Alam ko

5 1 0
                                    

Date written: August 12 2017
Time: 5:58 pm - 6:23 pm
-----------------------------------

Alam ko

Di ko alam kung bakit, yung taong nagmamahal ay siya pa yung sinasaktan.
Di ko alam kung bakit, lahat ng bagay may katapusan.

Nung ikaw ay nakilala, hindi ko alam na magiging tayo.
Nung ikaw ay nakilala, mundo ko'y parang nagbago.
Hindi man kita lubusang nakilala, pero alam ko sa sarili ko na,
Ito na..

Ito na ang mamahalin ko.
At ako na, ang mamahalin mo..

Pero lahat ng iyon, ay di na matutuloy.
Dahil ngayon, wala na tayo..

Ako nga...
Ako nga yung nakipaghiwalay..
Pero alam mo ba kung bakit ko 'yon nagawa?
Dahil alam ko na may iba ka!
Dahil alam na alam kong nagsawa ka na..

Akala ko ba na ako lang?
Akala ko ba na tayo lang?
Sana hindi mo na lang sinabi
O pinangako, kung naman pala matutupad.

Ginawa ko lang ang tama.
At ang tama, ay ang palayain ka..
Dahil, ano ba ang magagawa ko?
Ayaw mo na.

Ilihim mo man sa akin na nagsawa ka na.
Di mo man sabihin na ayaw mo na't may iba ka na.

Alam ko!
Alam ko, dahil di ko na dama yung pagmamahal mo!
Pagmamahal mo na dapat ay para sa akin.
Pero sa iba mo ibinigay..
Alam na alam ko..

Kaya't di na ako magtataka kung wala na tayo....

Dahil alam ko..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alam koWhere stories live. Discover now