Tick! Tack! Tick! Tack!
Bigla siyang napabangon ng marinig ang alarm clock na nilagay niya sa loob ng unan para masiguradong magigising siya ng eksaktong alas-singko ng umaga. It's her daily routine every saturday, ang mag jogging sa park together with her cute baby, Ruro, a shitsu breed puppy.
"Five minutes pa." Inaantok niyang pinatay ang alarm clock at muling natulog. Nanaginip na siya na hinahabol daw siya ng tikbalang at tinatawag na pangit nang maramdaman niyang may kung anong malagkit sa mukha. "Ano ba?? Natutulog pa 'yung tao eh."
"Arf! Arf!" Tahol ng ni Ruro sabay dila sa pisngi niya.
"Ruro naman eh. Mommy still sleeping" Kinuha niya ito at niyakap pahiga. "look, may one minute pa dapat akong itutulog. Ang kulit mo talaga."
"Arf! Arff!"
"Fine, fine! Babangon na po. Ang kulit talaga ng baby ko." Sumusukong napabangon na lang siya. Well, kung may weakness man siya as human, that's probably her baby Ruro. She can't resist its cuteness.
Tinatamad na bumangon siya at nagpalit ng pang jogging na attire. Bitbit si Ruro na bumaba siya ng kusina pagkatapos niyang magbihis.
"Oh my magandang Ate Gail. I want to bati you a good umaga for the long whole day." Hindi niya mapigilang matawa sa bati sa kanya ni Amy, ang probinsyanang conyo na kasama niya sa bahay. Kailangan niya ng katulong dahil kung hindi, matagal na siyang nanahimik six feet under the ground dahil hindi siya marunong magluto. Ang alam lang niya ay mga simpleng gawaing bahay, like maghugas ng pinggan at magwalis ng sala. Ayaw niyang mamatay na de lata ang laman ng tiyan.
"Morning din, Amy. Mamaya na ako kakain ng masarap mong breakfast. Mag jo-jogging lang muna kami ni Ruro sa park."
"To worry is not, Ate. Ang truth is, I didn't luto pa yet dahil I know that you will takbo-takbo first. The is not masarap to eat if it is not hot anymore." Mabuti na lang talaga at nasanay na siya sa kung ano magsalita si Amy. At first, wala siyang ibang sagot sa tuwing magsasalita ito kundi, "Ha? Ano? What? Eh?"
"It's okay. Aalis na kami, huwag kang magpapasok ng hindi mo kilala habang wala ako. Tandaan mo ang nangyari sa kapit bahay bahay nating namatay yung kasambahay dahil nagpapasok ng hindi niya kilala.
"Ate naman eh. You takot takot me over. To worry is not again. What the silbi of walis and baseball bat if I cannot use it to palo palo the bad people?"
"Huwag kang umasa sa walis at baseball ball na yan. Paano kung barilin ka na lang nila bigla? Magagamit mo pa ba yan?. And how many times do I have to tell you na ang pinaka mabisang panlaban sa mga masasamang tao ay common sense?"
"Copy all, Ate. I will gamit-gamit my common sense for protection" Nag salute gesture pa ito sa kanya.
"Sige na. Aalis na kami." Paalam niya bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Take good care, Ate gail." Pahabol pa nito.
BINABASA MO ANG
Revenge Marriage
PertualanganA revenge story. Full of revenge scenes and ended in a vengeful way. In short, it is revenge story.