Chapter9

37 2 0
                                    

Chapter9 :May dahilan:

-

'Ma-mahal p-parin' Ugh! yun na lang 'ung nasa isip ko! Kainis ka naman Harold! Ano ba talaga? Nung friday,sabi mo di mo na ako mahal? Tapos ngayon? Argh!!

"Lizie? may problema ba?" nagulat naman ako kay Kaite! Bigla bigla kasing nagsasalita!

"W-wala" umiling iling ako at sinubo na lang yung pagkaing hindi ko pa nagagalaw.. Nasa canteen kami ngayon.

"Weh?" ang kulet!

"wala nga!" pagde deny ko..

"hmp! Kung ayaw mong sabihin,edi wag!" at tumayo na siya sa upuan niya.. Hala! iiwan niya ako? huhu di pwede to!

"Oo na!" tumawa siya at naupo ulit

"So? ano yun?" nakangiti nyang sabi

"Ka-kasi ano,nagkita na kami ni Harold-" pinutol niya agad

"What?!!! Kelan? Saan? Wahhh! Di mo naman sinabi saakin!"  nakakatakot pala to pag ang laki laki ng mata! Tapos sigaw pa ng sigaw


"Nung friday..Hindi ko nasabi sayo kasi,hindi naman masaya yung pagkikita namin...Isang malaking pagkakamali na nagkita pa kami!"

"What do you mean?"


"Kaite." I paused at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa table.. Naiiyak nanaman kasi ako eh

"Hindi.Na.Niya.Ako.Mahal!" sa bawat pagsabi ko sa mga salitang yun ay hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga luha ko..


"Anong-! Hindi! Ano yun? Niloko ka lang niya? Joke lang ulit yun?! Malalagot sakin yang Harold na yan! Sinaktan ka niya!... "

"Omg! Stop crying na Zie..Wag mo ng iyakan yun!" at pumunta siya sa pwesto sa may likod ng upuan ko at niyakap ako...

Laking pasasalamat ko talagang may Kaite sa buhay ko..

"Salamat Kaite" mas niyakap lang niya ako ng mahigpit..

Bumitaw na siya sa yakap niya

"Lika sa cr Zie.. Mag ayos ka muna bago tayo pumasok sa mga next sub natin" tumango ako at naglakad na kami


Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin ang taong ayaw ko pang makita..

"Zie anong nangyari sayo?" alalang tanong sakin ni Harold..

"Wala ka na dun !" sagot ko

dinugtungan naman ni Kaite yung sinabi ko

"Alam mo Harold,wag na wag ka ng magpakita sa  bestfriend ko ha! Pinagkatiwalaan kita! Pero gaganituhin mo lang siya? matapos mong iwanan!"

"Kaite.. may dahilan ang pag iwan ko sa kanya" nakakita ako ng lungkot sa mga mata niya

"Dahilan? Sige nga anong dahilan?"

sabi ni Kaite.. Inaasahan kong sasagutin niya yun pero bigo ako ang tanging sinabi niya lang ay

"Hindi ko pa pwedeng sabihin,sa tamang panahon na.." tumingin siya sakin at ngumiti pero alam kong hindi masayang ngiti 'yon kasi malungkot ang mga mata niya.. .

"ewan ko sayo Harold! basta sinaktan mo ng husto si Zie" sabi ni Kaite at nagsimula na kaming maglakad tumingin ulit ako kay Harold na nakatingin din samin at nakita ko sa mata niya ang pagkalungkot at panghihinayang.

Ano yun? Dapat ko pa kaya siyang hintayin? Mahal niya pa kaya ako? Ah ewan!

-Girl's Cr-

"Hay nako Zie! Na highblood ako kay Harold!" tumingin siya sakin

"Tapos may dahilan daw? Haha! hindi naman niya sinabi kung ano,kaya for sure imbento niya lang yun.. "

"Pero Kaite paano kung meron ngang dahilan?" tumingin ulit siya saakin

"Eh kung wala? Edi forever ka na lang maghihintay! Try to love others! Hindi puro Harold! Niloko ka nga nung tao tapos mahal mo parin??"


"Hindi naman ganun kadaling kalimutan na lang siya" bumuntong hininga na lang si Kaite at

"Ewan ko sayo,tinutulungan lang kita. Ayaw kong naiyak ka lagi. Papanget ka nya'n!" natawa naman siya.

Umiling na lang ako..

Joke nanaman?(Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon