Chapter 4 (She's here)

140K 3.9K 211
                                    

Chapter 4 (She's here)

Prince Rock's POV

Nakakainis bakit parang ang tagal ni Cupid? Baka nanlalalaki na yun? Urgh nabubwisit na ako. Wala kasi akong aasarin! Bakit kasi siya pa yung umorder? Pwedi naman maalin sa apat na ungas na to! Bwisit. 

Lumingon ako sa counter, wala siya. Napupuno na ako. Baka nanlalalaki na yun!

"Asan na ba si Cupid? Kanina pa yun ah? Teka wala siya sa counter. Asan na yun? Baka nanlalalaki na yun ah!

Tumayo na ako at nagwalk-out. Hahanapin ko ang babaeng yun! Pasaway talaga kainis! Ano ba yan bakit ba ang init-init ngayon ng ulo ko? Basta wala kasi akong mapagtripan!

Sinipa ko naman yung bato na nakita ko dahil sa inis.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Yep kaya kong malaman kung nasaan ang isang bampira dahil sa earth ang aking kapangyarihan. Alam ko kung saang lugar sila gumagalaw. Napakikinabangan ko ang nature dahil sila ang tumutulong sa akin. 

Nasaan ka Cupid?

Biglang umihip ang hangin nang malakas. At sa isang iglap, pumasok sa isip ko ang lugar na kinatatayuan niya. 

Agad naman akong tumakbo papunta sa mapunong lugar dito sa MVA. Nakita ko siyang nakatayo doon sa taas ng puno. Medyo mataas yun kaya tiningala ko pa siya. Ano namang ginagawa niya dun?!

"Cupid!"

Nagulat siya nang may tumawag sakanya, at nang makita niya ako ay napaatras siya.

Napamura ako nang nadulas siya. Buti nalang at earth ang kapangyarihan ko kaya nacontrol ko ang puno na kinatatayuan niya, Sinigurado kong pumulupot sa katawan niya ang mga sanga ng mataas na puno na yun. Pero alam kong hindi siya masasaktan nun dahil naging parang tela ito na para bang sa Mummy kaya malambot ito.

Agad akong tumalon papunta sa itaas para kunin siya. Hindi siya tinulungan ng Magic niya, dahil malungkot siya. Oo alam kong malungkot siya. Since Cupid siya, kalungkutan ang kahinaan niya. 

Nakapikit pa rin siya at may luha sa kanyang mga mata.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya na magulat ka."

Agad namang natanggal ang nakapulupot sa kanya at niyakap ko siya para mawala ang takot niya. Nawala naman agad ang inis ko sa kanya na baka nanlalalaki siya, ang sama ko talagang mag-isip. Ngayon muntik na siyang malaglag nang dahil sa akin. 

Hindi siya nagsasalita pero umiiyak siya. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya para masigurado niya na hindi ko siya pababayaan.

Agad naman akong bumaba sa puno na yakap pa rin siya.

"Tell me, why are you sad? Why are you crying?"

Pinunasan ko ang tumutulong luha sa kanyang mga mata. Parang nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang ganito. Nasanay kasi ako na ang isang Cupid ay napakasayahing bampira. Pero eto ngayon, umiiyak at malungkot. Bakit kaya?

"Eh kasi~" 

"Hoy kayong dalwa, nandito lang pala kayo! Aba't nagyayakapan pa ha! Tera na, gutom na kami!" Ika ni Prince Air.

Hayop talaga tong lalaking to. Panira e. Agad ko namang binitawan si Cupid. Muntik na siyang matumba kasi napalakas ang pagtulak ko.

"I'm sorry."

Napatitig ako sakanya, parang nasasaktan siya? I set aside that thought and went to those bastard princes.

"Hoy Rock akala ko ba hahanapin mo lang? E bakit mo siya niyakap?" Inis naman na tanong ni Air sa akin. Kanina pa ito ha. Namumuro na siya.

Magical Vampire Academy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon