Third Person's POV
Nang makarating sila sa ospital, dumiretso agad sila sa ER
"Tito, tita, ano pong nangyari ? " - tanong nilang lahat
Naiiyak na din sila pati na ang tumatayong parents ni Skyler
"Nagkaroon siya ng komplikasyon sa puso. Hindi ko na alam kung ano na ang susunod na mangyayari. " - Mikarille, ang ina ni Skyler
"Mga bata, maupo muna kayo. " - sabi ng Lolo ni Skyler
"Alam kong may pinanood sa inyo si Skyler. Pati na rin sa amin. Alam nya ang pwedeng mangyari. Aware sya na pwedeng magkaroon ng komplikasyon sa puso. Alam nyong nagkasakit sya noon, at naoperahan kaya gumaling. Kahit na di sya natamaan nung bala sa puso, maaari pa rin magkaroon ng komplikasyon. " - Lolo ni Skyler
Nagtataka ang lahat kung ano ba talaga ang gustong iparating ng Lolo ni Skyler
"Tatapatin ko na kayo. Si Sky ? Napakaliit na lang ng chance na mabubuhay sya. Sa kabila ng lason na tumama sa katawan nya ? Isama nyo pa ang komplikasyon nya sa puso ? Napakaliit na lang talaga. " - Lolo ni Skyler
Naging dahilan ito ng kanilang pag-break down at humagulgol na silang lahat
Bigla bumukas ang pintuan sa ER, at lumabas ang doctor doon
"Kayo ba ang mga kasama ni Skyler ? " - tanong nung doctor
"Kami nga." - sagot nung Lolo ni Skyler dahil sa mga oras na ito, sya na lang ang nagpapakita ng katatagan
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang lason sa kanyang katawan at unti-unti ng kumakalat. Oo nga pala, noong nakaraang araw, nadiskubre namin na may iba pang ingredients ang nasa loob nung bala. May lason ito na naging dahilan kung bakit mas lalong lumalala ang sitwasyon ng pasyente. Hindi naman lingid sa kaalaman nyo na nagkakaroon ng komplikasyon sa puso ang pasyente. " - sabi nung doctor
Na naging dahilan kung bakit lalo silang umiyak lahat
"Ano po ang ibig nyong sabihin doctor ? " - Lolo ni Skyler
"Bilang na ang oras nya. Pero, may isang magandang balita. " - sabi nung doctor
Dahgilan kung bakit napatingin silang lahat sa doctor
"Ano po iyon ? " - tanong ng Lolo ni Skyler
"Nagising ang pasyente. " - sabi nung doctor
"G-g-gising si Skyler ? " - umiiyak na tanong ni Xander
"Oo. Pero tulad ng sabi ko kanina, konti na lang ang oras nya. Dahil sa komplikasyon sa puso ng pasyente at sa patuloy na pagkalat ng lason. Pinasabi ko na ilipat ang pasyente sa isang kwarto na para sa mga may kasong tulad nya. Maghintay na lang kayo at mga ilang minuto lang ay ililipat na sya doon. " - sabi nung doctor
BINABASA MO ANG
Revenge Of The Heartless Gangster (Completed)
Ficção AdolescentePain changed HER Anger pushed her to REVENGE Past never lets her go The real problem is getting clearer And because of an ACCIDENT, she became totally heartless ~She once became An Angelic Gangster who can still forgive, who can still forget. But s...