**
CASIMIRO ROMULO III
POINT OF VIEW
"Casimiro, Kamusta naman exam huh?" Pauwi na kami ni Ate Vanie galling school. Mga September na rin kasi, kaya tapos na kami mag-exam nang 2nd yata o 3rd quarter ewan!
"Ang dali ate!" tapos nag-clap naman si ate at ngumiti.
"Tara! Mag-mall pa daw tayo sabi ni papa, Yess!"
**
Kahit naka-uniform pa lang kami ni ate eh dumiretso na kami agad sa mall.
"Casimiro! Nandito ka pala!" Hala, si Nathan nandito rin sa mall :) Bestfriend na kami ni Nathan super close na kami.
"Nathan! Hahaha, sige mauna na kami." Pagpapaalam ko kay Nathan at umalis na sila.
"Anak, kaibigan mo ba yun?" Bago pa ako makapag-salita inunahan na ako ni ate at sinabing-
"Opo mama, kaibigan po siya ni Casimiro sa school. Bestfriend pa nga daw po eh." Nakita kong ngumiti si mama pero si papa biglang sumimangot. May masama?
"Anak, ang bading pakinggan ng bestfriend dapat tropa!"
"Ah sige papa, Tropa ko nga po"
Dumiretso kami nila papa & mama pati si ate sa bilihan ng damit, Damit pambabae. Para kay Ate at mama.
Si Ate namimili na nang damit kasama si mama. Habang kami ni papa nakabuntot lang sa kanilang dalawa.
"Ma,pa. Anu mas maganda?" Pinakita ni Ate yung dalawang dress na hawak niya. Yung isa color yellow na may flower flower tapos yung isa color purple lang walang design.
"Ate mas maganda yung yellow." Pagkatapos kong sabihin yun eh binalik na ni Ate yung purple na dress.
"CASIMIRO!" Pataay, si papa.
"Bakit po?"
"Kailan ka pa natutong mamili ng damit ng pambabae?" sabi sa akin ni papa na halatang galit
"Ah, sinagot ko lang po yung tanong ni ate. Sorry po."
Pagkatapos bumili ni mama at ate nang damit ay kami naman ni papa ang bibili.
"Anak. Casimiro, mas bagay sayo yung dark blue" Sabi sa akin ni papa, Ayoko nung blue >//<
"Pa parang mas bagay yung pink" Mas maganda kasi yung pink sa blue hays.
"HINDI! BAWAL ANG PINK! ETO BIBILHIN NATIN!" Galit na sinabi ni papa kaya, Wala na akong nagawa kundi sumunod kay papa.
Pagkatapos nun eh sa mga laruan namin kami pupunta. Binilhan ako ni papa nang baril-barilan at kung anu-ano pang panglalaking laruan eh gusto ko lang naman yung katulad kay ate na manika.
Pagkatapos naming mamili, kumain lang kami at umuwi na rin. Pagkauwing pagkauwi namin dumiretso kami ni ate sa kwarto ko kasi may papasulat ako sa kanya sa diary ko.
Dear diary,
Today nag-exam kami, super dali lang pala! After namin mag-exam pumunta kami nang family ko sa mall kasi tinreat kami ni papa.. Nakakaasar nga eh, gusto ko yung manika ni ate kaysa sa mga baril-barilan ko. Gusto ko yung t-shirt na pink kaysa sa blue. Bakit ganun?
-Casimiro
*****
