chapter 2 and 3

95 1 0
                                    

[A/N: Sorry po kung binitin ko kayo sa chapter one gusto ko po kasi iparinig yung mga kantang ginamit ko :)  Kung nagtataka kayo kung bakit puro tagalog ang kanta ko iyan y dahil gusto kong suportahan ang mga OPM song  ]

Chapter 2

*Lance*

Sandy’s POV

Ok na ang pilay ko ^__^ Horrey!! Dumaan ang sabado at Linggo na naipahinga ko ang paa ko kaya nawala na rin ang pamamaga. Monday ngayon maaga ulit ako pumasok  alasyete kasi ang pasok ko ngayon eh.Ewan ko ba kung bakit Masaya ako ngayon at exited pumasok. Alam niya ba kung bakit? Paki sabi naman sakin kung alam niyo. Dahil Monday ngayon kailangan nang ifinalize ang mga articles naming, so that means kailangan kong pumunta sa office.

Pagkapasok ko ng room nakita ko na si Micah kausap ang iba pa naming kaklase. Napansin naman niya ang pagpasok ko.

“uy!Sandy good morning!”

“Good morning din”.

“Nagawa mo na ba yung assignment natin?”

“Oo kaso hindi ako sigurado sa mga sagot ko eh”.

“Ah ok lang yon pwede bang pakopya?” Ay sus mangongopya lang pala etong babaeng to. Kinuha ko ang yellow pad na pinagsulatan ko ng assignment naming at binigay ko sa kanya.

“eto pagtyagaan mo na lang sulat ko ha?” Maayos naman ako magsulat hindi nga lang ganun kaganda.

“Salamat” ^__^

“Kami rin pakopyahin mo!” ^___^ ganito itsura ng iba kong classmates. Haay hirap maging masipag ikaw ang inaasahan -___-

“Si-sige” Nag’poker face na lang ako. Hindi kasi ako mahilig mangopya eh kaya parang ilang ako kapag nagpapakopya ako.

“Nga pala! Friend” Humarap ulit sakin si Micah.

“Mamaya ah pupunta tayo sa office . Magpapasa kasi ako ng article eh” pagpapatuloy niya.

“Ako rin eh sige”.

Sandy’s POV

12:00 pm. Tumingin ako sa digital watch ko para tignan ang oras sakto at uwian na namin.

“Ano tara na micah??” Inaya ko na siyang dumeretso ng office…

Habang naglalakad kami naikwento ko sa kanya yung ginawa ni Lance nung nahulog ako sa hagdanan.

“Gosh teh!! Ang swerte mo!! Pogi kaya yun! Naging crush ko nga yun minsan eh.” napahawak siya sa pisngi niya. “Ano mabango ba???”

“Shh!! Wag ka maingay baka may makarinig sayo!” Ang lakas kasi ng boses eh =_= tumingin ako sa paligid buti na lang walang nakapansin.

“Ano medyo mabango ba ?masarap yakapin? Ano feeling?” mahina niya nang sinabi yun.

Hinampas ko ang braso niya ng mahina.

“Ano ka ba! Hindi ko nga niyakap ! Kinarga niya ako sa likod”.

“Ano ka ba ganun na rin yun. Nakayakap ka na rin sa kanya.”

“Ah basta kinarga niya lang ako”.  Binuksan ko na yung punto dahil nandito na kami sa tapat ng pinto ng office. Pagbukas ko ng pinto anduon na si Sir.Roy, Gian, Mike, Jon at Lance 0_0.Nakita na ata ni Micah si Lance na busy nagdo’drawing biga naman niya akong siniko “Uy ayun si papa Lance oh Hihi!” Ngumisi pa. Badtrip. Sinaway ko nga “Ano ba! Wag ka maingay”.

(Author’s Note: Si Gian at Mike ay isa din sa mga supporting characters. Kaya kailangan sila!)

 Pumunta ako sa upuan ko na katabi ang upuan niya at nilabas ang loptop sa bag ko. Dugdugdug! Ano yun tumutunog? Puso ko ba yon oh tiyan ko? Siguro yung tiyan ko gutom na ata ako. Nako napapdalas na an pagiging gutom ko nakakasama na sa kalusugan ko to. Nakakakilig este nakakanginig na ng laman . Tumingin lang ako sa kanya at binalik ko ang tingin ko sa loptop ko. Hindi ko kasi alam kung ngingiti ako ewan ko, nahihiya ata ako eh. Teka bakit ba ako nahihiya? Ah dahil sa mga pinagiisip ko nung nakaraang Friday night nang kasama ko sya.

She's My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon