"Tsk! Bwisit na exam mana sa gumawa."
Bagulbol ng kaibigan kung si Lorraine.
Last day at last exam na namin yon. Niligpit namin ang gamit nami para maka-uwi na.
Busy pa ang iba naming kaklase sa pag kukumpara ng sagot nila at ang iba ay nag tatalon na dahil summer break na pagkatapos ng graduation.
Mag kacollege na kami sa susunod na pasokan.
"Yang si tandang Alfoso talaga hindi matatahimik kung walang bumagsak sa klase niya! Sana malagas buhok niyang kulay brown! Pa bagets si tanda, tumatandang paurong"
Umiling nalang ako sa mga sinabi ni Lorraine.
"Baka kasi babad ka lang sa papanuod ng mga Koreano mo at hindi ka nag-aral." Sabi ko sakanya.
Hilig kasi ni Lorraine ang manuod ng mga k-drama. Sobrang updated nito, basta may bagong episode, hala sige nuod lang kahit may exam.
Hindi naman siya sumagot sa turan ko kaya ibig sabihin nun, tama ako.
"Kaya ka nahirapan kasi hindi ka nag aral Ren. Wag mong sisihin si Sir Alfonso kung hindi ka makapaso." Pangaral ko sa kanya.
"Wag ka nga, baka mag dilang anghel ka at hindi talaga ako makapaso. Tagilid talaga ako sa subject ni Tanda. LETSE!." Tinuktok niya ang armchair niya.
Lumapit naman ang isa naming kaklase sa amin.
"Raga, di ka daw dito mag kacollege?" Tanong ni Deann ang reyna ng chismiss.
Sinulyapan ko si Lorraine at nakataas na ang makakapal nitong kilay.
"At san mo naman yan narinig Deann?" Si Lorraine.
"Diyan lang Lorraine. So, totoo Raga na aalis kana sa bario natin?" Tanaong ulit ni Deann na naka ngisi.
"Oo, Deann." Matipid na sagot ko sa kanya at nagpaalam para umalis. Sumunod naman si Lorraine.
Nagpaalam naman ang iba naming kaklase.
"Yung mga Fanboys mo wagas kung magbabye kala mo wala ng bukas. E papaso ka panaman sa graduation."
Biniwala ko ang kanyang komento.
"Rags, kailan alis mo?" Tanong nito habang seryosong naka tingin lang sa daanan.
"Week after graduation." Tipid kung sagot.
Busy ang hallway, maraming estudyanteng dumadaan at tumatabay.
May bumati sa akin na mga lower years at taga ibang section. Tango at tipid na ngiti lang sagot ko sa kanila.
"Masyaong ingitera yang maldita mong step sister Hindi niya kasi tanggap na may mas maganda sa kanya. Duh! Pwde ba yung ganda niya ay pang bario lang, kaya wag siyang masyadong ingitera at mas lalong magmumukhang tuko yang pagmumukha niya."
Mortal enemy talaga ni Lorraine ang kapatid kung si Rhoan. Kapag nagkita sila ay paniguradong wrestling ng bunganga ang pangaabutan.
Good thing is hindi pa sila nagkakapisikalan. Kaya na pa iling nalang ako sa sinabi ni Lorraine.
"Hoy, totoo naman noh! Simula nung lumipat ka dito nung simula nang senior high, naungusan mo na ang popularity niya. Kung popularity ba ng tawag dun e sikat lang naman siya sakanyang paglalandi. Sorry for the word but that's the truth."
Close naman kami ni Rhoan dati nung hindi pako dito nag-aaral at sa puder pa ako ni papa sa Cebu. Palagi nga kaming nag chachat at nagvivideo call.