IAAG 5 : Red Card

630 29 9
                                    

 Dedicated sa kaniya. Lagyan ko daw pics mga characters eh haha LOL :p

IAAG 5

Darlene POV

Saan ba kami pupunta? Kanina pa kaya kami naglalakad kasama itong iba pa. Kanina pa rin hawak ni Cedrick ang kamay ko. Tsansing na ata ito eh? Tsss.

"Saan ba punta? Kamay ko oh?" sabi ko.

Kaso wala man lang nagsalita sa kanila. Ang tahimik lang. Hanggang sa tumigil kami sa nakahiwalay na building. 

Teka, bawal kaya pumasok dito? Bakit kami nandito? Ang adik ng mga kasama ko =_=. Baka naman magka-bad record ako sa skul ah. Tsktsk. Dami nga rin usap-usap na may multo dito sa building na ito. Ewan ko lang kung totoo. Hindi rin naman ako matatakutin LOL :P

Nakita kong may kinuha si Zeke sa kaniyang bulsa at ito ay isang susi. Weh? May susi talaga siya =_=  K fine.

"Bawal pumasok dito ah. Bakit may susi ka nitong building?" tanong ko.

"Tita kasi ni Zeke ang may-ari nito." si Anthony.

Tumango naman ako. Kaya pala eh. May connection :P Sila na mayayaman, ako hindi haha.

"May multo daw dyan sa loob sabi nila." ako

"Haha. Kung ganun tignan natin sa loob kung meron nga." si Zeke then he grinned.

Nabuksan na niya yung pinto at pagkapasok ko. Deym. Nakakamangha! Sa tingin ko wala namang multo dito ah. Tsktsk. Sinu kaya nagsabi nun? Pasaway. May mga tao pa nga dito sa loob eh. Tapos liwanag at ang luwang. 

"Welcome back po master Zeke!" sabay-sabay na sabi ng mga maids. Yumuko nga sila habang papasok kami sa loob.

"Saan na yung multo?" sabi ni Cedrick na nakatingin sakin. Tapos binitawan na niya ang kamay ko.

"Ikaw mukha kang multo." sabi ko.

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko. Ano ba ito? Feeling ko tuloy clown ako sa kanila. Tumatawa nalang sila bigla, kahit wala naman ako sinabing nakakatawa. Like seriously? ~.~ Weird nila.

Nagpatuloy kami maglakad. Tapos pumasok kami sa pinakaunang room na nakita namin. Pagkapasok ko medyo nakakagulat lang. Biruin mo, para siyang club? Yun nga lang kami lang nandito =.= Lahat ng makikita mo dun, makikita mo rin dito. Grabe lungs.

Tapos ayun naupo kami sa mga upuan na nandun. Humiwalay ulit ako syempre LOL. 

"Oh ano na? Bakit nga pala kayo nag-transfer dito?" tanong ko.

"Alam namin na, hindi ka na sasama samin. Pero kailangan lang naming gawin ito." si Zeke.

"Ang alin?" tanong ko.

"Ang pangalan ng gang namin ay Red Card. Ang  May tatlong gang ang nangunguna sa gang list at isa na dun ay ang aming gang. Dalawa ang rank 1, ang Red Card at Bloody Season at rank 2 naman ay ang Ninja Color. Ayon, sa aming source, nakita na rin ng leader ng Bloody Season si Phantom Heart, at ikaw nga yun." si Ced.

"Ang gulo. Hindi ko masyadong gets =.= So anu na mangyayari?" tanong ko.

"Yung leader ng Bloody Season ay dalawa, si Summer at si Winter." si Anthony.

"Hindi namin alam kung ano ang real name nila, dahil code names lang nila yun." si Denzel.

"So anong kailangan nila sakin?" tanong ko.

I AM A GANGSTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon