PROLOGUE
Simula pa lamang ng akoy mag ka isip naramdaman ko na na may kakaiba sa aking katauhan.
Hindi ko pa yun maintindihan at maipaliwanag dahil kulang pa ang aking kaisipan sa mga katanungan na aking nararamdaman.
Natatandaan ko pa dati noong bumibili kami nang laruan nang kapatid ko kasama ang pamilya ko.
Sa kanya manika sa akin kotse kotsehan.
Kapag bumibili kami nang damit.
Sa kanya pink sa akin blue.
Sa kanya dress sa akin pants.
Sa kanya blouse sa akin polo.
At noong medyo lumaki na kami.
Sa kanya lipstick sa akin Gel.
Dear Diary,
Bakit ang unfair ng buhay? Diba dapat pareho kami ni ate? Magkapatid naman kami eh. Basta mas gusto ko yung mga pambabae. Nakakainggit! -_- Paglaki ko, kita nyo!
-Casimiro