Lumabas na ko ng room tapos bumaba ako sa lobby ng condo.
"bakit nandito ka?" - Eu
"dinadalaw ka" - Eurseff
"ha? bakit?"
"Di kita natext e. Alam ko naman nagtatampo ka"
"hala? bakit naman ako magtatampo"
"hindi?"
"oo hindi talaga"
"pa-hug naman ako"
O.o
At bakit ko naman yayakapin ang lalaking to.
Bigla na lang din niya ko niyakap ng hindi man lang ako nakasagot. Nakakahiya tuloy sa mga makakakita. E bakit ba e single naman ako single din naman siya. Wow ang landi ko ha.
Tooot toooot
" o may nagtext sayo" - Eu
"ah si mama yan" - Eurseff
"Ano sabi?"
"Umuwe na raw ako"
Haha, natawa naman ako bigla doon. Itong lalaking to, tinetext pa ng nanay para umuwe.
"o bakit ka natatawa?"
"e kasi ikaw pinapauwe ka pa e ang laki-laki mo na"
"e baka kasi namimiss na ko"
"sus, sige na umuwe ka na"
"nagsabi naman ako na pupuntahan kita e" O.o ano?! te-teka? "o gulat ka na niyan"
"e bakit mo naman sinabi yun? ano sabi niya?"
"sabi niya, wag na lang daw ikaw, mahiya naman daw ako sa mama mo kung sasaktan kita"
"ikaw naman kasi e. bakit mo sinabi yun"
"sinabi ko lang naman ang totoo. at sa tingin mo lolokohin pa ba naman kita"
Walangya naman tong lalaking to o. Hindi ko tuloy alam sasabihin ko.
"o sige na nga. umakyat ka na sa room niyo at matulog na kayo. Jan mga pinsan mo diba?"
"ah oo. sige na. goodnight na"
Tapos hinug pa ko. Umakyat na ko ng room kasi naman yung lalaking yun. Kinikilig kasi ako. Masarap ang tulog ko nito.
Pagpasok ko ng unit.
"o bakla ayos ba?" - tram
"naku naku mga pakana niyong yan ha" - eu
"o? ayaw pa mo?" - nikki
" for sure naman kinilig ka" - tram
"tigilan niyo na nga ako at matulog na lang kayo. okay?!"
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi ko naman alam ang nangyayare sakin ngayon. Ang saya saya ko alng. Yung feeling na masaya. Walang iniisip na problema. Hindi ko to hinanap, hindi ko din to hiniling, pero kusa tong dumating. Ano na lang gagawin ko?
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Keep on supporting po. Till my next update. More readers sana.