time na aamin ako sa kanya tapos dahil nga hindi niya ako gusto at kaibigan lang turing niya sa 'kin. Lalayuan niya ako. Mafi-friendzoned ako. Tapos sa huli mabobroken mag isa'     Ganyan. Halimbawa.

Yung pinagtatalo mo yung isip mo kapag sobrang naguguluhan ka sa maraming bagay bagay. Parang kusang nagbebrainstorm yung nga parts ng utak mo. Nakikisama ba. Parang ganun.

Kapag naiinis ka sa isang tao. At sa sobrang pangigigil mo. Sa isip mo na lang linalabas yung inis mo sa kanya.

Yung mga imaginations mong sobrang palawak ng palawak. Pero hindi naman na umaabot  sa point na yung sa about sa ganun, yung basta. Knows mo na yon. Malaki ka na. Teka ano nga ba 'yon? *insert my innocent face while questioning* 😂😂

Yung phone mo na kapag biglang nag Hang. Kakausapin mo ng mahinahon na medyo inis. Please naman, wag ka nang maghang dyan oh.

Yung pagka-kalog at sige na nga pagkakabaliw ko sa bahay at lalong lalo na sa School mas lalong nag lelevel up. Idagdag mo pa yung pagkalakas lakas kung trip pag natripan ko.

Baliw baliwan lang talaga 'to.

Pero pramis pangako. Normal pa 'to sa mas normal. Haha ano daw?

Pero okay lang. Wala namang masamang nangyayari sa 'kin e. And still wala din naman akong nasasaktan (weh?) e.

As long as okay sa 'kin ang lahat.

Self, go push. Be happy and keep going! Haha.

Elay😘

Me, Myself & I Where stories live. Discover now