10.0 Teach me how to flirt!?

84 19 0
                                    

Ryousuke's POV

Una sa lahat hindi ako natutuwa sa mga takbo ng pangyayari ngayon. Mula ng dumating yang Tae-ke na yan. Ginulo nya na ang smooth na takbo ng buhay namin ng asawa ko (in the near future!). Hindi palibasa kamuka nya daw si Rufus, sabi ni Athena ay may karapatan na sya!

Tapos ngayong araw uuwi nalang ako may nakabanggaan pa akong babae. Schoolmate kami pero hindi ko sya kilala..

At dahil nabangga sya sa napaka-macho kong katawan edi balentong sya. At dahil gentleman ako, tinulungan ko sya.. Alangan namang iwan ko eh halos halikan nya na yung lupa pag balentong nya ( ̄. ̄)

Mukang ok naman sya matapos ko sya itayo kaya lang nung sinabi kong aalis na ako.. aba! biglang hindi na makalakad ihatid ko daw sya.. Yung totoo nakakapilay na pala mabangga sa macho (-_-||)

At hindi lang yun, grabe sya kung makakapit.. damn di ako 'call boy' stop harrassing me.. she looks at me from time to time.. sabay ngiting pacute..

"kinikilig ka??" tanong nya sabay tawa ng mapagpanggap na maria clara.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Saan ba bahay ng babaeng to! Gustong-gusto ko na umuwi. Hayss..

"Nauuhaw na ako~ Can we buy some drinks first?" pakiusap nya in a cute tone, na hindi cute sa paningin ko habang nag pa-puppy eyes.

"Ok fine, hintayin mo nalang ako dito" sagot ko sakanya. Atlis kahit sandali matitigil yung pag hawak nya sa abs ko at kung saan man nya ako hinahawakan..

May maganda akong naisip!?

Eh kung banggain ko din si Athena? Yayakapin nya din kaya ako? Hehe..

Probably not.. Baka itulugan nya pa ako kasi binangga ko sya.. She's such a tomboy (ㄒoㄒ) But cute! (⌒o⌒)

 She's such a tomboy (ㄒoㄒ) But cute! (⌒o⌒)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.
.
.
.
.
.
.
.

"Ehhh?? sama na ako nakakahiya naman sayo bibilhan mo pa ako~" she exclaimed in a cute voice. Cute siguro para sakanya. Tsk.. kung nahihiya ka talaga sana di ka na nag pahatid sakin Deym! ヽ(`⌒´)ノ

"No, It's fine.." sagot ko sakanya habang inuupo ko sya sa bench. "Hintayin mo nalang ako dito"

Ayoko na talaga syang balikan dun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayoko na talaga syang balikan dun.. pero wala akong choice... but I took my time sa pagbili ng inumin.

Pero pag balik ko I saw her arguing with someone.. Nakikipag away sya sa future wife ko! At Teka bakit kasama nila yung asungot na si Tae-ke (¬_¬)

Hindi ko gusto ang nakikita ko.. Tss! "WHT D FCK!?" bigla kong nasabi at napatingin sila sakin.

"Ryousuke tulungan mo ko~" sabi nitong si Haruna. "Inaaway ako nung babaeng yan oh~" sabay turo kay Athena.

Tinaasan lang sya ng kilay ni Athena.
"Kung anu-ano pinagsasasabi nya sakin wala naman akong ginagawa sakanya~" iyak nitong si Haruna habang nakayakap sakin. Nakakainis naman oh! Ano bang nangyayari.

Inalis ko sya sa pagkakayakap sakin. Nakatingin kaya future wife ko! Loyal ako, kasi ang tunay ma gwapo hindi manloloko. ヾ(≧▽≦*)o Pero hindi! Tungunu..! "Pwedeng paki paliwanag yung mga pangyayari? At bakit kasama mo yang si Taeke!?"

"Naglalandian kasi silang dalawa~ pinag sabihan ko lang naman sila tapos nagalit na yang barbarong babae sakin~" sagot ni Haruna habang nagpapabebe. Ang hirap nun ah magpapabebe habang nagpapaliwanag at nakikipag-away.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Athena. Kailangan ko ng paliwanag. I looked at her intently..

"Wag mo nga akong tingnan tusukin ko yang mata mo!?" galit na sagot ni Athena sakin. Bakit ang init ng ulo nito.

"At ikaw babaeng mahaba ang nguso!" sigaw nya habang ginagaya yung paghaba ng nguso ni Haruna sa sobrang pagpapacute.

"At ikaw babaeng mahaba ang nguso!" sigaw nya habang ginagaya yung paghaba ng nguso ni Haruna sa sobrang pagpapacute

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam mo Ms. Nguso tinanong ko lang kung nag-aaral ka ba? Kasing kapal ba ng make up mo yung bara sa daluyan ng utak mo?" sinabi ni Athena kay Haruna habang naka taas ang kilay.

"Hindi makapal make up ko! Natural na maganda lang ako~" sagot ni Haruna kay Athena. Ginagamit nanaman nya ang Mapagpanggap na Maria Clara technique.

"Tigilan mo ako at baka kayudin ko ng pala yang pagmumuka mo!?" sigaw ni Athena sakanya. Napansin ko si Tae-ke na tawa ng tawa sa gilid.

"Alam mo bago ka mag sabi na naglalandian kami nitong manyakis na to!" sabay turo kay Tae-ke. Tinuro din ni Tae-ke sarili nya na parang nagtataka kung sino yung manyak. "Iresearch mo muna ibig sabihin ng naglalandian! Ginagamit kasi yun kapag parehong tao yung naglalandi!" sinabi nya sabay walk out.

At dahil nasa direksyon ng dadaan nya si Tae-ke sinipa nya to sa tuhod. "Kasalanan mo to!" sabay patuloy sa paglakad.

"Hoy! Ano ginawa mo kay Athena?" tanong ko kay Tae-ke. Nginisian nya lang ako sabay sumunod kay Athena.

"Hoy san ka pupunta! Layuan mo nga si..-" Naputol yung sinasabi ko dahil hinila ni Haruna yung braso ko.

"Uy~ tara na Ryousuke" sinabi nya habang maiyak iyak.

Tangna! NAPAKAMALAS KO NAMAN!

Gamer Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon