"Nasaan naba kasi yun?" bulong ko sa sarili ko habang hinahanap yung bag ko. Yes! Tama kayo kinakausap ko mag-isa yung sarili ko, alangan multo? Char (^-^)V
Ako nga pala si Zhia Alonzo. Fourth year High School dito sa school ng East University. 16 years old,
Mabait? ( yes mabait ako, sa taong mabait lang din sa akin.)
Maganda? ( ewan! Kasi sabi nila hindi daw, pero sabi ng parents ko maganda daw ako.)
Sabi nila hindi daw ako maganda dahil isang hamak ng neard lang daw ako, hindi daw kasi binibigyan ng kagandahan yung mga katulad ko. Parents ko lang ang nagsasabing maganda ako, malamang sasabihin nilang maganda ako kasi anak nila ako, pero sa ibang tao iba ang tingin sa akin, hindi ko naman sila masisisi, bakit kasalanan ko bang maging neard?
Porket ba may malaking salamin at gulo-gulo ang buhok pangit na?
Hays! Mga tao nga naman ngayon, makapanglait kala mong perkekto.
Oo inaamin ko pangit na neard ako, eh anong magagawa ko yun ang pagkatao ko eh.
Simula bata ganito na ako. Habang ang ibang batang babae gusto ng mga Barbie doll noon, ang ang gusto ko nun mga libro tungkol sa Science. Kaya ito hanggang sa paglaki ko dala ko parin yung hilig ko sa Earth Science at puro libro parin yung mga favorite ko.Kaya ayun walang gustong makipagkaibigan sa akin bukod kasi sa neard na ako wala akong hilig mag shopping shopping, ang gusto ko lang mabasa ng magbasa. Kaya eto always alone, lagi nalang mag-isa.
Back to reality na tayo. Nandito ako ngayong sa locker ko hinahanap ko yung bag ko nawawala kasi eh. Nilagay ko lang saglit sa locker ko kasi may call of nature ako kanina eh, pero nung pagbalik ko nawala na.
Nasaan naba kasi yun?
Nagpabalik balik na ako sa room ko at inikot ko na yung building hindi ko parin mahanap yung bag ko.
Pagod na ako, kaya nagpahinga muna ako dito sa playground, umupo ako sa damuhan.
Habang nakaupo ako may narinig akong nag-uusap, hindi naman sa chismosa ako eh ang lakas kaya ng boses nila.
"Anu ba yan puro libro yung laman wala tayong mapapala dito." dinig kong sabi ng lalaki.
"Kasalanan ko pa? Eh ikaw nga itong nakaisip na kunin yung bag na ito eh." sumbat ng isang lalaki sa kasama nya.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung bag na hawak nila.
Teka bag ko yun ah!
Paano napunta sa kanila?
Nasa apat na lalaki yung bag ko, paano na punta sa kanila yun?
At sino naman sila para kunin yung bag ko? AhrrrLumapit ako sa kanila para kunin yung bag ko.
"Bag ko yan, kayo ba yung nanguha?" tanong ko sa kanila.
Pinagtaasan lang nila ako ng kilay kaya tinaasan ko din sila ng kilay. Eh bakit ba hindi naman sa kanila yung bag na yun eh kinukuha nila.
"Amina na yan! Bag ko yan eh." sabi ko sa kanila habang inaabot ko yung bag.
"At sino ka para utusan kami? Miss mapangit? tsupi tsupi ka nga dyan nasusuka ako pag nakakakita ako ng mapapangit." sabi ng lalaking nakabland yung buhok.
Tsk! Kala mo naman kung sino sya eh pare-parehas lang naman kaming estudyante dito sa school na ito. Anu sya Pricipal para utusan ako?
At isa pa anung sabi nya sa akin? Miss mapangit daw? Arrrhhh kainis. Kung lalaki lang ako kanina ko pa nasuktok tong lalaki na ito.
Hindi ko nalang pinansin yung mga pinagsasabi nila, inabot abot ko nalang yung bag ko dahil nasakanila at itinataas taas pa para hindi ko maabot.
"Anu ba! Anina na nga kasi yung bag ko." inis na sabi ko sa kanila.
Pero hindi parin sila tumigil, mas lalo pa nilang tinaas yung bag ko para hindi ko maabot.
Habang tawa ng tawa yung apat na nakakuha sa bag ko bigla nalang may humawak ng braso ng lalaking may bland ang buhok.
Tinignan ko kung sinu yun. Lalaki din at mukang mabait.
Yay! Salamat may magtatanggol na sa akin. Yey!
Kinuha nya yung bag ko sa lalaking bland yung buhok na kanina may hawak ng bag ko. Halata ang pagkabigla ng lalaking may bland yung buhok. Tumingin sa akin yung lalaking kumuha ng bag ko at saka ngumiti sa akin, nginitian ko nalang din sya.
Hinintay kong ibigay nya yung bag ko sa akin pero hindi nya binigay, imbis na iabot nya sa akin yung bag ko binuksan nya ito at tinaktak yung mga laman. Nagsikalat yung mga libro at papel na nasa bag ko. At saka nya binalibag yung bag ko papunta sa akin.
Yung ngiting nasa labi ko kanina na palitan ng inis. Mas malala pa pala sya kaysa sa lalaking may kulay yung buhok. Ngumiti sya sa akin na parang nangloloko.
Arrhhh! Kainis ka! Bwisiiiiiittt
Nilagpasan nya lang ako kasama ng apat ng lalaki, magkakasabay silang naglalakad habang nagtatawanan. Magkakaibigan pala yun, umasa pa naman akong ipagtatanggol nya.
Tinignan ko yung paligid marami palang nakatingin sa amin kanina at yung iba tumatawa pa at bini-videohan ako. Hindi ko nalang sila pinansin.
Pinulot ko yung mga gamit na nahulog at saka ako umalis sa lugar na iyon dahil alam kong pagbubulungan at pagtitsismisan nanaman ako ng mga istudyante.
Umuwi na ako sa bahay dahil wala na akong dapat pang pag-aksayahan ng panahon. Sanay naman akong laging pinagbubulungan, laging napapahiya at laging pinagtatawanan. Kinalakihan ko na yan dahil simula nung bata ako yan na ang bungad ng mga tao sa akin kaya nga takot akong makipag-usap sa tao eh, bukod sa magulang ko at katulong sa bahay wala na akong kinakausap.
Pagdating ko sa bahay naligo at nagbihis na ako sabay higa sa kama ko. Inisip ko yung nangyari kanina first time kong maka encounter ng mga ganung lalaki, at ang masasabi ko lang sa kanila nakakainis sila.
****
A/N;^_^ Thanks for reading
Voting and Commenting are highly recomended.