SHORT UPDATE :-)
------------------------------------------------------
Yesha's POV
Lucas Dwayne Zeller
Woah di parin ako makapaniwala. Si Lucas kaya yun?o kamukha lang nya. Imposible naman kasi na si Lucas yun eh. Artista kaya yun paano yun mapupunta dito?
Haist kanina pa to ah. Never mind mo nalang yun Yesha baka namalik mata kalang kanina. Tama namalik mata lang ako.
Brrrrr~
Ops nagwawala na yata yung mga dragon sa tiyan ko anong oras naba? Kinapa ko yung phone ko sa sidetable ng kama ko pero di ko makapa. Wait san naba yung phone ko?
Bumangon na ako at hinanap yung phone ko sa silid ko pero di ko parin makita. Nasan kanaba? Imposible namang nasa sala kasi hindi ako tumambay doon. Wala naman yun sa kusina kasi hindi pa nga ako pumunta roon. Wla naman sa cr kasi hindi ako nagcr kanina.
Wait san ko nga nilagay yung phone ko.........
Mygod posible kayang nasa kwarto yun ni Mr.Masungit-na-kidnapper?!
Eh bakit ko naiwan yun doon? Waahh paano ko kukunin yun eh gabi na tapos di na ako pwedeng makapasok sa kwarto nya.
Haist ano na bang gagawin ko??think yesha think! Ahmm pwede ko naman sigurong kunin yun doon pero dapat walang tao.
Ah tama may schedule nga pala ako sa kanila ngayong araw bigay sakin nung Bakalang ermitanyo hehe. Pumunta ako sa table ko at kinuha yung schedule nila for the day and night.
Hmm saan kaya sila pupunta ngayong gabi? Ah may bibisitahin nga pala silang kaibigan ngayong alas syete at seven thirty pm na! Yes pagkakataon ko na tong makapasok sa bahay nila. Sigurado akong walang tao ngayon. At madali lang naman ako makakapasok doon kasi may duplicate key ako sa unit nila binigay rin sakin ni baklang ermitanyo para raw pagwala sila makakapasok ako doon.
Kinuha ko ang pink jacket ko at lumabas ako sa kwarto ko nagmamadali akong bumaba sa hagdan at pagdating ko sa sala ay nakita ko sila mama na nanonood ng tv. Dumeretso ako sa kusina dahil hindi naman nila ako pinansin buti nga. Dito ako sa likod dadaan para hindi nila ako makita.
Paglabas ko naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin buti nalang nakapajama at jacket ako kundi baka kanina pa ako nanginig dahil sa lamig.
Naglakad lang ako papunta sa unit 7. Tahimik lang ang paligid at walang masyadong tao ang gumagala.
Waah sana wala akong matagpuang ligaw na aso ngayon. Kapag gabi kasi dito may mga pagala-gala na mga aso di ko lang alam kung sinong mga amo nila.
Ops speaking of waaahhh andito sila!! At nasa harap ko pa! Huhu outnumbered ako kasi 5 sila at wala pa akong dalang stick para pamalo sana sa kanila!
Huhu ano nang gagawin ko?? Jusko po tulungan nyo po ako. Ayoko pa pong mamatay dahil sa rabies huhu marami pa po akong pangarap sa buhay.
Ano nang gagawin mo Yesha? Isip isip. Nakakatakot yung mga itsura nila. Mukhang gutom talaga sila at naglalaway pa yung iba.
"Hehe h-hi" aish Yesha ano bang ginagawa mo? Psh antanga mo talaga Yesha.
Grrr~~
Aws patay mukhang nagalit si doggy 1 huhu papalapit na sila sakin.
Grrr~~
Waahh lumingon lingon ako sa paligid nagbabasakaling may makita akong pamalo sa mga aso pero nabigo ako.
"P-please di ko naman kayo sasaktan eh I'm a friend " Di naman ako maiintindihan nila pero bahala na baka maawa sila sakin.
Grrr Arf Arf~
Waah mukhang lalo ko lang ata silang ginalit. Huhu ano na bang gagawin ko. Walang stick o bato dito kaya wala na akong ibang maisip kundi ang tumakbo nalang. Tama tatakbo nalang ako para matakasan sila kesa magstistay ako dito at magpakagat sa kanila diba?
Kaya ito na tatakbo na ako in a count of 3.
1
2
3
TAKBO!!!!!Arf Arf Arf~~
Waahh huhu sinusundan nila ako waahhh kailangan kong makahanap ng pagtataguan!
Arf Arf ~
May nakita akong isang barrel doon sa bandang kaliwa kaya pumunta ako doon at nagtago.
Hinabol ko muna ang aking hininga bago sumilip sa kaunting butas.
Arf Arf~
Grrr~
Huminto ang mga aso at tila hinahanap ako. Nang magtalagal ay umalis na sila . Thankyou lord. Di pa ako patay.
Nang masigurado ko na talagang wala na sila ay umalis na ako sa pinagtaguan ko at nag patuloy na sa paglalakad.
Nang makarating na ako sa block 7 ay off lahat yung ilaw kaya wala nga talagang tao dito.
Lumapit ako sa pintuan at kinuha ko yung susi ko. Pagpasok ko doon ay bumungad sakin ang malaking sala.
Dumeretso agad ako sa hagdan at pumunta sa pinaka kaliwang kwarto.
Napabuntong hininga muna ako bago ko pinihit ang doorknob and surprisingly hindi ito lock. Baka nakalimutan lang tong i lock.
Pagpasok ko ay bumungad agad sakin ang madilim na silid kaya kinapa ko kaagad yung switch para buksan yung ilaw.
Whoa ang linis talaga ng silid nya at pinanindigan nya talaga ang pagiging fanboy nya kay Lucas Zeller.
Hinalungkat ko kaagad yung silid nya at hinanap yung phone ko asan ko nga yun nilagay hmm ah! Alam ko na nasa mesa nya yun. Pinuntahan ko yung table malapit sa higaan nya pero wala akong makitang cellphone doon.
Waah pero dito ko lang yun nilagay ehh-
"Kung naghahanap ka ng mga diamonds and jewelries dyan,sorry but I have none here..Their all in the bank."
"Patay" bulong ko sa sarili ko.
----------end chapter
PLEASE COMMENT OR VOTE
Follow me: @Yhokkai_Sshi
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
Teen FictionWhat if an ordinary girl fell in love with a very handsome and most famous boyband artist?Will they live happily ever after will his fans accept her?will they support their relationship? Well if you want to know just read this story... My Arrogant A...