UM - 01

132 7 0
                                    

Sophia Kate Lopez simpleng babae pero mataas ang pangarap sa buhay. Maliban sa pagiging matalino at masipag, Maganda, sexy, mahaba ang buhok , mapupungay na mata , mapupulang labi at makinis ang balat, kahit naman Probinsyana siya marunong din naman siyang mag-alaga ng sarili niya. Call her Kate but don't you ever call her Sophia kung gusto niyo pang masikatan ng araw. (Bakit ? hindi ko din alam hindi naman ako si Sophia Kate kaya antayin niyo nalang na siya ang magsabi sa inyo.  Okay ? ;)) 

Sophia's POV

(teka Author! Akala ko ba hindi siya nagpapatawag ng Sophia ? Bakit Sophia's POV ang nakalagay dyan ? isusumbong kita kay Kate lagot ka! Hindi ka na sisikatan ng araw ! )

(Hep! Hep Typo error lang yan! Nagkamali lang! tao lang po! Tsaka pag sinumbong mo ko hindi na matutuloy tong storya to kaya SHHHH ka lang dyan! )

Ito napo talaga ;)) Happy Reading

Kate's POV 

Geez! Nasa bus palang ako ngayon, Iniisip ko kung ano kayang mga klaseng tao ang nag-aaral dun sa Kingsley High University parang pangalan palang ng skwelahan parang pang hari at reyna lang ang nag-aaral doon. Buti nalang at hindi naku mahihrapan kung saan ako titira, Kasi dito rin naninirahan ang Auntie ko, May boarding house siya at tamang-tama daw at may bakante pang isang room kaya pwede daw ako doon. Mabait si Auntie samin nagpapadala siya ng pera sa amin kung paminsan'minsan nakakaluwag siya.

Ilang oras ang lumipas at huminto na ang bus sa terminal at nagsibabaan na din ang ibang pasahero. Pagbaba ko ay rinig ko na agad ang tinig ni Auntie na sinisigaw ang pangalan ko.

"Kate! Kate hija! Dito" sigaw ni Auntie. Medyo di ko siya nakita agad dahil din sa dami ng tao.

"Hello po Auntie, Kamusta po" bati ko kay auntie at yumakap sa kanya.

"Okay lang naman ako hija, teka totoo bang yung sinabi ng Nanay mo na dito kana mag-aaral sa Maynila?" Tanong ni aunite sakin at kumalas na sa yakap.

"Opo Auntie, nakakuha po kasi ako ng scholarship" sagot ko kay auntie at binaba ko muna ang mga gamit ko kasi medyo madami-dami din ang bagahe ko.

"Masuwerte talaga ang Nanay mo sa iyo Kate masipag na matalino pa." sabay tingin sa mga dala kong gamit. "Hay naku! Buti nalang at nagpasama ako ng pagsundo sa iyo dahil nakatanggap ako ng text galing sa Nanay mo na madami daw ang bagahe mo" pagkasabi ni auntie nun ay tumingin siya sa likod na para bang may hinahanap.

"Hay naku! Asa na ba yong batang yun!" mahinang sabi ni auntie.

"Ayun! Alex ! halika na , aalis na tayo" tawag niya sa lalaking naka'upo malayo sa amin.

"Ahh Kate hija!, ito pala si Alex , isa siya sa mga boardmate mo" pakilala ni auntie sakin. Medyo nagulat ako sa sinabi ni auntie kasi hindi naman niya na nasabi na may lalaki pa lang akong boardmate na makakasama sa boarding house. 

"Hi Kate! Alex nga pala, I've heard alot about you, masyado kasing madaldal tong Auntie mo eh" sabi ni alex sakin pero pabulong langyung huli niyang sinabi 

"Nice to meet you Alex" ngiti kong sagot ko kay Alex.

"Oh, tara na at baka gabihin tayo sa daan, Traffic pa naman dito" sabi ni auntie at kinuha na yung medyo magaan kung bagahe. Si Alex naman halos kinuha na lahat ng bagahe ko tanging iniwan niya lang ay itong magaan lang dalhin. 

"Alex, akin na yung ibang bagahe ko, mabibigat yan ehh sasakit ang katawn mo nyan" sabi ko kay Alex, Kukunin ko na sana kaso tinaas pa niya ito, di ko tuloy maabot, medyo matangkad kasi siya ehh. 

"Ako nalang Kate!, ikaw narin ang nagsabi diba, mabibigat to kaya ako nalang ang magdadala nito." Ngiting sabi ni Alex at nauna ng lumakad. 

"Hayaan mo na yang si Alex, hija ganyan talaga yan masasanay ka din. Ipapakilala ko din yung iba mo pang makakasama pagdating natin" sabi ni auntie sa akin. Nginitian ko nalang si auntie bilang sagot. 

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa kotse at napasok na din pala ang mga gamit ko, hindi naman sosyalin ang kotse ni auntie yung tipong Van na service car.

Papunta na sana si Alex sa driver's seat ng piglan ko siya para kasing trip kung  magdrive ngayon.Natuto akung magmaneho ng kotse at motorsiklo sa Tito ko dun sa Probinsya nagpapasada kasi siya , kaya paminsan-minsan tinuran niya ko para daw kahit papaano alam ko.

"Pwede bang ako nalang ang mag-drive ?" tanong ko kay Alex

Para namang nagulat si Alex sa sinabi ko, tumingin ako kay auntie para tanungin kung okay lang ba. Ngumiti siya sa akin at nagsalita.

"Sige Kate!, ikaw na ang magdrive, Alex ibigay mo nalang yang susi kay kate. Akala ko talaga hindi totoo, di ko akalain totoo pala yung sinabi ng Tito mo na marunong kanang magdrive." di makapaniwalng sagot ni auntie sa akin. 

Sumakay naku sa driver's seat, si Auntie naman nakasakay na din sa  likod at si Alex naman nasa tabi ko at tinitingnan ako na para bang sinasabi na "Alam mo ba talaga ng paano mag drive"

Pina'andar ko na ang sasakyan at tinutur lang ni Alex kung saan ang daan at kung saan dapat lumiko.  Sinusubukan kung kabisaduhin yung mga nadadaanan namin para naman may alam din ako kung sakaling maligaw man ako.(Sabi nga sa Telebisyon "Lamang ang may alam")

---

comments & Suggestions pls. :)) 

Unexpected Millionaire [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon