chapter 1

210 1 0
                                    

Prologue

The most painful thing about being woman is not by giving birth to a child but having no rights to do the first move in telling how much you love a man because in our society and culture, man is the one should court and confess to win the woman’s “Yes”.

If a girl admits that she likes you, know that every ounce of courage in her to say that. So dont take her for granted.

But what if this girl is not on only confess her feelings? What if she courts you? Would you give her a chance?

Chapter 1

*Sandy’s Love Story*

Ako si Sandra Margarette Balverde a.k.a. Sandy ^____^ 16 years old na ako , 5’2’’ ang tangkad, medyo maputi, matangos ang ilong, mahaba ang buhok, hindi gaanong kakinisan pero naliligo naman, kengkoy daw ako at kalog. Biniyayaan ng magandang boses at maruong ng ibat-ibang instrument pero hindi naman lahat pero ang pinakabihasa ako eh sa gitara (Ang daming pero =_=) at dahil yon sa turo ng mapagmahal kong ama Galing lang ako sa simpleng pamilya, may isang kapatid ako na babaeng maldita pero close naman kami pag’may time kasi malapit lang naman ang agwat ng taon namin first year high school na siya . Ang pangalan niya ay Yesha. Si mama nga lang pala kasama naming sa bahay dahil si papa OFW sa Singapore. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami ganuon kahirap. Yung sapat na buhay lang nakakain ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral sa magandang eswelahan. No boyfriend since birth ako at wala akong alam sa love life NUON pero minsan bigla akong binaril ni kupido sa isang lalaking nag’ngangalang Lance Mercado…

Kung ipapaliwanag ko pa sa inyo ang physical appearance ni Lance, well..matangakad siya, maputi, medyo singkit at may magandang pangangatawan. Kung sa pag-uugali naman… Tahimik lang siya pero nung makilala ko siya nalaman kong may pagka’bipolar ang lalaking to.

Hindi ko naman talaga siya kilalang-kilala nuon. Minsan ko lang din siya makita sa school dahil hindi naman kami magkaklase, matalino yun eh section one siya simula first year samantalang ako eh section three lang. Kaya lang kami nagkikita dahil sa SPOT; ang school paper operational team. Simula kasi first year eh kasali na ako dun bilang isang creative writer at siya naman ay cartoonist.

Ni minsan hindi ko naalala na nag’usap kaming dalawa kahit nakaupo lang kami sa magkatabing table sa office ng SPOT. Ewan ko ba? Tahimik lang kasi siya eh kung makikipagkwentuhan man siya eh duon lang sa mga ka’close niya sa office.

Pero minsan sa isang meeting namin nuong third year ay ganito ang nangyari……

*Flashback of third year highschool*

Papunta kami ni Micah yung bestfriend ko since first year sa office kasi nagtext si Sir Roy ang coach naming sa spot at the same time eh teacher din namin sa ibang subject,  kailangan daw namin mag’meeting at simulan na ang mga articles namin.

Pagdating namin doon nakaayos na ang lahat sa isang long table. Sa isang side kasi ng office namin may long table na ginagamit para sa meeting malaki kasi ang office namin eh. Ganun kami ka’sosyal haha. Umupo si Micah sa tabi ni Jon yung isa pa naming bestfriend na beki at ako doon sa isang bakanteng upuan na katabi ni Micah na may katabi ding bakante.

“Ok! I think ok na ang bilang natin para simulan ko na ang meeting natin and after that madami tayong tatrabahuhin dahil last week of the month na next week so kailangan na natin makapag release ng bagong issue ng school paper para sa mga freshmen plus next month madaming trabaho dahil napaaga ang foundation week ng academy.” Nasa harap si Sir Roy habang nagdidiscuss ng mga gagawin namin. Third week of the month na kasi ngayon at Friday na ngayon. So, kailangan nang maipasa ang mga articles para sa first week ng July may mairelease na kaming bagong issue.

She's My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon