TGR2- The Four Seasons✅

483 23 5
                                    


Winter's POV

After that 'little' incident ay dumeretso na kami sa counter para umorder. Yes, we owned this school but the 'Stupidents' don't know yet. At wala kaming balak ipaalam sa kanila. At least, not now.

"4 breakfast set please. "

Pagkatapos maibigay ng babae yung order namin ay pumunta na kami sa table namin at nag umpisa nang kumain.

"Guys, sabi pala ni kuya na punta daw tayo sa office nya ngayong lunch time. He texted me just now." Spring informed us.

"ok" we all said in chorus.

"Let's eat for now. " I said before sitting on my place.

Habang kumakain kami lahat ng mata nila nakatingin samin. Anu na namang trip nang mga to?!

"Do they have to stare like this?? It's creeping the hell out of me!"

Summer half yelled. Parang hinuhubaran na nila kami sa klase ng tingin nila samin. Meron namang iba na kung maka tingin parang papatay eh. Huh! Baka nga sila pa yung unang mamatay bago pa nila kami mahawakan eh.

"Don't mind them. "

I said to calm her down. Mahirap na baka magwala pato dito. After minutes of eating, kami nalang yung tao na nandito sa cafeteria since nag bell for the first subject.

And yeah, we ditch first subject. Hindi pwede madaliin ang pagkain no. Asa silang ipagpapalit namin ang pagkain namin sa mga lesson na napagdaanan na naman namin. Duh, food is lyp men!

"Tapos naba kayo?? Tara na, late na tayo." aya ko sa kanila. Since one subject late lang naman kami, napagisipan nalang naming pumasok.

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa room namin kasi nga late na talaga kami. Pagpasok namin sa room ay magulo silang lahat at tumahimik lang ng pumasok kami. Wala pa pala ang Prof para sa second subject kaya sila maingay.

Dumeretso nalang kami sa second to the last row para umupo. Pumwesto agad ako sa tabi ng bintana para maganda. Lagi naman talagang umuupo ang mga bida sa tabi ng bintana eh. At saka ako kaya bida ng storyang to. De joke kami pala hehe.

Hindi nag tagal ay dumating nadin yung Prof.

"I'm sorry guyss, I'm late. May inasikaso pa kasi ako eh. Oh and By the way. We have new students here, so, please kindly introduced yourself in front."

Ma'am gestured us to go in front.
Haysst.... Ito nanaman. Nakakasawa. Ay tsaka ma'am, wala kaming pake kung late ka. char.

Kahit napipilitan at labag sa loob namin, pumunta parin kami sa harap para magpakilala.

"Hi everyone! I'm Summer Park. Nice to meet you." trying to be nice eh??

"Hi, my name's Autum. Autumn Kim. " usual Autumn.

"The name's Spring Smith." the quite Spring as always.

"Winter." I said with my usual cold voice. First impression matters right? *smirks*. Natahimik sila lahat na tila ay naghihintay ng susunod kong sasabihin. Well duh, maghintay kayo sa wala.

"Scott! She's Winter Scott. Hehe" awkward na dagdag ni Summer.

"A-ah... Ok you may take your seat. By the way, I'm Ms. Castro. "

After namin magpakilala, sari saring reaksyon yung nakuha namin. Yung mga boys, hala sige, maglaway kayo. HAHA. yung mga girls naman, sige pa, mainggit pa kayo. WAHAHA.
Bumalik na kami sa kung saan kami naka upo kanina at nagsimula na ring mag discuss si ma'am about sa Rules and whatsoever.

Hindi pa nga kami nangangalahati sa discussion namin ay mayroong nagsipasukan na apat na lalaki. Yung huling pumasok naman ay pa dabog na sinira ang pinto. Bastos. Grand entrance lang, ganun?!

"Shorry po ma'am. We're late." Sabi nung lalaking may nakasaksak na lollipop sa bibig nya. Speaking of saksak, ang sarap saksakin ng mga tangnang babae dito sa room.

Puta, tili ng tili! Nakakairita!! Nakakita lang ng lalaki, ang lalandi na agad. Goshh. Wala bang nerd dito sa room? Para may tahimik naman. Puro ata mga higad at mga uod tong mga kaklese namin eh.

"It's okay, umupo na kayo." sabi ni ma'am kaya umupo na sila sa pinaka likod. Ay ganun lang yun? Walang punishment? Taray, ma try nga minsan.

So bale nasa likod namin sila dahil nasa second to last kami nakaupo. Ugh! School's freaking frustrating!

Knight's POV

Hi! I'm Knight Stanford, at isa akong ALIEN. Di' char lang. Pero wierdo daw ako sabi ni Sky. Neknek nya! Mas wierd pa nga si Jace sakin eh. Shh, secret lang yun ha?

Alam nyo ba kong bat' kami late? Syempre hindi nyo alam. Pero Ito na nga, sasabihin ko na, late kami kasi....

.

.

.

.

Naubusan akong nang lollipop eh. Kaya bumili pa ako ng mga lollipop na iba iba yung mga flavor.

Ayy, Kaklase pala namin yung mga amazona na nandun sa canteen. Masaya to, may action na palagi dito sa room hehe.

Pina upo na kami ni ma'am kaya naman pumunta na kami sa pwesto namin sa likod. Sa likod nung mga transferees. Una palang talaga dito na kami naka upo kasi yun yung trip ni Sky. Ang oa lang no? Daming alam eh.

Bigla lumingon yung babaeng nasa harap ko kaya bigla akong nagtaka. Anu naman kailangan nito?

"Do you have extra pop??" nakataas kilay nyang tanong. Luh, attitude. Hmp! Lollipop pala gusto nito eh. Actually, di ako namimigay ng lollipop, kahit kela Sky nga minsan lang ako mamigay. Sya pa kaya na ngayon ko lang sya nakita. Pero dahil bilib ako sa ginawa nila kanina dun sa cafeteria, Pag bigyan na natin.

"You want one?" tanong ko sa kanya. I SWEAR! Nakita kung umikot eyeball nya! Luh! She just rolled her eyes on me!

"Kaya nga nagtatanong eh." pabulong nyang sabi. Uy rinig ko yun.

"Anu sabi mo??" tanong ko kahit narinig ko naman talaga.

"Yeah I want one." nakapoker face nyang sabi.

"Oh ito, strawberry. Sungit~" pabulong na yung last part. Amazona kaya kaibigan nito. Yung may bangs. Teka? Bat ba ako natatakot eh gangster naman ako. Nako Knight! Ayusin mo sarili mo!

"I don't like strawberry." ay mapili, eh sya naman nanghingi.

"grape flavor?" tanong ko sabay abot sa kanya nung grape flavored lollipop.

"Yeah." sabi nya sabay kuha sa lollipop at sabay tingin sa harap.

Wala man lang 'thank you'. Hmmp! Mapili na, masungit pa!

***
A/N:

Ok ito na po ang chap. 2
Hope you guyss like it. Small interaction muna hehe.

Btw, module's killing me. Kaya ngayon lang nakapag update.

Sabi ko saturday but since maaga kong natapos yung module, here's the update.

VOTE•COMMENT•SHARE
and
BE A FAN!! ❤

*Maknae-nim

The Gangster Royalties (Under Construction)Where stories live. Discover now