Chapter II-c (Dake - Virgin? Gay?)

111 4 0
  • Dedicated kay HeyCeline
                                        

Enjoy reading po!

Dedicated po kay HeyCeline ang chapter na ito. Tnx gurl! Sana magusthan ninyo.. :)

Assuming lang po na may nagbabasa. hehehe.. Well, i hope na may nagbabasa nga at may magbasa pa. thanks in advance mga sissie! Love love love! >--(^_^)-->

CHAPTER II-c

Waaahh! Umaga na pala hindi ko man lang namalayan. Wala pa rin akong tulog ah. Pakshet kasi, kung hindi ako nabadtrip sa room hindi sana nakatulog ako ng maayos. Hindi tuloy ako nakatambay sa room namin. Ang pinagtatakahan ko bakit ba lakas ng epekto sa akin ng Blackferrari na iyon. Ako ang regular na tambay sa room na iyon ako pa umiwas pumasok. Napatambay tuloy ako sa chat room nila Darkshadow. Hindi ko alam kung tatayo na ba ako o matutulog na lang. Bigla naman may kumatok. Si mommy siguro, kapag ganitong hindi pa ako bumabangon. Kinakatok ako para sabay-sabay kaming magbreakfast. Iyon ang isa sa mga rules sa bahay na ito.

"Baby wake na malalate kami ni daddy mo sa office. Magbreakfast na tayo. Open the door baby i want to see your face sweetheart. I missed your smile baby." sabi ni Mommy Eve na naglalambing.

"Ok mommy, I'm coming!" Oh di ba? Baby pa ako dito sa amin. Ako na ang astigin na baby. Ang hirap naman kasing kontrahin ang parents ko. Sana lang hindi malaman ito sa chat room lalo na ng mga tropa ko. Kaya nga iniiwasan kong dito kami tumambay.

Binuksan ko ang pinto hindi ko akalain ganun magiging reaction ni Mommy. Mukhang gulat na gulat si mommy sa hitsura ko...

"Oh GOD! What happened to you baby?! Bakit ganyan ang hitsura mo? Nagaway ba kayo ng gf mo? (Niyakap pa ako ni mommy, parang sobrang big deal ang hitsura ko hindi lang naman ako nakatulog. Nang makita ko ang mata niya parang naluluha pa siya.)

"Mommy please, stop calling me baby. Binata na po ako. Baka kapag nalaman pa ito ng mga friends ko asarin pa nila ako. At wala po akong gf. Wala na kami ni Sheena matagal na po. Napuyat lang po ako. I'll sleep na lang later, hapon pa naman ang pasok ko." Kilala ng parents ko si Sheena. Magkasosyo kasi ang parents namin sa ibang business ng family namin. Hindi ko pa pala nasabi sa kanila na break na kami. Ayoko na kasi isipin ang babaeng iyon. Pagtingin ko kay mommy after kong magsalita, parang naguilty ako. May tumulong luha sa pisngi niya. Hayzz si mommy talaga masiyadong emotional. Hindi ko naman sila masisi ako lang ang anak nila. Hindi na ulit nagkaanak kahit ilang beses na silang nagpacheck up sa doctor.

Hindi ko naman natiis si mommy nilapitan ko siya at niyakap...

"Mommy, don't cry please. I don't wanna see you crying. I'm sorry mommy. I love you. Ako na po ang baby ninyo kahit na binata na ako. Ayokong nakikitang kang umiiyak mommy. I'm sorry..." Muntik pa akong maluha. Ayoko kasi sa lahat kapag may tumutulong luha sa mommy ko. Hayzzz ako lang nakakapagpaiyak sa kanya ng ganyan. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa buhok. Mukhang kumalma na si mommy.

"It's okey dake, hindi ko kasi namalayan na binata ka na pala. Masiyado kaming naging busy ng daddy mo. Hindi kita naalagaan." (Pinahid ko ang mga luha ni Mommy Eve. Naguilty talaga ako. Dapat hindi ko na sinabi iyon. Alam kong nasaktan ko siya.)

"No mommy hindi ka nagkulang sa akin. Sobra sobra nga naramdaman kong pag-aalaga. Ako na po ang baby ninyo forever. Hayaan ko na pong asarin ako ng mga friends ko as long as your happy. I love you mommy." Buti na lang napasmile ko na ulit si Mommy Eve. Wala na ako pakialam kung asarin pa nila ako. Ang mahalaga masaya si mommy Eve.

"Thank you baby. I love you too..." (Hinalikan pa niya ako sa noo. Sweet talaga ng mommy ko. Kaya love na love ko siya eh. Niyakap niya ako ulit. May biglang nagsalita sa tagiliran namin... Si Daddy na KJ!)

"EHEM! EHEM! Ang aga-agang drama yan ah. Hahaha Kumaen na tayo at baka bumaha pa ng luha dito. Kayo talagang mag-ina halika na kayo malalate na ako." (Yan si Daddy James kong kill joy. Close din kami di nga lang tulad nung kay mommy. Mas cool kasi si mommy. Si Dad ayaw kasi ng mga kadramahan. Ewan ko ba pagdating kay mommy hindi ako makapalag. Si mommy ang perfect wife at mommy. Sana makahanap ako ng tulad niya.)

Chat Romance - Love at First Chat (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon