Chapter 2

13.9K 474 10
                                    

Chapter 2

Dilaw

Collie Alvaro Dela Merced

"'Nak. Gising na. Dios mi yong bata ka. Mala-late ka na niyan." Halos hindi ko maidilat ang mata ko. Inaaya pa ako ng kama at ng malamig na panahon upang umidlip at matulog. Idagdag pa ang boses ni Nanay na para akong hinehele.

"'Nay naman. Antok pa po ako." Sabay nguso ko habang nakapikit pa.

"Gusto mo bang papasukin ko iyong dalawa mong kuya para gisingin ka?" Mahihimigan sa tono niya ang malokong pagbabanta na dahilan upang mapabangon ako ng wala sa oras.

"'Nay naman. Gusto mo po bang baliin nang dalawang iyon ang katawan ko." Sabay wala sa sarili kong kamot sa ulo.

"Sige po Nay. Ligo lang po ako, susunod rin po ako kaagad." Sabay kuha ko ng mga damit sa aking drawer.

"Sige anak." At lumabas na si Inay sa kwarto.

Pumasok na ako sa banyo at isinabit sa isang espasyo ang gagamitin kong tuwalya at underwear. Binuksan ko ang gripo at tumulo na rito ang malakas na agos ng malamig na tubig. Napatingala ako ng wala sa oras at nagdasal.

'Patnubayan niyo po ako. At baka mamatay po ako sa lamig ng tubig... Amen'.

Nang mapuno na ang balde ay hinubad ko na lahat ng saplot ko sa katawan at kita sa may kalakihan na salamin sa isang gilid ang maputi at hubo't-hubad kong katawan. Inilagay ko na ang tabo sa balde. At pumikit.

"Aaah! " sabay nagtatalon ako. R. I. P sa lahat ng cells ko sa katawan na mukhang nagyelo na. Dios ko. Bakit kasi hindi pwedeng gabi na lang ang klase sa Naxus. Edi sana hindi ako nagdurusa sa sinumpang tubig na niluwal ng gripong ito. Kakainis!

Tamang hilod, sabon, shampoo at malinis na ako, banlaw at bihis. Agad na akong lumabas sa aking silid matapos kong maisuot ang itim kong uniform na may highlights na asul at itim kong pang ibaba na slacks at kulay puting shoes.

"Antagal mo naman bunso. Nagkaka world war seven na ang mga bulate ko sa tiyan, hindi ka pa tapos maligo," reklamo ni Kuya Keel Alvaro Dela Merced, ang pangalawang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Siya ang pinaka bulakbol pero magaling iyan sa pagda drawing kaya Architecture ang kinuha niyang kurso, graduating na rin siya. Gwapo at may dimples sa kanang pisngi, matangkad at six footer, di tulad ko. Ang daya lang ng genes ni Kuya.

Ngumuso naman ako at nagsalita "Grabe ka sa akin kuya Keel! Hindi ka naman nabubusog kahit ilang kain pa ang gawin mo ano,"  pang-aasar ko na balik na ikinatawa naming pamilya Alvaro Dela Merced. Ngumuso lang si kuya.

"Barado ka roon kuya Keel," sabat naman ng pangalawang bunso na hindi nalalayo ang tanda kay kuya Keel. Siya si kuya Kees Alvaro Dela Merced. Gwapo pero may pagka nerd. Habulin ng babae at mga nagpi-feeling babae. Matalino at magaling magbasketball.

"Tama na iyan. Let's eat, masamang pinaghihintay ang grasya," bawal ni ate Chellten Alvaro Dela Merced. Panganay at nag-iisang tunay na babae sa aming magkakapatid na Alvaro Dela Merced. She's smart and at the same time ay tapos na ng kolehiyo. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho as a Finance Manager sa isang private company.

"Tama ang ate niyo. Maupo ka na bunsoy," utos naman ng padre de pamilya namin na si Cajin Dela Merced habang ibinaba na niya ang hawak niyang diyaryo at uminom ng mainit na kape.

"Tama ang papa niyo. Hali na at magdasal muna tayo bago kumain," sabi ni Nanay, ang pinakamagandang binibini este ginang na pala na nagluwal sa aming magaganda, cute at gwapong magkakapatid na si Kallain Alvaro Dela Merced. Sa kanila ako bilib dahil napaka Creative nilang magpangalan sa amin.

HOOD Series 1: Let Me Go, Husband (GayxStraight) [✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon