Snap3

25 1 0
                                    

Snap 3

"Baby..."

Napabuntong hininga ako ng marinig ko yung boses ni daddy.Pag kagaling ko kasi sa bakeshop namin at pakikipagusap sa walang kwentang si Sky ay dumaretso na ako sabahay at nagkulong sa kwarto.

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si daddy.Tinignan ko sya at nakita kong naka pout pa sya.Haaay,kanino kaya nag mana ang pagiging isip bata ni daddy?

"Dad stop that" seryoso kong sabi sakanya.Bigla namang bumalik sa normal ang itsura ni daddy,yung strick mode.

"Dad why this? Bakit pinagkasundo nyo ko sa lalaking di ko naman kilala?I heard na natalo kayo sa chess"medyo may pag kainis ang tono ng boses ko.I cant help it.

Hinawakan ako ni daddy sa kamay at tinignan ako ng seryoso"Im sorry anak.Yung tito mo kasi masyadong magaling sa chess kaya ayun natalo ako.At dahil nga talo ako...yun yung hiniling nyang kapalit.Yung ip-----"

Pinutol ko na ang sasabihin ni daddy"Kaya ipinagkasundo nyo ko sakanya.Daddy naman eh...alam nyo namang si Blake ang gusto ko"malungkot kong sabi sakanya.

Narinig ko namang bumuntong hininga sya"I know that anak pero......nasa ibang bansa si Blake.Try lang naman to eh,if di nag work..let's stop this"

Nalungkot sa sinabi ni daddy.Tama sya,nasa ibang bansa si Blake para tulungan ang parents nya sa pagpapa takbo ng company nila.Naiintindihan ko namam eh,he's my bestfriend but also the heir of their family.

Bigla din pumasok sa isip ko si Sky.Yung mga sinabi nya sakin kanina,yung deal.Napabuntong hininga ako.Hindi ko alam ang gagawin ko.Siguro yung ibang nagbabasa nito sasabihin na napaka arte ko kasi para yun lang.Kung sila naman ang nasa sitwasyon ko na piniling maging single para sa taong mahal nya.....ano yang si Sky sinuswerte!?

"Daddy..bat ba gusto ni Tito Clyde na maging kami ng anak nya na hindi ko man lang nakilala ha?"tanong ko kay daddy.

Nagtaka ako ng makita kong medyo nataranta yung ekspresyon ni daddy pero ewan ko kung bakit.

"Ahhh..ano kasi eh....sabi nang Tito Clyde mo na...pano ba to...ahhhh!Hindi pa daw nya kasi nakikita ang anak nyang may girlfriend kaya gusto nya makasigurado kung ..alam mo na!"sabi nya sakin.

Medyo may duda ako sa sinabi ni daddy.Pero hindi ko mapigilan ang mapatawa dahil sa sinabi nya.Si Sky.....hindi pa nagkakagirlfirend!?Tapos gusto makasigurado ng daddy nya na ano.......HAHAHAHA!

"Bat ka tumatawa anak?"nagtatakang tanong sakin ni daddy.

Bigla naman akong napangiti.YUng ngiting may ibig sabihin"Dad....it's only a try but pag di nag work ang relationship naming dalawa....i quit"sabi ko sakanya

Ngumiti naman si daddy at inakbayan ako"Sure anak!"

"Sige na daddy matutulog na ko"sabi ko sakanya.Tinanggal naman nya ang akbay sakin at tinignan ako ng parang excited na expression.

"What's with the look dad?"

Bigla syang tumakbo palabas pero bago pa masarado ang pinto ko ay may narinig ako na ka kilakilabot.

"HOOONEEEEEY SI VERNICE MAY BOYFRIEND NAAAAAAAA!"

Napailing ako pero agad na napangiti sa naiisip ko.

Let Vernice Sandoval 2.0 begins.

Be ready .....

**

It's been a week since lumipat ako ng school.From public university to a private college.Madaming changes lalo na sa mga taong nakatingin na babae sakin na kulang na lang ay patayin ako.Ang tatalim tumingin!Kalat na sa buong school na fiance ko si Sky Toledo.Di ko akalain na sobrang sikat ng lalaking yon at napaka big deal non.Napag alaman ko din na sobrang yaman ng pamilya ng lalaking yon.Wala naman kasi akong pakielam sa mga taong di ko kilala dahil para sakin si Blake lang ang importante.

Papunta na sana ako ng canteen ng may maramdaman akong malamig sa damit ko.

"Gosh!"napasigaw ako ng may magtapon ng malamig na inumin sa may damit ko.

"What the hell!"sigaw ko ulit ng matapunan ulit ako ng inumin nya.This time alam kong sinasadya nya na yon.

Binigyan ko ng masamang tingin ang babaeng hampaslupa na nagtapon sa maganda kong damit.Hindi nga ko nagkamali at isang malanding babaeng insecure sa kagandahan ko ang gumawa non.

"Oooops im sorry"akmang tatapunan nya ulit ako ng mahawakan ko ang kamay nya.Kinuha ko yung kamay nya na may juice at sakanya ko itinapon yon.

"Im sorry too!" galit na sabi ko sakanya.Tinignan nya ko ng masama at akmang sasampalin ako ang kaso na unahan ko sya.

*Slap*

"Dont dare to mess up with me bitch 'coz im way better than you"nginitian ko sya ng matamis.Sweet smile pero alam kong sapat na yon para matakot sya at kabahan"Kahit anong gawin nyo sakin.....hindi nyo pa din ako mapapaalis dito"pag tapos non ay kumaway ako sa mga hampaslupang nakiki chismis at tuluyan na kong umalis papuntang cr.

Tulad din ng sinabi ko,sa 1 week na stay ko dito ay kung anu-ano ang nararanasan ko dahil sa mga insecure na babaeng may gusto kay Sky.Wala din naman akong pakielam dahil hindi naman sila mananalo sakin.

Speaking of Sky,hindi sya nag paparamdam sakin at missing in action ang peg nya sa school na to.I rolled my eyes unconciously.Pano ko na lang maiisakatuparan ang plano ko kung wala sya?Hmmmm.

Nang makapag palit ako ng damit ay nagpunta ako sa rooftop ng school na to.Nung nakaraang araw ko lang na discover na may rooftop pala.Maganda tong lugar na to para sakin.May konting bulaklak at may iilang bench na pwedeng upuan.Ang pinaka gusto ko dito ay yung view na matatanaw dahil kirang kita ang buong Westlane College.

Nakaupo lang ako dito habang nakatanaw sa baba.Sa totoo lang,di ako lilipat sa school na to kung hindi lang dahil sa paki usap ni daddy.Come to think of it,1 year na lang at ga-graduate na ko sa course kong Business Administration pero lumipat pa ko.If i know,plano to ng magaling kong ama.

Nakaramdam ako ng boredom kaya naisipan kong mag bukas ng facebook sa phone ko.Alam nyo na,wifi ang buong school na to.

1 friend request,5 notification at may 2 message.

Una kong binuksan yung notification.Puro game request lang kaya nakakaasar.Psh!Next kong binuksan yung friend request at napairap ako ng wala sa oras

.

.

.

.

                                                                               Sky Toledo

                                                                         Confirm    Not Now

Nakakaasar!Pati ba naman facebook hindi pinatawad!?Bahala syang mabulok dyan.Di ko sya i aacept.Never!

I click the message at halos ibato ko na yung cellphone ko dahil yung isang message ay galing sa baliw na yon.

Hey!Accept me or else.......

-Sky Toledo

Hindi ko pinansin yung message ng baliw na yon at binuksan ko pa yung isang message.Wrong move.

.

.

.

.

Im coming home Vernice.

-Blake Buenavista

Halos maibagsak ko yung phone ko sa sobrang gulat.

Is this for real?

After 2 years.....he's back.

My One Snap Fiance(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon