Chapter1

51 3 0
                                    

Chapter1 :Namalikmata:

-

5 months na ang nakalipas,at 5 months na rin kaming walang komunikasyon ni Harold. Hindi ko na rin siya nakikita kasi nag iba iba na ang schedule namin,sabi naman nung mga kabarkada niya hindi din raw nila nakikita si Harold.. Tsimis naman ng iba eh lumipat na daw? Uhmmm asan na kaya siya?

Kung nagsalita ba ako nung sinabi niyang mahal niya ako,makikita ko pa kaya siya ngayon?

Kung hindi ko lang sana siya hinayaang maglakad na lang papalayo saakin,edi sana katulad pa rin kami ng dati...

Sana...

Bakit kasi kelangan pa niyang lumayo? Kung kelan

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Sigurado na akong mahal ko na siya

Bakit?

- - - - -

"Oh ano Lizie? Nakita mo na ba siya?" ang tinutukoy ni Kaite ay si Harold,oo lagi niyang tinatanong kasi alam niyang lagi ko rin siyang hinahanap...

"Hindi pa" oo umaasa ako,bakit alam ko namang makikita ko siya eh .... Maghintay na lang siguro ako...

"Magpapakita rin yan! Siguro nasaktan lang siya,alam mo na.

Umasa siya na sasabihin mo rin na mahal mo siya.."

Ganun ba talaga kasakit yun? Siguro nga.

"Tara na,baka malate pa tayo sa klase natin" sabi ko

"Sige" at naglakad na kami,

habang naglalakad kami ay may nahagip ung mata ko,kaya napatigil ako...

Napansin naman ni Kaite yung pagtigil ko kaya tumigil rin siya

"Bakit Zie?" tanong niya

"Wa-wala" umiling ako. Teka? Ba

-bakit parang si Harold yun? Namamalikmata lang ba ako? Nako sa sobrang kakaisip ko sakanya,namamalikmata na ako.. Nagpatuloy na kami sa paglalakad

- - - - -

=Classroom=

"Ang 2nd Quarterly exam ay next week na,so kelangan nating maghabol ng lessons... Kaya wag na wag kayong mag aabsent kasi kayo rin hindi kayo makakahabol agad sa lessons" -si Sir...

Tumango naman kaming lahat sa sinabi ni Sir.

Nung natapos nang maglesson si sir ay lumipat na kami ng classroom para sa next subject namin.. Yun nga lang hindi kami magkaklase ni Kaite..

Pumasok na ako sa classroom at meron na ding mga kaklase ko dito..

May kumalabit saakin galing sa likod kaya napalingon ako..  Si Layra pala..

"Bakit?" tanong ko


"Alam mo na ba?" napakunot naman yung noo ko ..

"Na ano?"

"Andito daw si Harold!" biglang bumilis yung tibok ng puso ko

"Sa-saan mo nakita?!"

"Sinabi lang saakin,nakita daw naglalakad papuntang library" Library??! Tumayo ako

"Saan ka pupunta?" tanong ni Layra . Bff ko din

"Library! Bye!" at tumakbo ako ng mabilis..

*****

Joke nanaman?(Part2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon