Prolouge

23 1 0
                                    

(0…0)

(~…~*)

(@…@)

(¤_¤)

Yan ang mga hitsura naming magkakapatid ng mabasa ang sulat ng aming magagaling na magulang. Gusto niyo bang malaman kung ano ang sinulat nila??

Dear kids,

Kayo na munang bahala sa bahay. Magbabakasyon muna kami ng papa niyo. Matatagalan kami kaya wag na kayong mag- alala pa sa amin wag niyo na din kaming hanapin. Take care because we care!! like eq care!!

ps.

pag may nagtanong kung nasaan kami WAG na WAG niyong sabihin.. (>_^)

love lots,

mama and papa

"wag sabihin?? malamang wala naman talaga tayong masasabi kung may maghanap man sa kanila dahil tayo mismo ay walang alam!!" inis na sabi ni kuya Bread, Braiden Josh Macaraig, panganay at nagtatrabaho sa isang bar bilang supervisor. Siya ang pinaka- mainitin ang ulo, leader nga yan ng isang gang noong estudyante pa lang pero hanggang ngayon madami pa ring tagasunod kahit na tumigil na siya.

"Hala!!! San tayo ngayon kukuha ng pera para sa araw - araw? Paano na yung tuition ko? Peanut makakapag- aral pa ba?? Makakapagtapos pa ba tayo sa pag - aaral?? Makukulong na ba tayo? Mamamalimos sa kalye?? Magugutom tapos mamatay ng walang laman ang tyan!!!" hysterical na sabi ni Kuya Jam, James Aldrich Macaraig, siya ang pangalawa sa amin. College student pursuing Engineering, praning, nega at malakas mag assume. Pero wag ka pag nagsimula na siyang humawak ng gitara at kumanta maiinlove ka sa boses niya hindi lang sumasali sa mga tv singing contest baka daw madiscover siya mawalan siya ng panahon sa amin etc.. etc.. hindi lang feelingero... pasimpleng mahangin din pala..

"……" no reaction si Milo, Micheal Logh Macaraig, bunso sa aming simple but crazy family. Elementary student at certified genius yan, lahat taob pagnagsalita ang bunso namin child with a few but sharp words yan.

Mukha talagang problemado ang mga kapatid ko yung parents kasi namin... ewan. Si Milka Jane Macaraig "milk" ang mommy namin masayahin at may pagka- isip bata. Mabait si mommy pero kung minsan mas mukhang kami pa ang nanay kaka- saway sa kanya. Si Kristofer Macaraig "kofi" ang aming daddy na sobrang positibo tatay na go lang ng go sa kanyang epic fail business plans kaya naman humantong kami sa sitwasyong ito...

Before anything else nga pala, ako si Princess Natashiya Macaraig, peanut for short, ang unica hija sa pamilya. Black belter ng judo at taekwando due to persistent demand of my mother and frantic brother Jam. Si Kuya Bread lang naman ang nag- turo sa akin so you know I already see hell sa kanyang self defence lessons. Magha- highschool student na ako sa pasukan at mukhang nanganganib pa kung makakapasok ako this school year...

knock... knock.... knock....

Napatingin kaming magkakapatid sa front door. Tahimik lahat at nakikiramdam, parang naging suspense ang nangyayari ngayon. Sino ang nasa kabilang pintuan?? Mafiya?? loan shark?? pulis?? waahh nahahawa na din ata ako kay kuya Jam!!!

(~^~)

Si kuya Bread na ang nagbukas ng pintuan habang kaming tatlong naiwan ay nakasilip sa gilid.

"Ano kailangan niyo" maangas na sabi ni kuya Bread.

Naging seryoso ang mukha ni kuya Bread ng magsalita ang nasa labas pero hindi namin marinig ang pinag- uusapan nila.

"aahhh!!! eto na yun!! eto na!! mga loan shark yan tapos kikilan nila tayo ipilit na bayaran yung mga utang nila papa tapos dadating yung mga taga- DSWD at dadalhin tayo sa ampunan tapos magkakahiwalay- hiwalay na tayo. Sila mama naman mahuhuli ng mga pulis at ikukulong" naprapraning na sabi ni Kuya jam with exage grim expression.

**SCHOOL Rumble!!**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon