**This Is Me 2**
Jasmine POV's
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo...pinipicturan siya!Bakit niyo ba kailangan apihin siya may nagawa ba siyang masama sainyo at ginagawa niyo yan !?Tara na nga JC! Ang papangit kasi ng mga tao dito..Nangangamoy ang pagkabaho nila...Hoy kayong lahat...sasabihin ko sa inyo ito...MAGPALIT KAYO NG MGA PABANGO niyo..." O_O...ang taray ni ate ! love you talaga!
Yun nga umuwi na kami..Ano pa gagawin ko doon? Eh pinagtawanan na ako...At isa pa sabi na nga ni Ate...Masyadong mabaho doon...
WHAT A BAD NIGHTMARE...niya kinoconsider ko as a nightmare...kasi ang pangit...baka nga BANGUNGOT na rin eh.....Hindi ko sila maintindihan at hindi rin nila ako maintindihan....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Bahay*
"Hi...ma." sabi ko kay mommy...at pumunta na ako sa room ko.
"Anak may problema ba?" tanong ni mommy.
"Eh pano kasi hindi niya tinitignan daanan niya yun na untog...nakunan pa daw siya ng litrato ng mga schoolmate niya" hay nako...si ate hindi talaga niya mapigilan ang bunganga niya.
Pumunta nalang ako sa room....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ano ba yan papasok pa ba ako bukas?" kinakausap ko unan ko...nang biglang pumasok si mommy sa kwarto ko.
"Oo naman...wag kang susuko...itigil mo na kasi yang pagpapanggap mo...pati kami ng ate mo nahihirapan na rin" kulit naman talaga ni mommy.
"Hindi pa po ako ready ma eh." sabi ko.
"Pero dahil diyan sa pagpapanggap mo kinakayanan ka na ng lahat...hindi ka ba nahihirapan?"nahihirapan na ba ako? sa tingin ko hindi pa naman....At alam ko naman na kaya ko pa...ang isang tulad ko hindi madaling sumusuko......sanay na akong pinagtitinginan...pinagtritripan...niloloko...mababaw ang tingin sa akin....tinatapak tapakan lang....pinag uuspan...Ni walang taong gustong makipag kaibigan sa akin...dahil tingin nila sa akin...ay isang napakalaking SALOT sa buhay nila...
"Nahihirapan..pero hindi sapat na dahilan ma,para sumuko ako..kayo na nagsabi mama na hindi dapat ako sumuko...at hindi ako magbabago dahil lang inaapi nila ako..NERD kung NERD pero hindi ko ititigil itong pagpapanggap ko...." sabi ko nga hindi ako LOSER...darating din ang araw na maglalaway sila pagnakita nila kung sino ako...pero hindi ngayon...Hindi ngayon...dahil hindi pa ako sumusuko....
"Kaya ka ba nagpapanggap dahil sa nangyari sainyo ni Jonas?" pinaalala nanaman ni mommy...Yeah si Jonas na manyakis......Si Jonas na nangloko sa akin...Si Jonas na dati kong bf....Si jonas na ang hangad lang sa akin ay ang aking kagandahan at kaseksihan...and also how i wear a dress..Yan lang naman ang habol niya sa kin kaya niya ako niligawan at naging kami...Eh ano magagawa ko nangyari na....Ang masakit niyan muntik na niya akong pagnasaan at doon ko rin nalaman na yun nga....ang mga alaala na ito ang dahilan kung bakit ako ngayon ay isang NERD...dahil natrauma ako...tingin ko sa mga lalaki ay lahat manloloko....
"Oo po ma..Alam mo naman na masakit yung ginawa niya ma...Mama wag nalang po natin siyang pag usapan...tingin ko bumabalik naman ako sa dati..." sagot ko...ayaw ko ng maalala ang ogok na yun...Tadyakan ko pa sila eh...May super kick...hayaahh....haha joke lang...diba ako rin nagpapasaya sa sarili ko....
"Okay." bumaba na si mommy...
Mabuksan nga muna ang fb ko....
Binuksan ko ang account ko...pag bukas ko may biglang nagappear sa gilid ng laptop ko... galing sa website ng Hechanova.......Ohgosh!!!!...pinost nila agad yung picture ko kanina dun sa cafe at nakapost ito sa HU group!O_O
BINABASA MO ANG
THIS IS ME!
Teen FictionMeet Jasmine isang babaeng maspiniling magpanggap bilang nerd at baduy kaisa maging maganda.What if ilabas niya ang totoong siya para sa crush na crush niyang si Chris.Mapansin o mainlove ba sakaniya si Chris kahit alam na ng lagat na taken na siya?