Chapter 5 (Feelings)
3rd Person's POV
"Hahahahahahaha ang cool ni Kuya King! Akalain mo yun, concerned nung una pero aasarin ka lang pala! Ang cute niyong tingnan!" Ika ni Cupid.
Hindi mapigilan ni Cupid na mapatawa sa nasaksihan niya dahil ngayon lang uli nangtrip ang tinuturing niyang kuya na akala niya ay lagi nalang galit sa mundo. Inisip niya na makatutulong si Layt para makalimutan ni Prinsipe King si Prinsesa Light.
"Nakakainis nga! Bakit ba kasi ganun yun! Lagi nalang matalim ang tingin sa akin tapos pagtitripan pa ako! How dare him! Times two times two! Urgh!"
Tinatawanan lang ni Cupid si Layt. Nakakatuwa ang reaction ng babaeng ito na nagmamaktol na parang bata dahil sinasabunutan niya ang sarili niya habang inaalog-alog ang ulo
"Alam mo bagay kayo ni Kuya King." Pang-aasar pa lalo nito. Nakapalumbaba siya na para bang ini-imagine ang binitawan niyang mga salita kay Layt.
Napatingin si Layt sa kanyang kaibigan. Tinaasan niya ito ng kilay pero binawi niya agad ito nang makita niya ang sinseridad at seryoso nitong mukha. Napakagat nalang siya ng labi, kinakabahan siya dito. Huminga siya ng malalim ng patago dahil ayaw niyang ipakita sa kaibigan niya na kinakabahan siya. Sa halip, gagawin niyang biro ito.
"Ano ka ba? You're kidding me eh. Haha best joke I've heard so far!"
Nakita niyang nalungkot si Cupid kaya agad nitong nilapitan para i-comfort. Talaga palang totoo ang ipinakita nitong reaction kanina."Mukhang may problem ka? Ano ba yun? I'm here to listen, I'm your best friend, sister right?" Pilit na pinapangiti ni Layt ang kaibigan niya. Ayaw niya lang talagang seryosohin ang sinabi ni Cupid kanina.
Siya na siguro ang pinaka huling lalaking magugustuhan ko. Napakasama niya sa akin. Mas gugustuhin ko pang maging mag-isa kaysa magkaroon ng kasintahan na kasing Cold, arogante, mayabang, at masungit na katulad niya.
Tumango naman ito at huminga ng malalim. Pero nagulat sila ng makita nila ang isang pares ng paa kaya agad naman silang napatingin doon. Hindi inakala ni Layt na yung kinaiinisan pa niya ang makikita niya. Gustong gusto niya itong sapakin kaso against the rule yun kaya nagtitimpi nalang siya. Napairap nalang siya sa kawalan.
Grabe, sadyang napakasungit at sama talaga ng ugali niya, kainis! Mukha palang halata na ang pagka masungit eh! Nagtataka tuloy ako kung bakit maraming may gusto sa KINGkong na to! Sa isipan ni Layt ay pinapatay niya na ang lalaking nasa harapan nila.
"Let's talk Cupid. I have something to tell. Let's go, leave that stupid girl." Pag-aya naman ni Prince King sa kanya.
Napanganga naman silang dalwa sa inasta ng prinsipe. Pero bakit nga ba sila magugulat pa kung alam naman nila na ganto na talaga to simula nang nawala ang Prinsesa. Ang ikinakukulo lang ng dugo ni Layt ay ang sabihan siya ng stupid. Wala pang nagsasabi sa kanya nun!
Pero bago niya pa masumbatan ang Prinsipe ay humangin nang sobrang lakas kaya agad naman siyang napapikit dahil ayaw niyang mapuwing. Oh wait, hindi nga pala dapat siya mangamba dahil sa magic niya. Pag mulat niya, nawala nalang bigla ang Prinsipe at ang kaibigan niya.
Bigla siyang nalungkot ng walang dahilan.
Lagi nalang ba ako maiiwan?
Sa isip niya."Sila ba?" Tanong naman niya sa sarili niya. Napailing nalang siya. Ano bang pakialam niya? Labas na siya doon.
Tanong niya lang sa sarili niya dahil naguguluhan siya. Kuya ang tawag ni Cupid kay Prinsipe King pero sobra silang malapit sa isa't-isa. Pero baka nga magkapatid lang ang turingan?
BINABASA MO ANG
Magical Vampire Academy ✔
Vampire[COMPLETED] Tagalog Vampire Story. PHYSCIAL BOOK IS NOW AVAILABLE ON SHOPEEEE. please search IMMAC or Magical Vampire Academy. Thank you to all MVAcians! Magical Vampire Academy written by IamLovelyGreenGirl Book Details: * 5.5 x 8.25 book size *...