Chapter 1: LOVETAMBAYAN

394 5 5
                                    

Hi there! First time kong magsulat at magshare ng story dito sa watty, baka Ito na din ang huli. hahaha wag naman sana! Nainspire kasi ako ng mga writer dito, kaya eto ako ngayon nagtatype. I'm a newbie po kaya please kung pwede po be nice naman sa akin. hehehe...

Mahilig ka bang magchat o pumasok sa mga Chat Room? Kung oo siguradong makakarelate ka. Minsan na rin akong naadik sa pagchachat, bakit nga ba nakakaadik? Ano bang meron sa chat room? Kung ako tatanungin masaya naman sa chat room at masaya makipagchat! Para ka lang nakikipagchismisan high tech. nga lang, di ba? Kung mapapansin mo iba't-ibang tao makikilala mo. Iba't-ibang ugali at dahilan ng pakikipagchat. Sa chat magkakaron ka ng new set of friends, chat mate, lover, kaaway, kaasaran, kalambingan, nanay, tatay, ate, kuya, at anak kahit wala ka pang asawa. Nandiyan din yung mga emo, brokenhearted, wala magawa, naghahanap ng love life, nagpapasikat, nagmamaganda, at marami pa... Kaw ba anong trip mo?

Hope you like it! Enjoy reading and have fun!

-.-.-.-.--.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Dake Villance aka Dake_wapz yan ang pangalan ng isa sa pinakasikat na chatter sa chat room ng Lovetambayan... Mayaman, gwapo, malakas ang appeal sa mga girls, pero ng maghagis ng kayabangan sinalo na yata niya lahat!

Siya na kaya ang magpapatibok ng puso ni Yennah Mhaye Demecian aka blackferrari, isang heart broken na nakapagdesisyong magpakatomboy na lang for life...

Is it possible to fall in love and find true love in chat room? Masabi kaya nila na may LOVE AT FIRST CHAT...

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-..-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Chapter 1: LOVETAMBAYAN

(yennah's pov)

"Good Morning sunshine! Good Morning Yennah..." - ang aga-aga ang ingay ng digital alarm clock ko! Haizt si mommy kasi bakit eto pa napili, no choice but to wake up. I hate school days. hayyyy...

Monday na naman papasok na naman sa school, wala pa ding bago sa life ko. Puyat kakachat but still broken  

pa din ang heart ko! Ako na ang bitter! Grrr!

"Naman Yennah Mhaye Demencian umaga pa lang oh BADTRIP ka na agad! Tsk! Kasi naman itong si hearty at brainy ko super bitter pa rin!" - para lang akong baliw nakaharap at kausap ang salamin ni Mr. Boy Abunda.

"Hepz! Makaligo na nga at madami pang chiks na nagaantay skin. Nakakakilabot! hahaha..." - you read it right, ako ay isang t-bird, lesbian o tibo! actually recently lang eto, last month lang after ng break up naming ng halimaw kong ex-bf!

Ako na ang REYNA NG MGA BITTTER!!! Kasalanan Ito ng first Bf ko... Siya na ang una at huling lalakeng wawasak ng puso ko. Naku nakakadugo ng utak ang lalakeng iyon! Wag lang kami magtatagpo ng landas at mapapatay ko siya!

"Waahhhhhh! Super, Mega, to do Max na pagkabitter ko! Sorry po..." - sabay tingin at ngiti sa kisame.

After my daily routine lumabas na ako ng house. Si Manong Teban mukhang kanina pa naghihintay. Pawisan na siya at hindi na maipinta any mukha.

"Naligo na kaya si Manong Teban at parang haggard na siyang tingnan eh ang aga pa naman ah!" - bulong ko sa sarili ko. May mga oras talagang para akong baliw laging kinakausap ang sarili. Magpacheck na kaya ako sa psychiatrist . hahaha...

Chat Romance - Love at First Chat (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon