Hidden Feelings (Naaalala mo pa ba?)

7 1 0
                                    

Chapter 4:

MEG'S POV

Ok, 7:30 na pala. Ang weird ng panaginip ko kagabi, niyaya ako ni Adrian mag dinner sa Italian Resto pero ayoko kasi nasusuka ako sa pasta like carbonara. Kaya nag Mc Cafe nalang kami at ang wagas ng itchura nya.

Ipagluto ko kaya si Adrian ng lunch? Pero ano ba paborito nya? Si Ralph, baka alam nya. Kinuha ko ang phone ko at may 3 messages, galing kay Martin at Beth. 

Unang message. 

Ate Meg, gsng n!! Hnda n poh fud n amlosal

Pangalawang message:

Homay. Ang gwafu ni Kua Ralph kahapun!!!! Sobrang gwafooo! 

GM. Kilig ako!!!!

Martin? Sino sya? Ah, sya yung baklang 'fc' sakin. Di kami close at ang feeler nya, bakit sya nag-ggm sakin? Hay nako.  Sandali si Ralph? Nagpunta ba si Ralph dito kahapon? Parang hindi kasi walang nagsasabi sakin eh. May isang message pa pala. Galing kay Beth.

Message:  Meg! Kain ka na girl, nakapaghanda na si Panget. 

Ang kulet ni Beth. Haha. Panget? Ahh, si Martin. Text ko kaya si Ralph, papuntahin ko dito at maliligo na ako para hindi naman ako mangamoy sa harap nya. 

Pagpasok ko sa CR, dumiretso ako sa shower. Ang lamig ng tubig! Tiisin ko na lang kasi baka dumating na si Ralph eh. Pagkatapos ko maligo, nagbihis ako ng T-Shirt na may 'xoxo' at ng shorts na 3-4 inches above the knee.

Pagbaba ko saktong sakto, tsaka dumating si Ralph. 

"Ralph!" Binati ko

"Meg, bakit?"

"May gagawin ba si Adrian ngayong hapon? I mean, aalis ba kayo?" Tanong ko

"sa bahay lang kami. Ikaw ah, bakit?"

"Gusto ko sanang paglutuan ng lunch si Adrian"

"Eh ako wala? Nagtatampo na ako, joke. At may itatanung ka pa ba?"

"Oo, ano paborito nyang pagkain?" Tanung ko

"Sya? Mahilig sya sa Sinigang na shrimp, crabs, cheese sticks, salad for appetizer, Carbonara pasta, chicken and strawberries dipped on chocolate for desert"

"Woah, oh sige. simplehan mo nalang si Adrian na pumunta dito ah" 

"Oh sige, maliligo pa ako eh, Bye Meg"

"Sige Bye"

Dumiretso ako sa kusina at tinulungan ako ni Beth.

"Meg, para kanino ba tong carbonara? sakin ba?" tanung ni Beth

"You can have naman pero kay Adrian to eh, paborito mo rin ba to?" Tanung ko

"Oo naman, masarap magluto ng carbonara si Martin" Sabi ni Beth

"Ah Talaga? Sige pasabi sakanya na magluto."

Pumunta si Beth sa harap ng bahay at kumatok sa bahay ni Martin. Naging medyo mahaba ang usapan nila.  Pag pasok ni Beth, sinabi nyang "167 for the service fee daw" 

Grabe naman yung baklang yun, but this leaves me no choice. "Oh sige sige"

Pagkatapos maluto at mahanda ang mga pagkain, nagayos ako ng buhok at naglagay ng foundation to cover my dark spots.

Pagbaba ko, nakita ko si Adrian na nakaupo sa sala habang si Ralph naman ay naghihintay sakin. Ginulat ko sila "Boom!" sabay silang sumigaw "HOY!" Habang ako naman ay tawa ng tawa

"Makagulat ka naman! Wagas!" Sabi ni ralph

"Oonga! Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanung ni Adrian

"Dito ka kasi maglulunch." Sagot ko

"Ano ulam?" Tanung ni Adrian

"Rice at egg lang" Biro ko biglang umiba ang itchura ni Adrian na parang nadidiri na gustong umalis. "Joke! Relax, you'll see" Sabi ko at naging kalmado ang kanyang itchura

Pagkadiretso namin sa dining room. Nagulat si Adrian at tinanung "Sino nagluto ng mga ito?" Sinagot ko naman na "Ako, Beth at yung baklang si Martin"

Masaya ang kanyang itchura at nagsimula na kaming kumain. Bigla nyang binaba ang tinidor nya at nagtanung "Asan nga pala si Beth?" Bakit kaya nya hinahanap si Beth?

"Nandun" Sagot ko

"Selos si Meg oh!" Sabi ni Ralph

"Uy, hindi ah! Medyo kasi friend natin sya" Sabi ko

"Ipasabay narin kaya natin sya" -Adrian

"Ay, tapos na sya eh" sagot ko

"Ahh sige, meg after nito aalis na ako ah"-Adrian

Porket ba sinabi ko na hindi natin makakasama si Beth magiging parang dissapointed na sya? Ouch ah. Nagseselos ako eh sana naman mafeel nya ang gingawa ko kasi lahat ito ay para sakanya.

"Yo Meg! Tulala ka nanaman. Disapointed si Adrian, kakaalis lang." Sabi ni ralph

"May feelings ba yun kay Beth?" Tanung ko. Ang sakit talaga kasi alam kong maganda si Beth pero kami eh. Ganun eh. Nagseselos ako. 

"Sus, wala yun. Ako ang meron, joke, Sige una na rin ako." Sabi ni Ralph at naglakad pauwi.

Sisiguraduhin kong hindi maiinlove si Adrian kay Beth. Dahil alam kong masisira ang relasyon namin dahil may past si Beth na mabibitawan ako ni Adrian. Its on, sisimulan ko ng plastikan yung Beth na yun. Masisira ang buhay nya simula bukas.

~End of Chapter~

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Wee. So, next chapter will be uploaded later or tomorrow just please wait for it. 

Keep on voting.  

Naaalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon