Romance starts with Accident (1)

492 16 3
                                    


"MARIS!!!!"

nabulabog ako sa sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.

Bumangon ako at agad na lumabas ng kwarto.

"Late ka na" sabi ni Mama na naka- cross arms pa

"po? Wednesday palang ngayon, bukas pa pasok ko Ma" sabi ko habang nag-uunat ng katawan ko.

"Huwebes ngayon inday at alas otso na, late na late ka na" sabi niya at bumaba na

Chineck ko yung cellphone ko

"OH MY GOSH" bigla kong nasabi.

Agad akong pumasok ng banyo at naligo na.

*after 10 minutes of preparation*

"Ma baon ko po. Bakit ngayon mo lang ako ginising? Mama naman eh" -me

"at ako pa talaga ang may kasalanan? Malay ko ba na may pasok ka pala, buti nga ginising kita eh. Oh heto baon mo" sabi nya at inabot yung pera

Kinuha ko iyon at nagkiss na sa kanya.

"Kahit magmadali ka, late ka pa rin. Ingat ka!" sigaw ni Mama ng makalabas ako ng gate.

Haynako, si Mama talaga.

Sumakay ako agad ng Jeep. Siguro nasa 5minutes lang yung byahe kasi medyo malapit lang dito yung school.

Nagpara na ako at bumaba. Tumakbo na ako kahit naka-heels ako. Napahinto ako sa tapat ng gate ng School dahil di ko pala suot ID ko. Buti na lang at laging nasa loob 'to ng bag ko.

Pagpasok ko sa School ay tumakbo ulit ako hanggang sa makarating ako sa College Building.

Pero di pa ako nakakaakyat ng hagdan ay nasira na yung heels ko, naputol yung takong ko waaaaaaahhhhhhh!!!! bakit naman ganyan ang sinapit ko ngayong araw huhu


text msg from:  Riva
       Hoy Maris, ano na? nag-aattendance na si Sir, bilisan mo


tinanggal ko yung heels ko at binitbit ko na lang paakyat sa second floor. 2nd floor pa lang ako tapos 5th floor pa yung classroom ko pashneya.

Tumakbo na ako pero pagdating sa 4th floor ay hindi ko na kinaya. Kinakapos na ako sa hininga kaya napaupo ako sa sahig ng hagdan.

Hawak hawak ko yung sira kong heels, nakakaiyak naman napakamalas ni Maris huhuhu

"nakakainis!" sigaw ko sabay hagis ng heels ko sa sahig.

pero imbis na sa sahig tumama yung hinagis kong heels eh sa legs ng lalaki tumama yung hinagis ko. OMG di ko napansing may naglalakad pala paakyat ng hagdan! hala

tumayo agad ako at kinuha yung heels ko tapos hinarap ko yung lalaking natamaan ng binato kong heels.

"hala kuya sorry di ko sinasadya, sorry talaga kuya" sabi ko na yumuyuko yuko pa

di ko alam kung pipi ba sya kasi di sya umimik pero bigla na lang nya akong nilagpasan. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad

"ayaw mo ba ng sorry ko? sorry na kuya!" sigaw ko

aish! hayaan mo na nga! Late na pala ako jusq po rudeh!

nagpatuloy ako sa paglalakad. Hingal na hingal ako pagdating sa classroom

"Good morning Sir, sorry I'm late" bati ko kay Sir Paul

"Good morning din. Ang aga mo para sa next subject Maris" sabi ni Sir Paul

Romance starts with Accident [ MarNigo Fan Fiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon