Kwintas (Naaalala mo pa ba?)

21 1 0
                                    

Chapter 3:

Habang naguusap kami ni Meg, may humatak sakin. Si Martin! Ang baklang panget na kaibigan ko, kahit inaamin ko sakanyang echusera sya, proud parin sya. Mahilig sya sa boys tulad ni Ralph. Eh gwapo naman kasi si Ralph, pero mas type ko si Adrian. Okay, change topic. Si Martin, sya ang isa sa mga BFF ko.

Hinatak nya ang balikat ko at sinabing "Meg, hiramin ko muna si Beth" habang si Meg naman sumagot ng kanta na "You take my beth away" 

Hinatak ako ni Martin papuntang kusina at andun si Mia na nakaupo. Si Mia, ay pinagandang Martin pero hindi sya bakla, magandang echusera sya na mahilig din sa boys tulad ni Ralph. Siguro mapagaawayan nila to pag nakilala nila to.

Binitawan ako ni Martin "Beth! Sino ang mga hot boys dun?"

Tumayo si Mia "Ano?! Mainit na lalaki, ay 'hot boys'?!"

"Hoy Mia, ako nauna!" Banat ni Martin.

"Sino nga sila?" Sagot ni Mia habang inirapan nya si Martin at itinupi ang kamay sa harap.

Tumawa lang ako at sinabi kong "Hay nako, si Adrian at Ralph lang yun. SI Adrian yung 'bf' ni Meg"

"Teka teka, pakilala mo naman ako sakanila" sabi ni Martin.

"Sakin din" umepal si Mia

"Hoy ako nauna dun!" singit ni Martin 

"At pano ka naman nauna?" 

"Kasi maganda ako, and even though i have these hairy legs, maganda ako noh!"

"ha-ha! ikaw maganda, tumingin ka nga sa salamin at sigurado akong mapagsisisihan mo yang sinabi mo!" Banat ni Mia

Naku nagaaway na sila kaya't puputulin ko na to "Hay nako, ewan ko sainyong dalawa!" 

Bigla silang tumahimik at nagsalita si Martin "Beth, may bumaril ba sa puso mo?"

Nagblush at nagulat ako "Naku! Ano?! Ako?! May bumaril? Hoy, kung ano ang iniisip nyo wala akong type sa 2 un!" sagot ko 

"Oonga Beth, meron ba? Imposibleng wala kasi ang gwapo nilang dalawa oh!" Umepal ulit si Mia

"Kaya ko kayo mahal eh! Kasi mga echusera kayo! Wala nga!" Sagot ko ng medyo pasigaw

"Ssh. Di naman namin sasabihin eh" Sabi ni Martin

"oonga, were clinically proven trusted safely"-Mia

"Haha! Nice one! Clinically proven!" Sabi ni Martin at nikapag apir kay Mia

"Sino nga?"-Mia

"O sige na nga" nakulitan ako at sasabihin ko na para tumigil na sila "Wag nyong sasabihin ah" sabay nag thumbs up sila. "Si Adrian" 

Nagulat silang dalawa at sabay ng sinabi na "diba sila ni meg?!"

"Ssssh. oonga, kaya im worried" Sagot ko

"oh basta were here for you Beth"-Mia

"Oonga! Edi sakin nalang yung isa, si Ralph"-Martin

"Tinanung ako nun kung available ako eh" sabi ko

"Kay Adrian ka na! Sakin si Ralph"-Mia

"Hoy, ako nauna"-Martin

"Kahit mauna ka  man o hindi, mapapasakin parin sya kais sexy at maganda ako!"-Mia

"Hoy, sexy ka nga pero tignan nga natin mga itchura natin! Ako maganda at cute!"-Martin

"Ewan ko sainyo" sabi ko habang palabas sa kusina. Nang bigla silang bumati ng may pacute effect "Bye!"

Pag labas ko ng kusina naririnig ko ang mga boses nila na nag-babarahan parin. Hay nako. Pag labas ko, wala na sila Adrian. Kaya't umupo ako sa sala at nagbabasa ng libro. 

Pagkatapos ng ilang oras, dumating na ang gabi. Tapos na silang kumain at natulog na agad. Habang ako ay bumisita sa aking rosas. Paboritong bulaklak ko kasi yun. Pag pasok ko, dumiretso ako sa kwarto ko, nagpalit at natulog na.

Kinabukasan na umaga, naghanda na si Martin ng almusal habang naligo ako at umupo sa sala habang binabasa ulit ang libro. Nakita ko si Martin na nag tetext habang naka cross ang legs na parang sosyal na maarteng babae. Di ko nalang pinansin kasi baka asarin pa ako eh.

Pag dating ng 7:48 pumasok si Ralph at kinalabit si Martin. Nung pagkatalikod nya, kinilig sya at tumayo. "uhm, manong ay sir ay kuya" sabi ni Ralph. Habang tumatawa lang ako kasi inaakbayan ni Martin si Ralph at sinisimplehang niyayakap at kagpipicture sa cp nya. Yumuko si Ralph para maiwasan na ang akbay ni Martin at nilayuan ito ng onti. Pero kunwari di ko nakikita at naririnig.

"Kuya, andyan po ba si Beth" Tanong ni Ralph

"Ayy, di ba ako ang hanap mo?" tanung ni Martin

"hindi kuya eh, si Beth ang hanap ko" sabi ni Ralph

"BETH!!!!" Sigaw ni Martin. Nagulat ako at tumayo bigla. sinagot ko "Ano?!"

"May naghahanap sayo! Gwapo" sabi ni Martin. Pumunta ako dun at sinabing "oh ralph ikaw pala ang 'gwapo'! Akala ko iba"

"Excuse me, maiiwanan ko muna kayo" sabi ni martin at binulong sakin "gwapo! shet! i-ggm ko to! wag mong pakakawalan yan ah" tumawa lang ako 

"Sino ang akala mo?" Tanung ni Ralph. Di ko dapat sabihin sakanya na si Adrian yun kasi baka sabihin nya at layuan ako ni Adrian.

"Ay wala." sagot ko.

"Napaisip ka ata ah. Beth, pwede ka bang sumama sakin magalmusal?" Sabi ni Ralph

Yumuko ako at kinilig kasi ang gwapo nya lalo na pag iniilalagay nya ang kanan nyang kamay at nilalagay sa batok na parang nahihiya. "Ay Ralph, kumain na ako at napagsabihan din ako na wag akong magalmusal kasamay kayo o kumain kasama kayo" Sabi ko. Masakit ba yung sinabi ko? Guilty ata ako, gusto ko mag oo para makita si Adrian pero mapapagalitan ako.

"Ah sige, next time nalang." Sabi ni Ralph. Habang kinamot ko at batok ko, nalaglag ang kwintas ko. Yung hunling natira nung bata pa ako. Bigay daw sakin ng mga magulang ko pero hindi ko alam kung sino sila. 

Nakita ni Ralph ang nalaglag na kwintas at pinulot nya at pinulot ko din. Naghawakan ang daliri namin at nagkatinginan sa isat isa pero tumayo ako bigla at yumuko. Inabot nya sakin ang kwintas at sinabing "Pamiliar ang kwintas sakin, sino nagbigay nyan?" tanung nya. "Dati pa to nung bata ako binigay sakin ng isang tao at huling bagay na nakakapagalala sa mga magulang ko" sagot ko

"Sino ang mga magulang mo?" Tanung nya. "Yun po ang hindi ko alam, nananaginip lang ako ng mga car accidents at biglang pixelated ang mukha" Sagot ko

"Ahh, sige una na ako" Sabi ni Ralph at dumiretso ako sa kusina. 

"Naalala ko yung kwintas na yun na binigay ko kay Elizabeth ah, personalized pa naman yun. Iimbestigahin ko nga"

~End of Chapter 3~

Guys,sorry late ulit. Please vote and suggest again. Sino gusto nyo para kay Beth? Si Ralph o si Adrian?

Naaalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon