chapter 4

50 2 0
                                    

A/N: Hello guys! Eto na naman po ang echuserang author! I dedicate this chapter for toastedarrows my loving friend haha! Dahil sayo uumpisahan ko ng i'bold ang mga conversations.

Please po pakinggan niyo yung mga kanta ko sa media para mas lalo tayong mkarelate sa kanta. SOLOMOTZ!!!

Chapter 4

Lance’s Schedule

Sandy’s POV

Nang mawala na ang kahibangan ko namulatan ko na lang ang sarili ko na narito na sa kwarto ko. Nagcommute na lang ako pauwi dahil masyado pang maaga marami pa naman masasakyan eh. Nagaalok nga si Lance na ihahatid na daw niya ako kaso naisip ko nga na maaga pa ang oras baka Makita ni mama na may naghatid sakin na lalaki. Baka makonyotan ako ng mga yun. Alam niyo naman ang mga magulang exaggerated, pag nakakita ang anak nila na may kasamang ka’opposite sex eh feeling nila magaasawa na anak nila.

So iyon na nga hindi na ako naghapunan kasi feeling ko busog naman ako. Ewan ko ba pero kaunti lang naman ang nakain ko ngayong araw pero hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Siguro dahil kanina puro pagkulo ng tiyan ang naramdaman ko sa sobrang saya.

Umupo ako sa kama ko at lumapit sa akin si rocky at humiga sa mga hita ko.

“Alam mo rocky napaka saya ko ngayon kasi nakasama ko si Lance at mas lalo ko siyang nagustuhan dahil naging nice siya sakin”. Hinihmas ko ang katawan ni rocky.

“binigyan nga niya ako ng bracelet eh”. Kinuha ko naman ang bracelet na bigay ni Lance sa akin na napanalunan niya sa dart at pinakita k okay rocky. Tumingin si rocky pero binalik din niya ang pagkakahiga niya sa hita ko.

Napakasaya ko talaga ngayong araw na’to sayang nga lang natapos na ang fairytale sa buhay ko :(

---

Sandy’s POV

Medyo ang boring na boring na ako ng  tatlong araw =_=. Simula kasi nung foundation week parang wala nang naging excitement sa buhay ko eh lalo ngayong araw na to, maaga kasi ako umuwi dahil wala naman akong gagawin sa shool. Gusto ko sana mag’arcade kaso wala akong makakasama sa mall dahil aalis daw si micah hindi naman niya naman sinabi kung saan siya pupunta pero mukhang importante eh kaya hindi ko na siya pinilit. Tapos wala naman akong gagawin sa SPOT dahil natapos ko yung article ko for this month at pinasa ko na nung Monday. Bago ako umuwi dumederetso ako sa office kaso kung hindi ko naman dadatnan na walang tao dun wala naman si Lance. Ewan ang boring talaga eh kaya hindi na rin ako nagiistay dun.

Nasa kwarto lang ako ngayon nakikinig ng music sa ipod ko habang naglalaro ng psp. Mabisyo ako no? Tapos na rin kami maghapunan kaya magpapaantok na lang sana ako nang biglang kumatok sa kwarto si mama.

“Sandy! Gslkdfgdkbnvcv anak!!” Sumisigaw si mama habang kumakatok. Hindi ko maintindihan yung sinisigaw ni mama kaya tinanggal ko naman yung earphone sa tenga ko at binuksan ang pinto. Papasok na si mama sa kwarto niya .”Ma. Ano??”

“Sabi ko paki-luck yung gate natin”. Ay ang gara =_= dapat hindi na ako lumabas ng kwarto nautusan pa tuloy ako -___-

Tamad akong bumaba ng hagdanan at pumunta ng gate para magsara ng gate nang biglang pagtingin ko sa labas eh nakita ko si Lance 0_0 . Nakasakay siya kay Lexus; yung motor niyang red.

OMG! Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiit siya sa paningin ko at mawala. Oo nga pala madadaanan nga pala niya ang bahay naming pauwi sa kanila.

Hindi ko maiwasan ngumiti.  Nga pala, bakit gabi na siya umuwi? Wala naman kaming meeting ngayon.

Naalala ko tuloy bigla yung sinabi niya habang kumakain kami sa icecream parlor nung foundation week.

She's My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon