Paghahanda (Naaalala mo pa ba?)

54 1 0
                                    

hey guys, so this was supposed to be translated to english. But after i finish typing this story, dont worry I'll translate it to english. Well hope you'll like this story :-)

Chapter 1:

Sandali na lang 

Maaari bang pagbigyan 

Sya lang ang aking hanap 

Matupad ang aking pangarap 

Na hagkan iyong kamay 

Sana ay maabot ng langit ang aking mga hiling 

Sana ay isipin

Hi ako nga pala si Beth! Yung kantang nasa taas ay ang aking ginawa para sa love life ko at buhay ko ngayon. Naninirahan sa isang mansion ng higit sa walong taon. Pero ako ay isang katulong lamang dito. Naninrahan kasama ang amo ko na si Bb. Iva at ang kanyang anak na si Meg. Si meg ay sobrang malapit sa akin. Magkakilala kami simula nung 12 years old ako.

Magwawalis pa pala ako. Masyado akong tulala ngayong umaga. Siguro kasi inaantok pa ako? o baka, gutom ako? Magwawalis na nga lang muna ako

Habang nagwawalis, may humatak sa kamay ko at tumalikod. Si Meg! Gising na pala sya, syempre nagulat ako kasi wala akong naramdaman na may bumababa sa hagdanan. 

"magandang umaga beth!" sigaw ni meg na may muta muta pa sa mata. Yan ang gusto ko sakanya, kahit may pagkaarte sya sa kilos at pananamit nya, masayahin at mabait syang kaibigan.

"Oh meg! Gising ka na pala!" masigla kong binati.

"beth, paki bilisan ng konti kasi may mga bisita tayong pupunta at espesyal sila sa pamilya namin"

"ay naku meg, pagpasensyahan mo na ako ah, pero madami pa talaga akong gagawin." wala na akong masabi. Pero di pa kasi ako ready, wala pa akon magandang damit. Lahat nasa labahan, nakakahiya namin manghiram kay meg.

"beth, sa tagal nating pinagsamahan. Never kitang iniwanan, kaya pag dating ng mga bisita. Papakilala kita sakanila!"

Naawa naman ak kay Meg kaya bibilisan ko nalang nga, nakakahiya kasi katukong lang ako at baka mamaya madiri sila sakin. Mayayaman panaman mga bisita nila Bb. Iva. "Oh sige na nga Meg, kaw talaga!"

Usap lang kami ng usap n Meg pero di talaga ako mapakali kasi kanina pa ako nagtataka kung sino ang mga bisita. May prince charming ba na pwede mapasaakin o kaya meron bang babae na makakaaway ko, hay nako. Sa haba ng usapan namin ni Meg, nawala sa isip ko na ayusin ang mga plato sa kusina. Nang pagtayo ko, biglang.. Boom! Si Bb. Iva!

"good morning mom!" bati ni meg. Ayoko masermonan dahil nakaupo lang ako, relax relax lang at di ko pa nagagawa ang aking mga gawaing bahay. Kaya bumati nalang din ako. "magandang umaga po tita!". "oh hi beth!" masaya nya din akong binati. Buti nalang di nya napansin ang mga plato sa kusina.

Tinuluy kong magwalis sa sala habang naguusap sina Bb Iva at si Meg. Pero yan nanaman ako! Nagpaka chismosa nanaman. Unti unti akong lumalapit patungo kayla Meg at pakimggan ang kanilang usapan, nagpapasakasakali lang na siguro may magsabi isa sakanila kung sina ng bisita pero wala. Sinabihan lang pala ni Bb Iva na magayos na sya at darating ma ang mga bisita.

"uy beth! Tulala ka nanaman kay Mommy!" palokong sinabi ni Meg.

"huh?! May nakita kasi ako parang lamok na ewan sa likod ni tita" sagot ko. Halata bang nagsinungaling ako?

"hay naku beth, minsan di ko nalang alam kung anong gagawin ko sa utak mo. Tulala ka lagi eh, pansin ko lang. Ay sya nga pala, tulungan mo naman ako maghanda, papahiramin din kita ng pangtaas."

Totoo nga ba? Si Meg, magpapahiram ng damit nya sakin, sino kaya tong espesyal na bisita at pinapahanda ako ni meg ng maayos? "ah sige sige" sagot ko nalang habang hinahatak na ako ni meg.

~END OF CHAPTER 1~

-------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Kindly wait for the next chapter. Please vote and suggest more scenes please. Thanks. Hope you liked it, no negatives please.

Naaalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon