FINALE The Wedding

167 10 1
                                    

This is it!

Limang taon na ang dumaan. Nakapgtapos narin kami ng College at may kanya-kanya na kaming trabaho.

Si Earl, itong si mamas’ boy ay nagawa rin kumawala sa mommy nya.  Sya ang namamahala sa shoe company nila sa Marikina.

Isang sikat na vocalist naman itong si Xavier. Pagkagraduate namin ay agad bumuo ng banda si Xavier, nagtagumpay naman ito at sikat na sikat na sila ngayon.

Emy, small but terrible nga kumbaga. Biruin nyo sikat na modelo na sya ngayon ng isang clothing company. Buti nga nakalusot yung height nya eh. Haha

Itong si Mr. Heartbreaker naman ay tumino na. Nagtagumpay siya sa panunyo kay Lea. Tatlong taon rin syang pinahirapan ni Lea para mapatunayan na seryoso na sya sa pagkakataong ito.

Oh. Si Jared nga pala. Aba! Wala akong balita skanya. Ang huling balita ko ay pumunta silang dalawa ni mikaela sa states. Bakit? Di ko rin alam ang dahilan eh.

Masayang Masaya ako sa araw na ito. Ikakasal na ako sa taong pinakamamahal ko. Di ko nakalimutan imbitahin lahat ng barakada. Si Jared naman ngayong araw mismo uuwi. Ang gulo talaga ng bestfriend kong yun, sya sana ang gagawin kong best man kaso umayaw sya dahil di raw sya makakarating bago ang araw ng kasal.

Door opens

“hi there.”

“ikaw pala tita.”

“Aaron hijo, sabi naman sayong pwede mo na akong tawaging mommy, di kana iba sa amin”

“pasensya po ma, di pa kasi ako nasasanay”

“you okay?”

“not really ma. Kinakabahan  ako ma.”

“relax! Excited ka lang siguro hijo.”

“sino ba naman po kasi ang di mageexcite eh ikakasal na ako sa babaeng matagal ko ng minamahal.”

“relax ka na jan hijo, maya-maya ay matatali kana.”

“si Jeanie nga po pala ma?”

“nag-aayos pa hijo, aalis na ako. Magkita nalang tayo sa simbahan.”

“thanks for dropping  by, pinawala nyo ang kaba ko.”

“no problem hijo.”

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Jared POV

Ikakasal na si Aaron at Jeanie ngayon. Masakit isiping ikakasal na ang babaeng mahal mo sa bestfriend mo. Pero di pa huli ang lahat, hindi pa sya nakakasal kaya k o pa syang bawiin.

Halos paliparin ko ang sasakyan makaabot lang agad sa simbahan.

“ipaglalaban na kita Jeanie, ayaw kong pagsisihan ang buong buhay ko ang pagtataboy ko sayo noon”

SA SIMBAHAN

Nagsisimula na ang kasal, huli na ata ako. Nagapapalitan na sila ng vows at si Aaron ang nagsasalita. Masayang Masaya sya. Sisirain ko ba ang kasiyahang yun? Hindi. . . Pero mahal ko si Jeanie, ayoko magsisi sa bandang huli.

ITIGIL  ANG KASAL

Napatingin sa dako ko ang lahat ng tao sa simbahan, pero bahala na, wala ng hiya-hiya, lalakasan ko ang loob ko! Paninindigan ko ‘to.

“wag muna kayong magsalita, hayaan nyo muna ako.

Im sorry Jeanine sa mga nagawa ko sayo. Oo, sa umpisa inis na inis talaga ako sayo, kasi naman ang kulit mo. Sino ba naman ang di maiinis dun, halos tatlong taon mo akong sinusundan.

My Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon