CASIMIRO ROMULO III
POINT OF VIEW:
Unang pasok ko sa paaralan kasabay ko si Ate Vanie, HIndi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung maiingit ba ako o hindi sa uniform na suot ni Ate. Parang hindi kasi ako komportable sa uniform ko, Naka-polo tapos shorts. Ganung style kasi kapag elementary naka-shorts.
"Casimiro! Hatid na kita sa room niyo." Nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Ate Vanie, Eh may nakita akong pogi dito, Sayang.
"Sige, ate. Di ko pa naman alam kung saan ang room ko."
Hinatid na ako ni Ate Vanie hanggang sa room ko, mga 20 lang kami sa klase namin.
"Good Morning class." Oh, ayan na pala si teacher.
"Gooodd Mooorniiinggg Teaacheeeerr!"
Naka-upo ako sa may bandang likod ng room, may katabi akong isang babae at isang lalaki.
"Hi, anung pangalan mo?" Tanong sa akin nung lalaki kong katabi, ang tahimik kasi nung babae.
"Ah, Casimiro." Asar naman kasi yung pangalan ko, ang haba haba.
"Ah, Hi Casimiro! Ang haba nang pangalan mo. Ako nga pala si Nathaniel. Nathan na lang for short." Ang friendly naman ni Nathan, Ang ganda nang eyes niya tapos ang tangos ng ilong. Ang puti puti rin, Kapag tumabi tuloy ako sa kanya nangingitim ako. Ang cuuteee.
"Ah." Yun lang nasabi ko kasi biglang tumingin sa amin si Teacher.
**
Uwian na, pupunta muna ako nang waiting area para mapuntuhan ako ni Ate Vanie. Susunduin niya kasi ako dito. Hindi ko pa kayang umuwi, 7 years old pa lang ako.
"Casimiro! Tara na't umuwi! :) Kamusta first day?" Oh nandito na pala si Ate Vanie.
"Ate! Ang saya pala mag-school. May friend na ako si Nathaniel, Pero Nathan lang tawag ko sa kanya. Ang haba kasi eh. Tapos muntik pa kami mahuli ni Teacher na nag-uusap. Ay nahuli niya pala kami pero tinignan niya lang kami nang masama. Nakakatakot." Sinabi ko kay ate lahat.
"Ok lang yun, next time wag ka na magdadaldal ha? Pero masaya kasi eh noh? Hahaha! Masanay ka na lang, kasi halos lahat nang teacher ganun, Oh anu, gumawa ka ba nang mga pinapagawa?" sabi naman sa akin ni Ate.
"Ah, ate. Wala namang masyadong pinagawa. Nagpakilala lang kami tapos ayun. Nagrecess na. Halos buong klase nagpapakilala lang kami. Kasabay ko nga si Nathan mag-recess eh."
"Talaga? Hay nako. Tara na nga, sa bahay na tayo mag-usap."
**
Hanggang ngayon naiisip ko pa rin si Nathan. Anu ba yan bakit ba ganun? -__- Nandito na kami sa bahay at--
"Oh Casimiro anak, Kamusta sa school?" Ayy! Si papa nandito na. Hindi kami close ni papa kasi lahat ng gusto niya ayaw ko.
"Ok lang po." Yun lang ang sinagot ko kay papa at inabot ko ang kamay niya para mag-bless sa kanya. Ngumiti lang si papa at niyaya na kaming kumain sabay-sabay.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa kwarto KO. May sarili kasi akong kwarto. Sabi kasi ni papa dapat hindi na nila ako katabi kasi malaki na daw ako.
*tok* *tok*
Binuksan ko agad yung pinto, kasi may kumakatok. At nakita ko si Ate, Mukhang may sasabihin nanaman.
"Casimiro, tignan mo 'to." pinakita niya sa akin yung pink na notebook na may butterfly na design.
"Anung gagawin ko jan Ate?" Ngumiti lang siya sa akin at sinabing --
"Diary ko 'to, Ibig sabihin ng diary. Dito mo isusulat ang mga nangyayari sayo." Tapos may inabot siya sa aking blue na notebook na may kotseng design. Mas gusto ko yung kay ate.
"Ate, di pa ko masyadong sanay magsulat." Tumawa naman si ate sa sinabi ko. May nakakatawa?
"Ako magsusulat haha! Ang korni no? Gusto ko kasi pareho tayong may diary. :) Oh anu gusto mong isulat?
"Sige ate." Sinabi ko kay Ate Vanie ang mga gusto kong isulat duon. Medyo nagtataka naman siya sa isa kong nasabi.
"Ha? Sure ka ba? Bakit mo naman nagustuhan ang uniform ko? Pati na rin yung diary ko?"
"Ate, hindi ko rin alam."
Nagpaalam na si Ate pagkatapos niyang isulat yung sa diary ko, matutulog na daw siya.
VANIE ROMULO
POINT OF VIEW
Nagpaalam na ko kay Casimiro after ko siyang bigyan ng diary at ipagsulat. Nagtataka nga ako sa mga pinapasulat niya eh ganto kasi yun.
Dear Diary,
Unang beses kong pumasok sa school. Pagkapasok na pagkapasok namin ay nakita ko agad ang mga babaeng naka-uniform palda .Na isip ko tuloy agad sana girl na lang ako. Kasi hindi ako komportable sa unifrom ng mga lalaki. Sa isip isip ko lang yun. . May nakilala ako si Nathan. Ang cute cute niya tapos friendly tapos mabait. Sabay nga kami nag-recess eh. May bago na rin akong friend si Nathan nga. Tapos kani-kanina binigyan ako nang diary ni ate. Itong pinagsusulatan ni Ate hindi ko pa kasi alam yung mga tamang spelling at di ako masyadong sanay magsulat. Kay Ate Color pink, sa akin blue. Sa kanya butterfly yung design sa akin kotse. Kung pwede nga lang kami magpalit ng diary. Ewan ko ba kung bakit mas gusto ko yung mga gamit ng babae.
- Casimiro
Oh? Sinung hindi magtataka? Ako Grade 6 na ako at alam ko yang mga ganyan. Hindi kaya?
Noooo! Hindi pwedeng maging bakla si Casimiro, wala kaming lahing bakla! Si lolo general pa! Panu na? Itago ko na lang kaya. Bahala na. Ok lang na i-secret ko muna at baka isako ni papa itong si Casimiro. Nasusuka kasi si papa sa mga bakla actually pati mga tito ko. Ayaw nila sa mga bakla.
Hindi ko muna sasabihin, Gusto ko sa tamang panahon.
Yung si Casimiro na mismo ang aamin.
***************
