IAAG 2: Him

503 22 4
                                    

IAAG 2:

Darlene POV

Uhmm..Sarap ng tulog ko ah..

Mulat ng mata.

o.~

O.O

Teka! Nasaan ako? Hindi ito ang aking kwarto! Don't tell me? 

Nasapo ko naman ang noo ko sa isipin na yun. No! hindi pwede mawala ang aking treasure.

Tinignan ko naman agad ang aking katawan sa ilalim ng kumot. Suot ko pa rin naman ang aking damit kahapon ah. So wala naman nangyari sakin. Pero ano bang nangyari?

Kasama ko sila Jasobelle at Janna kahapon..Then may mga weirdong lalaki nahumabol samin na hindi ko kakilala. Natatandaan ko na nangyari! Tapos tinawag nila akong Phantom Heart? Tsktsk. As if naman ako yun.

Bumaba naman agad ako sa bed at tumayo na. Naglakad-lakad ako.

Sa totoo lang ang ganda nitong kwarto. Ang laki lang, mukhang mayaman ang may-ari nito ah. Wait, kinidnap ba ako? Pero sa mga napapanood ko, pag may kumidnap sayo ay dadalhin ka nila dun sa maruming lugar tapos ipipiring yung mata mo. Hindi naman ganun yung ginawa sakin. Ang ganda pa nag dito eh *_*

Pero hindi ko talagang maiwasang ma-amaze dito sa room! Feeling ko nasa palasyo ako O.O

*TOK TOK

May kumatok sa pintuan at pumasok yung tatlong maid? 

"Good Morning po Maam!" sabay sabay nilang sabi.

Yung isa may dalang tray ng pagkain, tapos yung dalawa mga damit naman ang dala.

"Ahh, just call me Darlene. Matanong lang, bakit ako nandito?" tanong ko sa kanila.

"Sorry po maam inutusan ang  po kami ni Sir na pagsilbihan kayo. Wala rin po kaming alam. Dala na  po namin yung pagkain niyo pati na rin mga damit na gusto niyong suotin."  pagpapaliwanag nung isa sa kanila.

"Sinong sir niyo?" tanong ko.

May isang lalaking pumasok sa kwarto.

O.o 

Kung hindi ako nagkakamali siya yung gwapong lalaki kahapon ah? Yung tumawag sakin na Phantom Heart!

"Buti naman gising ka na." sabi niya at ngumiti.

"Sino ka? Bakit ako nandito ha?" tanong ko agad sa kaniya.

Tinignan naman niya ang mga maid. Inayos muna nila yung dala nilang pagkain at nilagay sa table. Yung mga damit naman ay nilagay sa wardrobe bago sila tuluyang umalis.

Umupo naman itong gwapong nilalang na ito sa sofa.

"Why don't you sit with me first?" kalmado niyang sabi.

"Ayoko nga, malay ko ba kung rapist ka." straightforward kong sabi.

Syempre iba na yung nag-iingat no =.= Kahit na gwapo siya, hindi ko pa rin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

Nakita  ko naman na napatawa siya.

"Mukha ba akong ganun?" tanong niya sakin sabay kuha ng magazine dun sa table. Sinimulan niyang buksan at palipat lipat ng page.

"I'm just making sure." sagot ko naman.

Nagkibit-balikat lang siya. Nakatingin pa rin siya sa magazine.

I AM A GANGSTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon