If there's a chance to choose between reality and illusion ay malamang na pipiliin ni Jasmine ang huli. Para lahat ng masasayang alaala lang ang maranasan niya but reality check. Walang ganon sa mundo at wala ng magagawa kundi tanggapin ang lahat ng nangyari at mangyayari pa.
Nasa reyalidad tayo na lumilipas ang oras, lahat ng bagay ay nagbabago—pati ang tao.
She was sure with her life. After college, magtatrabaho and after few years ay magse-settle down with her boyfriend.
That was the original plan. . .but everything changed when Jules got into an accident on the day of their wedding.
Dinudurog ang puso ni Jas sa tuwing nakikitang nakaratay sa hospital bed ang nobyo. The doctor said it's a matter of time bago magising ito kung kakausapin at kukwentuhan lang araw araw.
Ginagawa naman ito ni Jas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito magising-gising. Nakakawala ng pag-asa pero sa t'wing nakikita niya si Jules ay nagkakaron siya ng lakas upang lumaban.
"Miss two hundred fifty pesos po lahat.. Uhm.. Miss? He-llo?" Kumaway ang cashier sa mukha niya. She was lost in her thoughts again.
"Sorry. Here."
Matapos makapagbigay ng sukli ang kahera ay umalis agad si Jas tangan ang kanyang mga pinamili.
"Miss!"
"Ne! Ikaw ata ang tinatawag noong kahera." Kinublit siya ng ale. Nilingon niya naman ang tinuro nito. Ang kaherang halos naglakad-takbo papalapit sa kanila.
"Miss wallet niyo po." hingal na sabi nito. Napasapo na lang siya ng noo sa pagiging lutang niya ngayon. Kinuha nito ang wallet saka nagpasalamat sa babae.
"Ingat ho kayo." Tumango lang siya dito, nagbigay ng tipid na ngiti. Bumalik na din ito sa pwesto.
Naramdaman niya ang ring ng telepono mula sa bulsa. Malamang si Cora ang tumatawag. Akmang sasagutin niya ang tawag nang may biglang humila ng mahina sa buhok niya.
"Jas naman! Saan ka ba nagsususuot ha! Kanina pa kita tinatawagan pero cannot be reached ka. Akala ko kung ano nanaman nangyari sa'yo! Nantutsa naman oh! 'Wag mo nga akong pinapak—"
"Ang OA mo ha. Bumili lang naman ako saglit ng makakain kasi nagugutom ako. Bawal na ba 'yun?"
"Nantutsang saglit mo yan. Dalawang oras talaga? Kanina pa kita hinahanap na gaga ka" Nagulat si Jas sa sinabi ng kaibigan. Totoo na hindi niya namalayan ang oras dahil sa dalawang bagay; Una, hindi niya alam kung ano ang bibilhin. Pangalawa, binisita niya nanaman si Jules.
"Teka..binisita mo nanaman ba yung jowa mong in coma? Saka.. ano ba 'tong mga binili mo?" Kinuha nito ang pinamili niya at kinalkal.
Ngumiti lang si Jas bilang sagot. Ganito ang routine niya: Papasok ng trabaho, aalagaan si Jules, uuwi para makapagpalit ng damit. Kahit sinabi ng mga magulang ni Jules na huwag nang masyadong dumalaw dahil kaya naman nila ay ginagawa pa rin nito.
"Sabi kasi sa'yo maghanap ka na ng bagong jojowain eh. Mukhang naglalandi na si Julio sa panaghinip eh. Kaya wala ng balak gumising."
"Ang sama mo talaga kahit kailan kay Jules. Naaksidente na nga at lahat... saka pwede ba mamaya mo na kalkalin yan? Naglalakad kaya tayo"
Ngumisi si Cora. "Saka alam mo naman kung bakit di ko trip siya—teka lang tumatawag si Kurdapya."
Matagal na talagang ayaw ni Agatha si Jules para kay Jas. Mainit ang dugo niya dito at hindi iyon lihim sa kanilang magkakaibigan. Agatha's very vocal in everything. Bagay na ikinasundo nila kaya kahit ayaw nito kay Jules ay civil naman ito makitungo. Iyon nga lang ay di napipigilan ang bibig nito kapag nagpapasaring.

BINABASA MO ANG
When Love Fails
Aktuelle LiteraturHanggang saan mo kayang mahalin ang isang tao? Hanggang ba sa maubos ka?