Chapter 1: Pagkikita

11 1 0
                                    

  "Mahal na hari.................Mayroon po kayong dapat mabasa mula sa hari ng Safiro" sabi ng isa sa mga tagabantay.
   "Ano iyon!!!! abat tayo na" sabi ng  mahal na hari habang nagmamadaling bumangon. Nang nakarating sya sa kanyang silid, dali dali nyang kinuha at binasa ang sulat mula sa hari ng Safiro.

"Kamusta kana aking kaibigan, Gusto kong malaman mo na malugud kitang inimbitahan sa darating na Sabado. Selebrasyon ito ng kaarawan ng aking anak na lalaki. Sana ay makapunta kayo kasama ng iyong mga anak. Aabangan ko ang iyong sulat.

                                      Nagmamahal,
                                              Eri  "

"Naku! Oo nga pala." sabi ng hari. Inutusan ng hari ang kanyang kanang kamay upang maipadala ang kanyang sulat papunta sa Safiro. Pagkatapos ay agad ipinatawag ng hari ang kanyang mga anak. Ilang minuto ang nakalipas ay nagsidatingan isa isa ang kanyang mga anak, unahin na natin ang panganay na anak ng hari na si prinsipe Patrick, pangalawang bunso naman si prinsipe Anthony at higit sa lahat ang nagiisang anak na babae na si prinsesa Anne.
"Bakit nyo po kami pinatawag aking amang hari" sabi ni Patrick. "Pinatawag ko kayo dahil sa darating na Sabado ay pupunta tayo sa kaharian ng Safiro. Makikidalo tayo sa kaarawan ng prinsipe sa kaharian." tugon ng hari sa kanyang mga anak.

     Dumating ang araw ng Sabado.

Anne's POV

     "Mahal na prinsesa, oras na po upang maghanda" sabi ng isa sa mga maid namin. "Para saan?" tugon ko. "Para sa dadaluhan nyo pong kaarawan." sabi nya ulit. Magtatanong pa sana ako ng sumigaw na sakin si kuya Anthony.
"Anne!!! Bumangon kana dyan mahuhuli tayo!!! Bawal tayong mahuli, nakakahiya, tayo ang pinakahinihintay na bisita ng Mahal na haring Eri ng Safiro!!! Kaya BUMANGOOOOOOOOOOON KANAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!".

Alam ko na kahit anong gawin ko ay wala na kong ligtas pa sa kanya. Hay nako! buhay talaga!! Hmmp kung pwede lang sana makatakas dito sa buhay na ito. Ginawa ko na. Kaya bumangon nako at binilisan ang pagligo at pagkabihis ay bumaba na upang makakain ng umagahan.

"Mabuti naman at bumaba kana dahil 5 minuto nalang ay aalis na tayo" sabi ni kuya Patrick. "What!!!!!?" nagulat kong sinabi. Sorry ha nagaral kasi ako ng salitang ingles kaya may mga english word akong sinasabi. "Ayan ang sinasabi ko eh, kaya pinapabangon ka namin ng maaga, ayan tuloy nagmamadali ka, ang bagal mo pang kumilos" sabi ni kuya Patrick. "Okay fine! Yaya pakipack nga ko ng tinapay at juice okay. Thank you!!" sabi ko sa isa sa mga maid namin. "Yes ma'am" sabi nya. After that, dumaretso kami sa sasakyan.

Sa loob ng car waiting si papa. In fairness pogi look ngayon si papa. Pumasok na rin ako sa sasakyan, habang bumabiyahe kumakain ako ng tinapay at juice na pinapack ko sa aking maid........

After almost 1 hour na biyahe, sa wakas at nakarating na kami sa Safiro. Pagdating namin sa palasyo mayroong dalawang lalaki ang bumati sa amin at sinamahan kami sa aming mga silid. At pagkatapos ay iniwan na kami. Habang naghihintay na dumating ang oras ng kaarawan ng prinsipe ay naglibot ako sa palasyo. Wow! Napakalaki pala ng palasyo dito. Sa paglilibot ko sa palasyo ay  may nakita akong prinsipe na kumakanta. In fairness ang ganda ng boses niya at gwapo. Yun nga lang ang sungit wala naman akong ginagawa ay sinabi sakin bakit ako nandito sa kanila. Hmmp nakakasira ng araw naman siya.

5 minutes before the celebration ay nagbihis na ko. At sa wakas dumating na ang oras. Isa isa kaming pinakilala ni papa kay king Eri at sa kanyang mga anak. Then my whole world began to slow or I say stop, after pinakilala sakin ni papa ang birthday celebrant.
"Anne ito si Prince Kirk yung birthday celebrant, Kirk ito naman ang bunso kong anak si Princess Anne" sabi ni papa...............................








































"Ikawwwwwwwwwwww!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay naming sabi ni prince Kirk.

      
              

Hintay na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon