Chapter one: First day! Worst day!

10 0 0
                                    

Author's note

first day ng pasukan kamusta kaya ang araw ni Peanut??

Chapter one: First day! Worst day!

Peanut's POV

Pasukan na!! Naglalakad ako papuntang school ng may marinig akong parang di kanais- nais.

"ibigay mo ba yang pera mo oh gusto mo pang masaktan?" sabi ng isang lalaki na tadtad ng earing ang tenga.

May kasama pa siyang dalawa pang lalaki tapos yung binubully nila naka- upo na sa lupa at nagkalat yung gamit niya. Napansin ko na taga- st damien academy sila pati yung binubully nila na mukhang nerd dahil na din sa kapal ng salamin nito at magulo ang brown niyang buhok.

Ako, si Princess Natashiya Macaraig at hindi ako pinalaki ng mga magulang kong duwag at walang pakialam sa kapwa. Tumalikod muna ako tapos ay ikinuyom ko ang palad ko.

"Go!" cheer ko sa sarili at humarap muli.

"Kayo na parang tinadtad ng hikaw ang tenga!!! Itigil niyo yan!!!" lakas loob kong sabi at pumunta sa harapan ng binubully na ngayon ay nakatayo na.

"Wag ka nang makealam dito miss" sita sa akin nung nerd pero mahina lang.

"don' t worry I got your back. Black belter ata tong nasa harap mo" sabi ko sa kanya na pabulong din.

"Aba tingnan mo nga naman oh, may knight in shining armor si nerd babae pa... joke ba toh?? hahahaha " sabi nung isa na tadtad din ng hikaw ang tenga pero may suot na bonet. Yuck! kung makatingin parang manyak!!

"Uhm suot mo ang school crest ikaw siguro yung babae nag- enrol sa school" inikutan pa niya ako habang mapaburing tumingin nula ulo hanggang paa.  "Sabihin mo nga lalaki ka noh?"

(=_=*)

"Pfft" narinig kong pigil ng tawa ng taong nililigtas ko lang naman. Yung totoo?? Sumasang- ayon pa siya sa kanila?? Galing hah..

Akmang hahawakan niya ang dibdib ko kaya naman hinawakan ko siya at ibinalibag sabay body splash. KO.

"hoy! Anong ginawa mo sa kanya?"

" di pa ba halata? ganyan ba kayo ka slow? pinatulog ko na nga tatanungin pa ako" sagot ko sumugod sila ng sabay. Yung totoo wala na ba talaga yung tinatawag na gentleman?? Babae ako! Ba. Ba.e!!

binigyan ko ng flying kick yung isa at isang malakas na suntok sa sumunod. Tulog.

Hinarap ko uli si nerd boy habang pinapagpag ang aking kamay.

"sabi ko sayo kaya ko..." natigilan ako ng bigla niya akong NIYAKAP!!!

(0////0)

Yung totoo? Ang bango niya. May nerd palang mabango hahahaha no offense may yumakap kasi sa akin na nerd dati at swear parang sampung linggo hindi naligo.

Syempre awkward sa akin kaya naman pinilit kong humiwalay baka isipin pa niya na gusto ko rin na yakapin niya ako.

"don't move" mahinang babala niya. Napatigil ako sa pagpilit humiwalay sa kanya, ewan ko parang malamig yung boses niya with authority matatakot ka talaga at mape- petrified sa kinatatayuan mo. Partida di ko makita hitsura niya nung sinabi niya yun pero natakot ako.

.

.

.

.

.

.

.

.

**SCHOOL Rumble!!**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon