Tunay na Panaginip

36 1 1
                                    

"Wag mo na kong kausapin. Ayoko nang makausap ka."

Nagising ako sa isang panaginip. Iyan ang mga huling salitang sinabi ng lalakeng palihim kong minamahal.

Ilang buwan ko na syang kakilala pero agad napalapit ang loob ko sa kanya, siguro kahit sino naman mapapalapit sa kanya dahil hindi naman syang mahirap kausapin. Alam mo yung pakiramdam na parang iba ang trato nya sayo, basta iba pero ilang beses kang nagkaroon ng alanganin sa nararamdaman mo para sa kanya.

Iyong panaginip kong tungkol sa kanya ay ikinuwento ko, ang sabi nya hindi naman daw 'yon totoo, wag daw ako maniniwala sa panaginip ko dahil malabong mangyari 'yon. Nagpatuloy akong kulitin, paalalahan at kausapin sya dahil na rin sa paninigurado nyang ang panaginip ko ay panaginip lang.

Ngayong mga nakaraang araw, hindi na nya ko pinapansin at kung may pagkakataong nakakausap ko sya, sinusungitan nya ako at dinadahilang busy sya at pagod lang. Nagpasya akong huwag muna syang kausapin ng ilang araw hanggang sa araw ng Huwebes, ika-3 ng Abril tumawag sya sa'kin.

"Hello." panimula ko.

"Hello. Kamusta?"

"Ayos naman ako, ikaw ba? Baka may kailangan kang gawin ah, nakakaabala ako sayo."

"I miss you that's why I called you."

"Hahaha! I miss you too, bro! So wala kang kailangang gawin?"

"Meron. Tumawag lang ako kasi namimiss ko na ang kakulitan mo."

"I know right? Ako lang naman ang nangungulit sayo, wantusawa!"

"Oo nga. Kumain ka na ba?"

"Ah, hindi pa. Nandito pa kasi ako sa office."

"Tara, sabay na tayo."

"Wow lang ah? Parang ilang kanto lang ang Ayala sa Mandaluyong kung makapag-aya ka."

Tumawa sya na parang nagbibiro lang ako, "Yeah, you got me there. Tara kain na tayo, wag ka nang magpipindot ng calculator mo dyan ah! Kumain ka na."

"Oo na bro, thanks. Kumain ka na rin. Bye!"

"Bye! I love you bro!"

"Me too! Bye!"

Oo, malapit kami sa isa't isa. Normal na bagay lang sa kanya 'yong mga ganung salita para sabihin sa'kin pero kung ako ang tatanungin, sobrang kabog ng dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang mga iyon mula sa kanya ngunit pilit kong itinatago kahit mahirap, kahit nahihirapan ako.

Pagkatapos ng araw na 'yon, bumalik kami sa dati pero makalipas na naman ng ilang araw nagsungit na naman sya. Kinuwento ko 'yon sa kaibigan ko at ang sinabi nya, "Sayo lang naman sya ganyan. Masungit kapag pagod, parang babaeng may regla. Kaibigan ka kasi nya kaya sya ganyan sayo."

Ganun lang ba 'yon? Kapag namimiss, hinahanap hanap tapos kapag magpinagkakaabalan, dededmahin ka nya?

Kahit naman sobrang lawak na nang pang-unawa ko sa kanya, kikitid at kikitid pa rin 'to kapag nasasaktan na ko.

Isang araw, may narinig akong kantang nakapagpaalala sa kanya kaya napagpasyahan kong tawagan sya at hindi ko inaasahan ang sinabi nya sa'kin,

"Wag mo na kong kausapin. Ayoko nang makausap ka." galit sya nung sinabi nya 'yan.

Ang nakapagpatunay sa akin na hindi lahat ng panaginip ay panaginip lang at malabong mangyari. Dapat pala sinunod ko na sya kahit sa panaginip nya. Eh kung sinunod ko sya, edi sana hindi ganito kasakit ang naramdaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tunay na PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon