Some say that the best way to relax and unwind is to be with nature. Seeing the wonders of His creation will give a calm and relaxing feeling. And this is what Jasmine needed.
Isa sa rason kaya siya napapayag ng dalawang kaibigan ay dahil dito. Hilig niya kasi ang kalikasan. Napapakalma nito ang loob niya sa tuwing may mabigat siyang problema.
Ang planong bakasyon sa wakas ay natuloy.
Two hours before their flight ay nasa airport na sila. Marami silang kasabay na pasahero na katulad nila ay gusto ring magbakasyon.
Claire is busy fumbling with her gadgets and checking if everything is okay when she notice her friend, Jasmine busy with her phone, eyebrows slighty knittted. Itinigil nito sandali ang ginagawa at sinundot sa tagiliran si Cora. Pagkalingon ay itinuro gamit ang bibig si Jasmine.
Tumayo si Cora at nilapitan si Jasmine sabay hablot ng phone.
"He is okay. I assure you."
"Can't help it. Hindi pa kasi nagrereply si tita sa text ko. I'm starting to getting worried." then sighed.
"Dzai, it's just six in the morning. Baka tulog pa 'yun. Kaloka ka talaga kahit kailan. Hindi naman sila parang 24 Oras para hindi matulog katulad ng balita." Ngumisi ito sabay balik ng phone sa kanya.
"Sorry—"
"Sorry ka dyan. Kaya nga tayo nandito sa airport para magliwaliw. Kaya ikaw, bumawi ka sa amin ni Clarita at mag-enjoy tayo na parang walang problema." Sabay hila sa buhok niya.
"Aray! Pag ako nagkapoknat na sa ulo!"
"Arte mo! Parang ang lakas ng pagkakahila ko eh" Ngumisi itong muli. "Tara na at baka inugat na si Clarita sa upuan."
"Teka. Saan nga pala tayo pupunta?"
"You'll see." Cora replied with a knowing smile.
••••••
Wala pang isang oras ay nakalapag na ang kanilang eroplano sa airport. May nakaabang na rin sa kanilang sasakyan bilang service. It seems that her two friends took care of everything. Siya na lang talaga ang iintindihin."Just exactly where are we going?" Tanong niya habang papasok ng sasakyan. Kanina pa kasi siya tanong ng tanong sa mga ito pero hindi siya sinasagot.
Ni hindi niya alam kung ano ang mga laman ng bag niya.
"Jas, matulog ka na lang. We still have to travel for a few more hours." saka kinuha ni Claire ang traveling pillow at binigay sa kanya.
••••••
Nagising siya sa ingay ng dalawang kaibigan. Hindi ba natulog ang mga ito? Tinignan niya ang oras sa phone. Wala ring signal. Ilang oras na ba silang nasa byahe?
"First, you think the worst is a broken heart
What's gonna kill you is the second part
And the third is when your world splits down the middle!"She puts her palm to her face when she heard Cora singing her heart out. Buti sana kung maganda ang boses nito. Ito namang si Claire ay busy kaka-video dito at walang habas naman kung tumawa.
"Cors! Tama na pagsigaw. Baka mabingi si kuyang driver. Maaksidente pa tayo." Then a bunch of laughter filled the entire van. Kahit ang driver ay natawa din.

BINABASA MO ANG
When Love Fails
General FictionHanggang saan mo kayang mahalin ang isang tao? Hanggang ba sa maubos ka?