Sa bawat sulok ng silid na ito,
ala-ala mo ang bumubuo
Sapagkat sa paglisan mo,
Wari'y gumuho ang aking mundo.
Ubod na pighati ang namumutawi
sa puso kong isang sawi.
Sa katulad mong tila hinawi
ang kasinungalingang yao'y buhawi.
Paano nga ba maiaalis ang sakit ng kahapon?
Kung ang nararamdaman ng puso sa bawat ngayon,
Ay ang bangungot na naidulot ng panahon,
At hirap ng matuklasan ang pag-ahon.
Pilit mang iwaksi sa ikasasaya,
Walang ibang laman ang isip kundi siya.
Nawa'y matapos na ang pagdurusa.
Sapagkat ipinauubaya ko na ang lahat sa "KANYA".
BINABASA MO ANG
Tula-tulaan ni Anna Ligaya
Poetry~~ This is only a compilation of my poems :) mga tula na dahil sa requirements sa mga major subjects and sometimes nabuo due to boredom and based from experience. haha sana po magustuhan niyo. enjoy reading! :D - tabiiBaozi