I'm new in wattpad. This is my first story. After watching some romantic tv series I've decided to make my own story. Hope you guise like it. Sana walang negatives feel free to give some comments po. Thank you! Enjoy. :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER ONE
Hi ako nga pala si Bree Ramos senior student ako class F sa isang university, isa lang akong simpleng babae, makulit, masayahin, maingay, masaya RAW akong kasama, higit sa lahat hindi ako maganda at medyo may kahinaan pa utak ko. Hindi mo nga siguro mapapansin na nageexist ako sa school sa dami ng magaganda at matatalinong mga babae lalo na class F lang ako eto yung pinakamababang section sa buong batch at ang pinakamataas class A. Ako kasi, simple lang hindi ko naman hinahangad na maging sikat. Gusto ko lang maging masaya at kuntento nako dun. Pagdating naman sa Love, ayos lang. Hindi ko pa naeexperience yun e. Gusto ko kasi pag nainloove ako, una at huli na yun. Gusto ko sa taong mahal na mahal ko.
Ako nga pala si, Matt Chua senior student ako class F sa isang university. Hindi ako matalino obvious naman e. Gusto ko lang makasama yung taong mahal ko. Yun ay si Bree Ramos. Ewan ko ba simula pa nung Sophomores kami gusto ko na siya. Hindi ko nga alam kung may aasahan ako sakanya e. Pero ayoko sumuko, ipaglalaban ko tong nararamdaman ko.
(Back to Bree)
Ayun, masaya naman yung buhay ko e. Masaya ako kasama yung mga kaibigan ko at yung 2 kong bestfriend. Sila naman si Krizz Ocampo at si Lei Paz etong dalawang to, simple lang rin. Sila naman yung mga taong may tiyagang maghintay sa LOVE ewan ko ba kung bakit gustong gusto nila mainlove haay.
(First day of school)
Bree: Umaga na pala! Grabe, first day na ng senior year. Gagraduate nako! Ang saya naman. Mag-aayos na nga ako baka malate pako. :D :D
( Sa school..)
Krizz & Lei: Breeee!!!!!!! magkakaklase nanaman tayo! Consistent Class F ah. HAHA, tinadhana talaga tayong tatlo. :))
Bree: Talaga? Magkakaklase na naman tayo! Ang saya! Yes! Thank you Lord! :)) (Oo, masaya ako. Hindi ko kasi alam kung ano mangyayari sakin pag hindi ko sila naging kaklase. And yes, class F ako since freshmen. Talino ko noh? HAHA, umagree ka! Jk lang)
Matt: Bree!!!!!!!!!!!! (Abot sa kabilang corridor ang lakas ng sigaw)
Bree: Oh? Matt, hello! (nakakairita naman nandito nanaman siya)
Matt: Class F tayong dalawa! Magkakasama nanaman tayo. Ang bait ni Lord, ayaw tayo paghiwalayin. Tayo talaga yung para sa isa't isa e. :">
Bree: Huh, uhm oo nga class F ako. Sige alis na kami bye. Krizz, Lei tara na.
Habang naglalakad sila, si Bree nasa right na gilid, si Krizz naman yung nasa gitna at nasa kabilang gilid si Lei. Biglang may nabangga si Bree habang naglalakad. Nahulog lahat ng gamit nung lalake..
Bree: Hala, sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga sorry.
Boy: Ano ba! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Pulutin mo yang mga hinulog mo!
Bree: :O (Omg!! Ang gwapo niya, si Evo pala yung nabangga ko.. ang swerte ko nakausap ko siyaa. :"""">)
Evo: Hoy! Ano ba tinitingin tingin mo diyan?!
Bree: Ha eh, oo. Pasensya na sorry. (Hala grabe nakausap ko si Evo ang gwapo niya. Wala nakong pake kahit sinungitan niya ko. Importante nakausap ko yung pinakasikat dito sa school :">)
Evo: Umalis kana nga! Tumabi ka dyan!
Hi ako nga pala si Evo Lopez senior student ako class A sa isang university. Sa katunayan, ako ang number 1 sa klase at pati na sa buong batch. Sabi nila matalino, gwapo, tahimik at hearthrob raw ako. Pero, hindi ko naman pinapansin yung mga sinasabi nilang mga ganun e. Actually, wala akong pakialam sa mga sinasabi nila. Basta ako, puro aral lang at mas kinikilala ko pa yung sarili ko. Tahimik lang ako, hindi ko pa nga alam kung ano talaga gusto kong mangyari sa buhay eh, hindi rin ako masyadong palakaibigan sa klase. Ewan ko ba kung bakit sila nagkakainteres sakin. Wala rin naman akong hilig sa pagmamahal. Wala akong interes sa mga bagay na yan. Ayoko mainlove mas gusto ko pang kasama ang computer, basketball at libro.
BINABASA MO ANG
It Started with a Letter.
Teen FictionSi Bree, isang simpleng babae na hindi kapansin pansin. Paano kaya kung magkagusto siya kay Evo, isang hearthrob na masungit? Mapapansin kaya siya nito? Maffall kaya sakanya si Evo? Lalo na kung, walang kahilig hilig sa pagmamahal ito? Paano kaya ku...