Chapter Three

17.6K 218 7
                                    

                   Chapter Three

“Ano ba ang nangyari at kailangan nating mag open forum, Gail? May kaso kang kinasasangkutan?” Tanong ni Gelyn sa kanya. The lawyer, ang kaibigan niyang lahat ay naayon sa batas.

Narito sila ngayon sa paborito nilang salon nagpapaayos ng buhok.

“Oo nga, bakit nga ba? Usually, kapag may open forum tayo, isa sa atin ang may mabigat na problema. Ilang kilo ba yang problema mo at kailangan nating makita ang kagandahan ng isat-isa ngayong araw?” Segundang tanong naman ni Jenny, the model.

Tinawagan niya kasi ang mga ito kahapon na magkita sila ngayon araw. Sa nangyari kahapon, kailangan niya ang payo ng dalawang ito. She badly need someone to lean on right now. Hindi niya na talaga alam kung ano dapat gawin.Naghalo-halo na ang mga problema niya, hindi na niya alam kung ano dapat unahin.

“I have a problem.”

“Yeah, of course we know that you had a problem. Ang gusto naming malaman ngayon ay kung ano ang problema mo. Bakit ka nagkaroon ng problema at kung sino ang nagbigay sayo ng problema.” Jenny.

“Will you stop beating around the bush, Gail? Hindi pwede ang mga ganyan sa husgado. Direct to the point ang kailangan namin, hindi ‘yung pupunta ka pa sa west at liliko sa north.” And here comes the lawyer.

If you’re asking why they’ve became friends, she can’t answer that question also. Maybe, because they are complete different with each other and those differences fill in what lacks from one another.

“Remember Cherbyl?”

“Yeah, I can seem to remember you’re telling us about her. She’s your little sister online right? Why? What happened to her?” Gelyn asked her.

Napayuko siya at pilit na pinigilan ang luha na tumulo. Napaka iyakin niya talaga kahit kailan.

“Hey, What’s wrong? Bakit ka umiiyak? Bago ka umiyak, isipin mo muna ang magiging itsura kapag kumalat ‘yang mascara sa mukha mo. Huwag na huwag kang makalapit sa akin kapag nangyari yun.” Hindi niya mapigilang matawa sa sinabi ni Jenny, model nga talaga ito. Umiiyak na nga siya, ang mascara pa niya ang mas iniintindi nito.

“Bruha ka talaga.”

“Sabihin mo na kasi kung ano ang nangyari.”

“Cherbyl…”

“What? Ano bay an. Isa pa talaga Gail. Dapat dinala mo yung martilyo na pampokpok kapag maingay sa loob ng korte, Gelyn at nang ihambalos natin sa babaeng ito.”

“Give her some time, Jenny. Come on, Gail. Tell us what happened to her?”

“Cherbyl..She’s gone.” Naiyak na naman siya. “Wala na siya. Hindi na matutuloy ang meet up namin sa birthday ko.”

“OMG! Bata pa yun, di’ba? Anyare?”

“Hindi pa nila nasabi sa akin ang dahilan. Pumunta ang mama at kapatid niya sa bahay kahapon and it was a complete disaster. Her brother blame me about her death.

“Blame you? For what? Grabe naman ang taong yun, Gail. At bakit ka naman niya sisihin sa pagkamatay ni Cherbyl? For goodness sake! Mahal na mahal mo nga yung kapatid niya eh.”

“According to the book that I’ve read last night, No one has the right to castigate someone who is purely innocent.”

“And may isa pa akong problema.” Sabay na tumaas ang kilay ng dalawa sa sinabi niya.

“What? Another problem? Nako naman, Gail. Bakit hindi ka sumilong nang magpaulan ng problema ang Diyos?”

“Stop nagging her, Jenny. Dinadagdagan mo lang ang stress ni Gail sa mga pinagsasabi mo.”

Revenge MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon