The Gentleman -- Aaron

104 3 0
                                    

Nang makaalis na si Jeanie as court ay agad kong hinarap si Jad. Sumusobra na kasi, sinakatan nya yung importanteng tao sa buhay ko. Agad-agad kong sinundan si Jeanie pero di ko na sya naabutan sa labas. Hinanap ko sya sa buong campus pero di ko sya nakita. Tinatawagn ko pero di nya sinsagot ang mga tawag ko.

“Saan na kaya nag punta yun.”

(dial ulit)

“Jea, sagotin mo naman.. sagot. .  sagot . . . ( connected) ayun sinagot din.”

“Hello! Jea?"

“Je? Jea?"

“Nasaan kaba?”

“Jeanie, sabihin mo na kung nasaan ka. Pupuntahan kita.” (pero pagbuga lang ng hangin ang narinig ko.)

“Jeanie please? Tell me.”

“Gusto ko munang mapag-isa Aaron”

“Jeanie please? Nag-aalala ako sayo, pati na ang bestfriend mo. Gusto mo ba lalong mag-alala yung bestfriend mo?”

“Ang kulit mo din noh?"

"kukulitin talaga kita kapag di mo parin sinbi sakin kung nasaan ka."

"Andito ko sa rooftop."

“Wag kang aalis jan, hintayin moko.”

Tinakbo ko ang first floor papuntang rooftop. Imagine that? Ganyan ka importante si Jea sa buhay ko. Siya nalang ang meron ako. Nakakapagod man pero nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Nang makarating ako ay nakita ko syang nakaupo sa may gilid at nakayuko. Naawa ako skanya. Sana iba nalang ang taong gusto nya. Sana . . Lumapit ako skanya.

“Jeanie..”

“Aaron (tumingala sya, umiiyak at biglang yumakap sakin)”

“Sshhhh. Tahan na, andito na ako..”

“Bakit ganun, gusto ko lang naman pasayahin sya e.

“Hayaan mo na sya Jea. “

“Kahit anong gawin ko di nya parin ako magawang magustuhan. Akala ko nitong mga nakaraang araw ay okay na kami, pero bakit ganito, bigla na naman bumalik sa dati si Jared.”

“Tama na kasi yan Jeanie, kahit anong gawin natin, ganun na talaga si Jared. “

"mahirap ba akong mahalin?"

"sympre hindi, mahal nga kita diba?"

"pero. . .  iba naman yang nararamdaman mo sakin eh."

"hahaha! hayaan mo muna si Jad."

“di ko kaya, Mahal ko talaga eh..” ( hinigpitan nya ang kanyang pagkakayakap)

“Andito naman ako eh, aalagaan kita.”

“Thanks Aaron ha? Lage kang anjan para sakin.”

Bahagyang lumayo si Jeanie sa pagkakayakap sa akin at pinagmasdan ang aking mukha. Iiwas sana ako pero huli na ang lahat.

“May pasa ka?” (habang hinahaplos ang pisngi ko)

“Nagkasuntukan kami ni Jad.”

“Di mo na dapat ginawa yun, nasaktan ka tuloy dahil sakin.”

“Naku! Ang liit nito, wala to, mawawala din ito bukas.”

“Aaron naman eh, dahil sakin magkakasira kayo ni Jad.”

“Magkakaayos din kami kapag narealize nyang mali ang ginawa nya. Wag ka nang mag-alala jan.”

“Pero . . . .”

( hinawakan ko ang kanyang kamay)

“Kesa naman makita kitang umiiyak at nasasaktan dahil skanya. Di bali nang ako ang masaktan wag lang ikaw Jeanie. Sabi ko naman sayo nun diba? Hindi ko hahayaang masaktan at lumuha ka ulit kahit ang bestfriend kong si Jared pa ang dahilan.”

At niyakap nya ulit ako ng mahigpit.

My Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon